SAMANTALANG hindi maalis ang ngiti sa labi ni Henri habang nakikipag-usap kay Mang Jose.
Batid niyang palihim pa rin siyang pinagmamasdan ng dalagang si Elena. Hindi niya maitatanggi ang kakaibang kilig na naramdaman niya nang makilala ito ng harapan.
Tila ba may kung anong sumundot sa kanyang tiyan nang matitigan ito sa mga mata. Lihim pa nga siyang napalunok dahil sa kaakit-akit ng mga iyon.
At mukhang hindi iyon alam ng dalaga na ang mga mata nito ay lalong nakakapagbighani sa mga kagaya niya!
Lihim pa nga siyang napamura at napatunayan niyang hindi lang pala ang katawan nito ang tunay na nagbigay pansin sa kanya.
Tunay siyang humanga sa ganda nito nang makita ito nang malapitan. Hindi maitatago ang totoong kainosentehan nito kahit pa nga nagawa siya nitong sungitan sa pamamagitan ng pag-irap ng mga mata nito
Mas lalo pa siyang ginanahan dahil sa ginawa nito - alam niyang napahiya ito dahil natulala ito kanina sa kanya. At aaminin niyang labis siyang kinilig dahil sa ginawa nito.
Pakiramdam niya tuloy, napaka-guwapo niyang lalaki!
Muntik pa nga siyang mapakagat-labi dahil lalo lang itong naging kaakit-akit sa kanyang paningin nang mamula ang mukha nito.
Tila kay sarap nitong halikan at ikulong sa mga bisig niya!
Hindi maitatanggi ni Henri na iyon ang unang pagkakataon na nagkaroon siya ng interes sa isang babae — kasama na ang puso niya!
Hindi niya maiwasang mapailing nang lihim at mapabuntong-hininga—lalo pa’t sa isang dalaginding pa niya nadama ang ganitong paghanga.
Sa kabila ng pagiging dalaginding nito, hindi iyon kapansin-pansin sa dalaga kung pagbabasehan sa hubog ng pangangatawan - matangkad at malaking bulas ang katawang mayroon ito.
P'wede nga itong maging isang Miss Universe! Mahahaba ang hiyas ng mga paa! Napaka-sexy ng katawan! Makinis ang kutis nito.
Kaya hindi kataka-taka na agad siyang nabighani sa ganda nito—nagkataon pa na napakabata nito kumpara sa kanya!
Kung bakit sa kabila nang mga nalaman niya, wala sa isip niyang iwasan ang dalaga.
Kahit pa nga nagawa siya nitong irapan - lalo lang siyang nagkaroon ng lakas ng loob na magpapansin dito.
Ramdam niyang mabait na babae si Elena, naunahan lang ito ng pagkapahiya kanina dahil kapansin-pansin ang paninitig nito sa kanya.
Bilang lalaki, hindi niya maiwasang kiligin nang lihim! Lalo na't ang babaeng natulala sa kanya ay ang babaeng natitipuhan niya!
Masarap 'yon sa pakiramdam!
Nabigyan siya ng lakas ng loob upang magkaroon ng pagkakataong mapalapit sa dalaga.
Umaasa siyang makukuha niya rin ang loob nito.
Lalo lang napapangiti si Henri sa tuwing naaalala ang pagyuko nito kanina - halata na nahihiya ito sa kanya.
Aaminin niyang lumabas ng bahagya ang kapilyuhan niya lalo na ng maalala ang halos hubad na nitong pangangatawan sa malaking talon.
Sumiksik kasi sa kanyang isipan - ano kaya ang magiging reaksyon nito oras na malaman nitong pinagpantasyahan niya ang katawan nito?
Ano kayang mararamdaman nito, oras na malamang nasilipan niya ito? Siguradong magagalit ito sa kanya - at iyon ang bagay na kailangan niyang iwasan sa ngayon.
Kailangan niyang makuha ang kiliti nito - 'di siya papayag na mabalewala ng isang Elena Trinidad!
