Mga natutuwang mukha ng mga katrabaho ang iniwan ni Ryo sa ground floor. Thirty minutes pa lamang ang nakararaan mula nang maganap ang pagkapahiya niya ay kalat na agad at nakarating na sa twenty fifth floor ang balita. Pinilit niyang magtrabaho kahit maya't maya ay may dumadaan sa pinto niya at nagpaparinig ng kung ano-anong masasakit na salita. Kesyo ambisyoso raw siya, makapal ang mukha at rejected. Ang iba naman ay dumadaan lamang upang makiusyoso kahit na nakasara naman ang kaniyang pinto at walang makikita sa loob. Kapag naman lumalabas siya ng opisina para tignan ang ginagawa ng iba at hanapin ang mga records na kailangan ay puro mga kung ano-anong usapan ang naririnig niya na alam niyang parinig sa kaniya.
Makapal daw ang mukha niya na umastang close sa big boss porke pinagtanggol siya isang beses. Hindi naman makalapit sa kaniya si Angelika dahil nagsisimula na din itong mapansin ng mga bully ng dahil sa pagiging malapit sa kaniya. Sa totoo lang ay dalawang araw palang silang nag-kausap at hindi pa masasabing close sila. Naiintindihan naman niya ito at ayaw naman niyang mabully ito dahil lamang sa kaniya. Dahil nakausap siya nito minsan at akala ng iba ay may kung anon a silang nilulutong plano.
Pagdating ng lunch ay hindi siya bumaba para kumain. Ayaw niyang kumain sa private canteen ng boss at masabihan na feeling close. Ayaw din naman niyang kumain sa main canteen dahil makararanas nanaman siya ng pambubully. Kahit gutom ay tiniis na lamang niya at pinilit magtrabaho kahit masakit ang loob dahil sa nangyari. Akala lang naman kasi niya ay kahit papano maganda ang tingin ni Seth sa kaniya dahil maganda ang work performance niya. Hindi rin pala!
Oo nga naman. Sino nga ba naman siya para basta nalang lapitan ang isang Seth Rivas at umasta na close sila? Pero nag-alala lamang naman siya kaya niya nilapitan ito dahil tulala ito at titig na titig sa kaniya. Masyado lang mataas ang kumpiyansa niya sa sarili na siya ang tinititigan nito at hindi iba. Saka parang gulat na gulat ito kaya nagtaka siya. Bumuntong hininga si Ryo at muling bumalik sa trabaho. Kahit meryenda ay hindi siya bumaba upang kumain at isinubsob lamang ang sarili sa mga gawain na kailangan niyang gawin at tapusin. Being a sales manager is not an easy thing noh!
Pag-uwi ni Ryo ay agad na dumeretso siya sa kwarto at hindi bumati kanino man sa mga kasama sa bahay. Mga nag-aalalang tingin ng mga kaibigan ang hindi niya pansin na nakasunod sa kaniya. Kumibit na lamang ng balikat ang mga ito dahil alam naman nila na may kanya-kanyang topak ang bawat isa. Kung minsan nga ay bigla na lamang uuwi si Marrise na nagdadabog at hinahagis lahat ng unan sa kwarto nito. Ang dahilan nito ay naiinis sa amo, katrabaho, nakabanggang kung sino at kung ano-ano pang wala namang sense. Si joey naman ay kumakain ng madami kapag may hindi magandang nangyari dito o may nakatampuhan na kung sino. Si Dave naman ay nagbubuting-ting ng kotse nito o di kaya ay magmamaneho sa buong city at uuwi matapos ang ilang araw. Si Ahliyah? Well, she is different. Nakatulala lamang ito sa isang sulok at walang maka-kausap dito sino man. While Ryo would sleep everything out at kinabukasan na mag-iisip ng solusyon.
