NATITIGAN ni Elena ang perang nasa kamay ni Gail. Sampong milyon! "Siguro naman, wala ka nang maidadahilan sa akin ngayon. Ngayon mo patunayan sa akin, Elena na hindi mo gustong sirain ang pamilya ko. Ngayon mo, patunayan na hindi ka nga kaladkaring babae!" Hanggang sa ilapag nito ang sampong milyon sa harapan niya. Ilang beses siyang napalunok. "Iiwan mo 'yang sampong milyon sa kuwartong ito, kabayaran sa utang mo sa asawa ko." Hanggang sa ilapag nito ang maliit na bag. "Limang milyon para sa pagbabagong-buhay mo, Elena. Lumayo ka lang sa asawa ko at huwag ka nang magpapakita pa. Huwag mong isiping magkakautang ka sa akin, dahil buong puso ko 'yang ibinibigay sa iyo, kapalit ng paglayo mo sa lugar na ito." Uminit ang magkabilaang-sulok ng mga mata ni Elena. Talagang ipinamukha