Sa ngayon, hindi muna niya iisipin ang agwat ng edad nilang dalawa. Ang kailangan niyang isipin kung paano ba siya nito pagkakatiwalaan?
Sa paraang magagawa nitong makipag-usap sa kanya, lalo na't nagawa nitong magtaray sa kanya sa pamamagitan ng pag-irap.
Paglingon ni Henri - halatang inaasar ito ng kaibigan. Namumula na naman ang mukha nito.
At mukhang kandarapa itong magpaliwanag sa kaibigan na wala namang ginawa kun'di ang tumawa nang mahina.
Tila lalo itong inaasar nang kaibigan.
Bahagya siyang ngumiti sa mga kadalagahang naroon - kuntudo sikuhan at ngitian naman ang mga ito.
Ngunit alam ni Henri na wala sa mga ito ang nagdulot sa kanya ng pakiramdam na naramdaman niya kay Elena.
Napapailing na lang siya nang lihim at kung bakit sa batang-bata pang si Elena siya nagkaroon ng ganitong pakiramdam. Ni 'di niya iyon pinagplanuhan o sinadya man!
Sadyang malakas lang yata ang appeal nito.
Nang biglang umarko ang gilid ng labi niya nang muli siyang inirapan ni Elena. Gusto niyang mapangiti at mukhang apektado 'ata ito?
Gusto tuloy isipin ni Henri na baka tinamaan talaga sa kanya ang dalaga?
Magandang senyales iyon kapag nagkataon! Hindi na siya mag-aalinlangan na magpakita ng interes dito.
Gusto pa niyang matawa at tila ibinubuhos nito sa pagkain ang inis na nararamdaman nito.
Hindi yata nito matanggap na masyado itong napaghahalataan lalo na't tinukso ito kanina.
Isang tikhim ang pinakawalan ni Henri.
"Gusto ko rin sanang mamitas, Mang Jose.."
"Naku, hijo, bawal pang pitasin si Elena at --"
Namula ang magkabilaang tainga ni Henri - hindi niya inaasahan ang lalabas sa bibig ni Mang Joseph!
Doon niya napatunayang taglay itong mapagbiro. Bahagya itong siniko ni Mang Joseph.
Hindi na naman niya napigilang mapangiti. Sa pagkakataon iyon - ngiting may kahulugan. Nagustuhan niya yata ang biro ni Mang Joseph!
Aba! Kapag hindi siya nakapagpigil, mukhang mapipitas niya nga ng maaga ang anak ni Mang Jose!
"Puro ka talaga kalukuhan!" asik ni Mang Jose.
Kunwari namang napapakamot si Henri lalo na't tuksuhan na naman ang namutawi sa bahay-kubo na iyon.
Samantalang napasimangot ang dalagang si Elena—mukhang 'di nito nagustuhan ang birong lumabas sa bibig ni Mang Joseph.
Iyong mga kadalagahan naman, tila biglang nanlumbay. Wala rin kasi silang magawa kung si Elena ang tinutukso sa kanya. Hindi rin nila maaaring awayin ang dalaga.
At alam niyang hindi ganoon ang ugali ng mga taong tagaroon.
"Pasensya ka na, hijo. Mapagbiro lang talaga itong kaibigan ko," wika ni Mang Jose.
Bahagya namang yumuko sa kanya si Mang Joseph habang may ngiti sa mga labi. Halata talaga sa mga tagarito ang pagiging masayahin.
"Masasanay rin ho ako."
Tumango-tango naman si Mang Jose. Pasimple pa niyang sinulyapan ang dalagang si Elena. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito - hanggang sa tumayo ito at nagpaalam sa ina.
Makalipas ang ilang minuto - kaniya-kaniya na silang nagsibalikan sa trabaho.
Nagsimula naman siyang maglakad patungo sa prutasan. Halos harangan pa siya nang ilang kadalagahan. Ngunit iba ang totoong sadya niya - hinahanap niya kung saan banda si Elena!
