SHANNERA Kinaumagahan pagkagising niya nabungaran ni Shannera ang galit na boses ni Ramm na may kausap sa telepono. Hindi siya nito napansin dahil nakatalikod ito sa kanya na hubad baro. Bawat galaw ng asawa ay nakita niya kung paano nahubog ng panahon ang katawan nito. Mas lalo itong nadepina. Ngayon lang niya napagmasdan. Ano kaya ang ginagawa nito noong wala siya? "Yes, Drobele. I'd like to know what happened to her two years ago. I don't give a damn if you want my yacht. You can have it if you want. The most important thing is that I'd like to know what happened to my wife... Yes, I will f*****g do that if she did that to my wife." Bawat pagbigkas nito ng mga salitang lumalabas sa bibig ng asawa ay nagtataasan ang balahibo niya. Ngayon lang niya ito nakitang galit na galit. Mahigp

