ALAS singko ng umaga. Muntik nang mapasigaw sa pagkagulat si Elena nang makitang nakatayo ito sa hamba ng pinto. Nakapamulsa ito habang nakatitig sa kanya. Napahigpit ang pagkakahawak ni Elena sa tuwalyang nakabalot sa katawan niya. Kalalabas lang niya ng banyo ng mga oras na iyon. Napalunok si Elena kasabay ng pagkabog ng dibdib nang dahan-dahan itong humakbang palapit sa kanya. Seryoso ang expression ng mukha nito. At dahil sa lalim ng titig nito, kaagad siyang napayuko. Pakiramdam niya, nangangatog ang mga tuhod niya dahil sa presensya nito. Nang biglang mapasinghap si Elena nang yumukod ito at amoy-amuyin ang leeg niya! "Smells good.." Tila uminit ang mukha ni Elena. Hanggang sa maramdaman niya ang pagdapo ng labi nito sa balikat niya. Parang may paro-parong nagsiliparan s

