SHANNERA "Ano ba, Meghan! Pwede ba pakihinaan iyang tili mo!" pagod niyang sigaw. Gusto pa niyang matulog at magpahinga dahil sa pagod siya sa kakaiyak kagabi. Naririnig na naman niya na may tumili. Pagod na bumangon siya sa kama. Nang makita na naman niya ang envelope na nasa mesa. Gusto na naman niyang umiyak at magmukmok rito sa kwarto. Napabuntong-hininga na lang siya nang makita iyon. Napasuklay siya sa kanyang ulo at pupungas-pungas na lumabas ng silid. Hindi na siya nag-abalang tumingin sa salamin dahil sila lang dalawa lang ni Meghan dito sa bahay ng kanyang mga magulang. "Meghan, kay aga-aga ang lakas ng tili mo!” nakasimangot na sabi niya na hindi na nakatingin rito saka nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Pagbalik niya ay bitbit niya ang baso na may lamang tubig. Nanlala

