Angelika Simula noong isang araw ay lagi na siyang nakikisabay sa pagkain nina Ariel at Ferio. Sa iisang lamesa na rin sila nakaupo kahit pa mga masasamang tingin ang natatanggap nila dahil doon. Pero nakapag-tatakang iilan na lamang ang masasama ang tingin sa kanila. Mukhang natakot nga talaga ang lahat sa ginawang pag-ganti ni Guevarra sa mga ito! Di niya akalain na may ganoon pala itong tinatago. Pero bukod doon ay may iba pa siyang ipinagtataksa. Ilang araw na ang nakararaan nang magsimula ang kakaibang pangyayari na hindi nila lahat akalain na mangyayari sa History ng kumpanya ni Seth at sa nasabing may-ari. Una ay ang pananatili ni Seth Rivas sa conference room matapos ang meeting na hindi nito ginagawa dahil ayaw na ayaw nito na nakakasama sila dahil naiirita ito. Pangalawa ay m

