RAMM Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Ramm pagkarating niya sa resort. Bumaba agad siya sa yate at tumakbo patungo sa villa na kung saan nandoon si Sandra at anak niya. Hindi na niya pinansin ang mga staff na bumabati sa kanya dahil diretso lang ang kanyang tingin sa dinaraanan niya. Wala na siyang pakialam kung may mabangga siyang tao. Ang mas importante ay makarating siya sa kinaroroonan ng anak niya. Nang makarating siya sa villa ay agad siyang dumiretso sa silid ng anak at dinaluhan ito. Calyx, what happened? Anong masakit sa’yo?'' Hinaplos niya ang likod nito at inalo, pero mas lalo lang itong umatangal nang iyak. Pinukol niya ng masamang tingin si Sandra na nangangambang nakatingin sa kanya. "Sandra, what are you thinking? What exactly did you do this time? What are you waiting fo

