NAKANGITI si Elena nang buong tamis habang tinitingala ang napakataas na talon. Ang tubig nito ay malakas na bumabagsak pababa sa isang malawak na paliguan.
Luminga-linga muna siya sa paligid bago dahan-dahang hinubad ang kanyang damit at pantalon.
Malakas ang loob niyang maghubad dahil alam niyang walang sinomang maaaring pumunta rito ng walang pahintulot mula sa kanyang itay. Ito kasi ang pinagkakatiwalaan ni Don Abier Del Fio. Ang may-ari ng hacienda!
Alam din ng kanyang itay na pupunta siya ngayon sa sekretong lugar na ito, kaya alam niyang hindi ito magpapapasok ng ibang tao.
Mangilan-ngilan lang ang nakakaalam ng lugar na ito. Ang mga tauhan sa hacienda ni Don Abier.
Itinira ni Elena ang bra't panty niya.
Napatili pa siya at naramdaman niya ang lamig ng tubig! Hanggang sa dahan-dahan siyang lumusong.
"Ang sarap talaga ng tubig!" bulalas niya sa sarili.
Habang siya’y nagpabalik‑balik sa paglangoy, napapangiti siya. Damang‑dama niya ang lamig ng tubig sa kanyang hubad na katawan.
Ito ang dahilan kung bakit gustong-gusto niyang bumalik sa lugar na ito. Bukod sa napakalinaw ng tubig - napakalinis din ng buong paligid!
Mukha nga siyang nasa paraiso at napapalibutan ng mga magagandang bulaklak ang kapaligiran.
Ang nag-aalaga ng lugar na ito ay ang kanyang itay. Alam niyang araw-araw itong bumibisita.
Alam din niyang sa buong maghapon, nililibot ng kanyang itay ang kabuuan ng hacienda. May minsang pumupunta siya ng rancho para mangabayo.
Masayang-masaya siya dahil ang kanyang itay ang higit na pinagkakatiwalaan ni Don Abier.
Bukod dito, malaya siyang nakakalibot sa hacienda at naisasakay ang kabayong gusto niya. Nakakakain pa siya ng sariwang prutas!
Mabait si Don Abier, lalo na ang anak nitong si Ma'am Zasha.
Hindi siya nag-aalangan sa tuwing pumupunta siya sa hacienda dahil parang pamilya na ang turing ni Don Abier sa mga tauhan nito.
Nakangiting umahon si Elena at hinaplos ang kanyang mukha habang nakatingala sa itaas. Maingat din niyang inayos ang basang buhok, pinahiran ng daliri ang bawat hibla.
Muli niyang pinagmasdan ang nagsisibagsak na tubig. Sa likod nito, may isang maliit na kuweba.
Paminsan-minsan, pumapasok siya roon para humiga sa makinis na bato na talagang pinasadya ng kanyang itay. Para iyong higaan na kakasya ang dalawang tao.
Muling sumulong sa tubig si Elena. Ang sarap sa pakiramdam na nababalutan siya ng malamig na tubig.
Para lang siyang nasa swimming pool! Ang kagandahan at may malaking talon na kay gandang pagmasdan. Nakakapigil-hininga!
Nang bigla siyang matigilan.
Tila namalikmata si Elena nang mapansing may isang lalaking nakatitig sa kanya mula sa itaas! Ngunit pagkurap ng kanyang mga mata, bigla na lang itong naglaho!
Hindi niya napigilang mapalunok!
Imposible namang magkaroon ng ibang tao rito, samantalang alam ng kanyang itay na pupunta siya ngayon dito!
At dahil nakaramdam ng kaba si Elena, dali-dali siyang umahon. Kaagad dinampot ang damit at pantalon niya.
Nagawa pa niyang magpanggap na umawit!
Nang maisuot niya ang mga ito, nagmamadali siyang umalis. Wala man siyang kasiguraduhan kung namalikmata nga lang siya, mas mabuti na iyong nakakasiguro. Balak niyang tanungin ang kanyang itay.
Baka namalikmata nga lang siya kanina, lalo na't nasa panahon siya ng paglalangoy!
SA bahay.
"Itay, kanina pa lang umaga noong pumunta ako sa talon, may ibang tao ka bang pinapunta?" tanong ni Elena sa sariling ama
Nang kumunot ang noo nito. Hanggang sa mahina itong napailing at tumitig sa kanya.
"Wala, anak. Alam kong pupunta ka roon, kaya bakit naman ako magpapapunta ng ibang tao." Sandali itong huminto. "Bakit, may nakita ka bang ibang tao? Sinilipan ka ba?" sunod-sunod na tanong nito.
Tila kinabahan si Elena at baka mag-alala lang ang kanyang itay at hindi na siya makabalik pang mag-isa sa lugar na iyon.
Napahinto rin ang kanyang ina sa paghihiwa ng mga sangkap na gagamitin sa pagluto.
Bahagya siyang tumawa.
"Wala, itay. Siguro, pakiramdam ko lang iyon at mag-isa lang ako. Pero wala naman akong nakitang ibang tao. Alam ko namang hindi ka magpapapasok ng ibang tao at naroon ang prinsesa niyo!" Ngumiti pa siya upang hindi mahalata ng mga ito na tila siya kinabahan.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng kanyang ama't ina. Tila napawi ang pag-aalala ng mga ito para sa kanya.
