BIGLANG napabalikwas si Gail, nang marinig ang malakas na pagsigaw ni Henri. Nagmamadali siyang bumangon. Bago pa man siya makarating ng pinto, pabagsak iyong bumukas. Lihim na natakot si Gail nang makita ang matinding galit sa mukha nito. Pasimple siyang lumunok. "Henri, ano bang --" "Nasaan si Elena?!" gigil nitong hinawakan ang braso niya na tila gusto nitong pilipitin! Gustong maiyak ni Gail at nanlilisik ang mga mata nito. Kakaibang galit ang nakikita niya sa mga mata nito. Gumagalaw din ang panga nito. "Hindi ko alam. Bakit mo siya hinahanap sa akin --" "Sinungaling! Siguradong may kinalaman ka sa pagkawala niya!" Lumakas ang kabog ni Gail. Ngunit kaagad niyang itinago ang takot na nararamdaman niya. "Wala akong kinalaman! Ni hindi nga ako lumabas kagabi! Bakit hin

