SHANNERA Natatawang pinapanood ni Shannera ang anak niyang si Raj na gumugulong sa d**o sa harden nila. Rinig na rinig niya ang masayang hagikhik nito na nagpapatawa sa kanya parang ngayon lang nakakita ng d**o. Napapailing na nilapitan niya ito para patigilin na ito sa paglalaro. Pinapagpag niya ang damit ng anak bago niya ito kinarga at naglakad papasok sa bahay para pakainin na ito. "Mama, gusto ko pa laro, " maktol nitong sabi na nagpatawa sa kanya at ginugulo niya ang buhok nito. "Baby, gusto mo bang amoy araw ka pagdating ni Papa mo? Hindi ka na amoy baby kundi amoy asim ka na," pagbibiro niya kaya kumunot ang noo ng anak at inaamoy-amoy pa ang kili-kili. "Mama, hindi ako amoy asim.” "Hay, naku! Puro ka na lang pangangatuwiran. Mamaya ka na maglalaro oras na para magmeryenda at