"Akala ko talaga, anak. May nangahas pumasok sa lugar na iyon at talagang hindi sila makakatakas kay Don Abier."
Nang haplusin nito ang buhok niya.
"Bigla pa naman akong nag-alala at baka may nakapasok nga at sinilipan ka. Mabuti na lang talaga at imahinasyon mo lang yon."
Bahagya siyang ngumiti.
"Guni-guni ko lang 'yon, itay. Kalimutan na natin iyon!" palatak niya upang mawala ang pag-aalala nito.
Nang lingunin siya ng kanyang ina.
"Sinabi ko naman kasi sa iyo, anak na iwasan mo nang pumunta roon ng mag-isa. Bakit hindi mo isama iyong kaibigan mo? 'Di natin tiyak, baka isang araw biglang may maligaw sa lugar na iyon," biglang nabahala ang mukha nito.
Nang lapitan niya ang kanyang ina at sabay niyakap.
"Huwag na kayong mag-alala, inay. Sigurado namang walang maliligaw sa lugar na iyon at tago naman siya e! Hindi rin kasi mahilig si Laila na pumunta sa talong iyon."
Humaba ang nguso niya.
Tumikhim naman ang kanyang ama at saka lumapit sa kanila.
"Sisiguraduhin kong walang makakapasok sa lugar na iyon, anak—lalo na kapag naliligo ka sa malaking talon. Sa tagal kong paglilingkod kay Don Abier, wala pa namang nangahas pumasok sa lugar na iyon ng walang pahintulot mula sa akin o kay Don Abier."
Napangiti si Elena at niyakap ang kanyang ama.
"Thank you, itay!"
Napailing-iling naman ang kanyang ina. Alam kasi nitong spoiled siya sa kanyang ama.
Ilang sandaling katahimikan.
"Basta, anak. Huwag na huwag kang pupunta roon nang hindi ko nalalaman ha? At ngayon ko lang naalala na, alam pala ni Henri ang lugar na iyon. Baka magkataong pumunta ang binatang iyon at matiyempuhang nandoon ka rin," ani nito.
Muntik nang mabilaukan si Elena. Sakto pa namang kumakain siya ng sinuman. Nang maramdaman niya ang bahagyang pagkabog ng kanyang dibdib ng bumanggit ito ng pangalan ng isang lalaki.
"Sino hong Henri, itay?" kunot-noong tanong ni Elena.
Bahagya itong bumaleng sa kanya.
"Nabanggit ko na siya sa iyo, anak - iyong kanang kamay ni Sir Christopher. Hindi mo pa nga lang siya nakikita at bihira lang naman siya pumunta sa hacienda. Kapag pumupunta ka naman, nagkakataong wala rin siya."
Hindi siya nakakibo.
Hindi kaya, ang lalaking iyon ang nakita niya kanina?
Biglang namula ang mukha ni Elena. Hindi niya matatanggap kung sinilipan siya nang lalaking iyon!
Napailing-iling siya.
Naniniwala siyang namalikmata lang siya kanina. Kasi, imposible namang nakatago ito kaagad?
Mas mabilis pa pala ito kaysa sa kanyang mga mata?
"Hayaan mo't ipapakilala kita sa kanya, para naman alam niyang ikaw ang anak kong nababanggit ko sa kanya," wika nito. Hindi siya kumibo.
Hindi naman kasi siya interesado na makilala ang lalaking iyon, lalo na't tauhan ito ni Sir Christopher.
Naiilang pa rin siya sa asawa ni Ma'am Zasha. Tila napaka-misteryo ng pagkatao nito?
"Minsan na kitang itinuro sa lalaking iyon, kaso malayo ka na no'n kaya hindi na kita tinawag pa para makilala siya."
Tumango-tango na lang si Elena kahit hindi siya interesado.
Pagkatapos kumain, kaagad siyang pumasok sa sariling silid upang gumawa ng homework.
Agriculture ang kinuha niyang kurso, dahil pangarap niyang balang araw - magkaroon din sila ng sariling hacienda.
Alam ni Elena na mahirap abutin ang kanyang pinapangarap, ngunit naniniwala siyang walang imposible sa taong masikap.
Gusto niya kasing magkaroon ng sariling farm - iyong siya mismo ang mag-aalaga. Gusto niyang magkaroon ng lugar na kasing tahimik ng hacienda ni Don Abier.
Gusto niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang. Iyong 'di habang buhay e, naninilbihan ang mga ito.
Kaya talagang nagsusumikap siya sa pag-aaral upang maabot ang kanyang mga pangarap.
Sa edad niyang labing - pitong taong gulang wala pa sa isip ni Elena ang magkaroon ng karelasyon. Gusto niyang ituon ang buong atensyon sa kanyang pag-aaral.
Gusto niyang matupad ang mga pangarap niya sa sariling sikap! Dahil gusto niyang maging proud sa kanya ang kanyang mga magulang.
Napangiti si Elena.
Pangarap niya kasing magtrabaho pansamantala sa kamaynilaan dahil alam niyang mas mataas ang sahod doon.
Alam niyang makakaipon siya kaagad at makakabili ng sariling farm na matagal na niyang pinapangarap!