SHANNERA Bumadha ang sakit sa mukha niya nang marinig niya ang sinabi nito. Hindi niya inaasahan na ganoon kaagad ang bumungad sa kanya. "I want you to stay away from him." "Po?" "Did you hear it right? Ayoko sa mga taong narinig na nga pinapaulit pa ang sasabihin." "Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko kung bakit ganito ang trato mo sa akin, Tita.” She gave her a glare. "You!" galit na turo nito sa kanya. "You didn't know? Nang dahil sa'yo palagi na lang wala sa trabaho si Ramm. Palagi na lang niyang pinababayaan ang sarili nang dahil sa'yo. Puro na lang ikaw ang inaatupag. Hindi na niya inaasikasong mabuti ang kompanya at pati sarili niya. Gusto sana kita, but you dragged him down. You are just his destruction not an inspiration. You let him do the things na hindi naaayon sa gu

