BIGLANG napabalikwas si Elena nang makitang nasa loob na siya ng kuwarto. Dali dali siyang bumaba ng kama. Napalunok siya nang makitang abala ang dating nobyo sa sariling laptop nito. Mukha ring hindi siya napapansin, kaya dahan-dahan siyang humakbang palapit. 'Di niya alam kung galit ito. Bigla kasi siyang inantok kanina at sobrang tagal nitong bumalik. Hindi rin niya inaasahang dadalhin siya nito sa kuwarto. Napayuko si Elena ng bigla itong lumingon. "Sorry, nakatulog ako." Sabay kagat ng ibabang-labi. Nang hindi ito kumibo, napilitan siyang tingalain ito. Nakatitig na naman ito kaya kaagad niyang naiiwas ang tingin dito. "Sa susunod 'wag na 'wag kang matutulog. Hindi mo ba alam na nakabukaka ka kanina?" bigkas nito na talagang ikinapula ng mukha ni Elena. Lalo na't naalala n

