SHANNERA Ang kinatatakutan ni Shannera ay nangyari na. Nasa harapan na talaga ang katotohanan na dapat harapin nilang mag-asawa. Wala na talagang takas dahil totoo ang nakikita niya ngayon. May ebidensiya na talaga na totoo ang sinabi ng ina nito. Nanginginig ang kanyang kamay na hawak ngayon ni Ramm. Kanina pa nanginginig ang kanyang kamay dahil sa galit. Kahit anong gawin ni Ramm na pakalmahin siya ay hindi nito magawa. Nakatitig siya sa dalawang taong hindi niya pa kayang makita. Ito siya, nasa harapan ng mga taong prenteng nakaupo sa couch. Titig na titig siya kay Miss Sandra na hindi makatingin sa kanya ng diretso. Napako naman ang mga mata nito sa magkahugpong nilang kamay o mas tamang sabihin na nakatitig sa wedding ring niya. Gusto niyang ipamukha rito na siya ang babaeng mahal

