SHANNERA Nakatagilid siyang humiga sa kama saka itinaas niya ang kamay at hinaplos ang singsing na nakapagsabi na totoong kasal na sila ni Ramm. Ibig sabihin no’n ay nakatali na siya sa taong mahal niya. Hinayaan nalang ni Shannera na maglandasan ang luha sa pisngi niya. Noon, ang gusto lang niya ay magtrabaho at tumulong sa hacienda ng kanyang ama at wala siyang balak na magtrabaho sa iba dahil gusto niyang tutukan ang negosyon ng pamilya nila. Dahil sa imbitasyon ng isang Scott ay bigla na lang nagbago lahat. Akala niya ay hindi siya magkakagusto sa isang taong walang ginawa kundi sigawan siya at ipahiya sa harap ng katrabaho niya. Hindi rin niya akalain na mapaibig siya rito. Hangad na mapabaling sa kanya ang pagmamahal nito dahil may mahal na itong iba. Iniisip niya noon na sana siy

