LIMANG buwan ang lumipas.. Nanghihina si Elena habang patungo sa kuwarto ng kanyang ina. Halos wala siya sa sarili. Buong maghapon siyang naghanap ng mapapasukan ngunit gaya ng dati, walang tumatanggap sa kanya. Halos magmakaawa na siya at maiyak sa harapa ng mga ito, ngunit lalo lang siyang kinasusuklaman at pinandidirian na tila ba isa siyang nakakasukang tao. Mariin niyang kinagat ang ibabang-labi upang pigilan ang luhang gusto na namang pumatak sa kanyang mga mata. Ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat ni Elena nang makitang nagkakagulo ang mga Nurse at Doctor, hanggang sa makita niyang inilalabas ang kanyang ina. Bigla niyang nabitiwan ang dala-dalang supot at kaagad napatakbo. Hanggang sa makita niyang umiiyak ang kanyang ama at tila nagmamakaawa ito. "A-anong nangyayari