Kumunot-noo si Henri at hindi niya ito makita. Hanggang sa matagpuan niya ito sa pinyahan.
Bigla siyang napangiti at nakapamaywang ito na tila ito ang may-ari. Pinagmamasdan nito ang kalawakan ng pinyahan.
Sandaling pinagmasdan ni Henri ang bawat galaw nito.
Ilang beses itong nagpakawala ng buntong hininga. Sumipa-sipa pa ito at mukhang bumubulong-bulong na para bang naiinis.
Isang tikhim ang pinakawalan niya.
Nang bigla itong mapapitlag at napahawak sa dibdib nito. Nanlaki pa ang mga mata nito nang makita siya.
Tila hindi nito inaasahang makikita siya nito roon. Sinikap niyang magmukhang seryoso.
"Dito ka rin mamimitas?" tanong niya at mabagal na lumapit sa dalaga.
Ngunit bigla itong umatras. Umiwas din ito nang tingin.
Sa 'di maipaliwanag na dahilan, bahagyang nasaktan si Henri. Kung makaiwas naman kasi ito, daig pa niyang may sakit!
"Hindi ho. Tiningnan ko lang ang mga pinya. Maiwan na ho kita rito, Sir Henri. Sa manggahan ako --"
"P'wede bang sumama?" agap niya.
Nang kumunot ang noo nito.
"Okay lang ho ba, sa iba ka na lang sumama? Baka kasi tuksuhin na naman tayo, ayoko ho nang ganoon. At masyadong malayo --"
Bigla itong huminto - pasimpleng kumamot sa ulo nito.
"Nakakahiya at tinutukso ako sa parang tatay ko na." At bigla itong ngumiti ng hilaw!
Ramdam ni Henri ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa sinabi nito! Para siyang sinampal ng katotohanan!
Ni sa isip, hindi man lang niya naisip na 'yon pala ang iisipin sa kanya ng dalaga!
Na dapat naman talagang pinaghandaan niya ang bagay na iyon dahil iyon naman talaga ang totoo!
Fvck!
"Pasensya na ho.." alanganin at tila ito nabahala.
Kaagad namang nakabawi si Henri. Itinago ang pagkapahiya niya sa pamamagitan ng isang ngiti.
"Wala ka namang dapat ikahiya kung alam mo sa sariling hindi ka naman maapektuhan sa itinutukso nila. Maliban na lang talaga kung.."
Pasimpleng gumuhit ang panunudyo sa mga labi ni Henri.
"Kung ano ho?"
"Kung apektado ka? Lalo na't hindi naman ako mukhang --"
"Excuse me?"
Bahagyang tumaas ang kilay nito. Pakiramdam tuloy ni Henri, dalagang-dalaga na ang kausap niya ng mga oras na iyon.
Halata sa mukha nito ang biglaang pagkainis, marahil sa salitang binitiwan niya.
"Kung inaakala niyo ho na kagaya ako ng ibang kadalagahan na mukhang may gusto sainyo, nagkakamali ho kayo. Hindi ako pumapatol sa matanda. Maiwan ko na ho kayo."
Biglang gumalaw ang panga ni Henri. Ito ang kauna-unahang babaeng gumanito sa kanya.
Ang magpahiya!
Aaminin niyang napahiya siya sa kanyang sarili dahil sa katotohanang isinampal nito sa kanya!
Biglang bumigat ang pakiramdam niya. Unang pagkakataong nakaramdam siya ng sakit sa puso!
Tila mas masakit pa iyon sa bala ng baril!
Damn!
Matanda pala ha?
Muling napamura si Henri!
Ang bigat-bigat sa dibdib at paulit-ulit na sumisiksik sa isipan niya ang pang-iinsulto nito sa kanya!
Masyado na ba siyang matandang tingnan?
E, mas bata pa nga siyang tingnan sa mga kabinataan na nakita niya kanina?!
Inis na napasipa siya sa lupa!