RAMM "Shannera..." Napatanga siya nang kumalas ito sa pagkakahawak niya sa kamay nito. Hindi siya makapaniwalang bumitaw ito sa kanya. Para siyang namamanhid sa sakit sa nakita at nararamdaman niya ngayon. Ayaw na ba siya nitong mapatawad? Pero, bakit? Hindi niya maintindihan. "S-Shannera…” "Dude..." tawag pansin sa kanya ni Rough. Napatingin siya sa kamay na dumantay sa kanyang balikat. "Mamaya mo na kakausapin si Shannera dahil may ipapakita ako sayo," Rough seriously said. He sighed deeply before nodding. "Shall we go to the office?" Papaakyat na sana sila ng hagdan nang nakasalubong niya ang isa sa maid niya. Agad niyang inutusan ito na mag-akyat ng meryenda sa loob ng opisina niya. "You need to watch this, Ramm.” Kaagad na nagsalang si Rough ng isang cd sa DVD player. "May

