SHANNERA Magkakasunod-sunod ang natanggap niya na offer ng mga naglalakihang mga kompanya para kunin siyang endorser ng mamahalin na perfume, damit o ‘di kaya sa sasakyan at iba pa. Simula ng ma-feature siya sa isang sikat na magazine at ipinakita sa t.v ang magazine ni Miss Meghan ay doon na nagsisimulang nakilala siya. Sabi nila, baguhan pero may potensyal. Mas kilala na siyang Shanny ngayon. Halos dalawang buwan ng nagmomodelo siya sa isang sikat na magazine na pagmamay-ari ng iniidolo niya na si Meghan. Hindi lubos akalain na ganito siya tatanggapin ng mga tao. May humahanga sa kanya at iniidolo siya kahit na hindi naman siya gaano kasikat. Napaangat siya ng tingin at napangiti nang makita niya ang kanyang sarili sa billboard na kanyang ini-endorse na damit. Napangalumbaba siya sa bi