Sumunod na araw ay ganoon muli ang ginawa niya. Hindi siya bumaba para kumain at magmeryenda, lahat ng reports ay deretso sa opisina ng amo kapag wala ito o nasa mga meetings. At sa ika-apat na araw ay mukhang hindi na makatiis ang ibang kaopisina niya dahil ilang araw na siyang hindi lumalabas doon para kumain sa canteen. Pinasok na siya ng isa sa mga lalaking kaopisina at hinigit siya sa braso palabas ng kaniyang lungga patungo sa elevator at pababa sa canteen. Inihanay siya nito sa pila at hinarangan siya upang hindi makabalik sa kaniyang opisina. Hindi man aminin ng iba ay natatakot sila sa kahihinatnan ng nangyayari. Alam nilang kapag umabot pa ang isang linggo at nag rounds si Seth Rivas ay mabubulyawan silang lahat dahil wala sa kanila ang nag-effort manlang na malaman kung ano ang pinaplano ng kanilang sales manager na head nila. At kapag nangyari ang rounds at wala silang naisagot o hindi nila alam ang plano ng head ng sales management ay sa kanila ang bunton ng sisi ng kanilang Presidente. Bakit? Dahil lahat ng trabaho ay itinago nito sa opisina nito at apat na araw na itong naka lock sa loob! Ikalawang araw ay kabado na silang lahat dahil wala silang trabahong ginagawa at nakatunganga lamang sila maghapon. Alam nilang gumaganti ang kanilang sales manager pero!
Ang lupit nitong gumanti!
Alam ng lahat na nagawa na ni Seth ang magtanggal ng isang buong department dahil lamang ipinasa nila ang trabaho sa isang tao!
Ikatlong araw ay naiiyak na sila sa nangyayari dahil ang utos ni Sales Manager ay ideretso ditto lahat ng papel na trabaho ng lahat sa department nito. Wala naman ideya si Ryo sa mga iniisip ng iba at mga nangyayari sa labas. Hindi naman niya nais matanggal ang mga ito. Ayaw lamang niyang mabakante at magkaroon ng dahilan para makausap ang mayabang na demonyong amo! Wala rin siyang ideya na nagtanim na siya ng matinding takot sa puso ng mga kaopisina. Hindi alam na ang akala ng mga ito ay ginagantihan niya ang lahat at ipinakikita sa lahat ang pagiging superior niya bilang mas mataas sa posisyon ng mga ito.
Kaya sa ika-apat na araw ay…
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Galit na tanong niya.
"Pinakakain ka. I'm Ariel, isa sa mga iilan na mababait na ka officemates mo. At wag mo nang isipin ang pagpapahiya sayo ni Boss, lahat tayo dito nakaranas noon at kung iisipin mo ‘yon ay mamamayat ka lang dahil hindi na magbabago yon! Malakas ang topak noon eh, magtrabaho ka nalang at kumain, di ka pa maiistress." Napangiti siya dahil sa mga sinabi nito lalo na ang salitang may topak si Seth Rivas. Totoo naman kasi. Sa sobrang lakas ng topak ay hindi mo maintindihan kailan maganda ang mood nito, pangit o ayos. Iisa kasi ang ekspresyon sa mukha.
"Ferio Guevarra, bagong Sales Manager." Pagpapakilala rin niya. Tumango ito saka tinanggap ang pakiki[ag-kamay niya. Di niya pansin ang mga napapangiti at napapabuntong hininga na kaopisina nang makita siya sa canteen.
Umorder sila ng tanghalian at naupo sa iisang lamesa. Nagsimula itong magkwento ng kung ano-ano at mga bagay na may kinalaman sa kanilang trabaho. Makwento ito at wala naman siyang ginawa kundi ang tumawa ng tumawa sa mga sinasabi nitong kalokohan at ikinukwento dahil alam nito ang lahat ng topak ng mga empleyado doon simula sa Janitor hanggang Presidente ng kumpanya.
"Alam mo, ang best way na makasurvive dito ay ang gamitin mo yang posisyon mo at authority mo laban sa kanila. Sales Manager ka parin at mas mataas ka sa'min baka nakakalimutan mo! You can order us to shut up anytime you want." Sa sinabi nito ay doon lamang pumasok sa isip niya ang buong kahulugan ng posisyon niya. Mas mataas siya sa mga ito dahil ang mga ito ay mga ordinaryong employee lamang maliban sa ibang department heads na kapantay niya.
"At si Seth Rivas, the best way to deal with him is to avoid him. Wag kang magpakita sa kaniya. Magkulong ka sa opisina mo at lumabas ka lang kapag nasa mga business meetings na siya either on lunch times or after that. Less na magkita kayo, less na mapapansin ka niya at less na maipahiya ka niya sa lahat. Kapag pumalpak ka mag stay ka sa hindi mataong lugar at pupuntahan ka niya doon at doon ka bubulyawan. Less people to see your humilliation." Talagang alam na nito ang gawi ng buong kumpanya at alam na alam ang mga paraan para maka-survive sa malaking jungle na iyon! Isinaisip niya ang mga payo nito dahil totoo naman at mukhang effective lahat. Ipapahiya ka ni Seth kung saan ka nakatayo at kung saan ka niya abutan at ang best way na makatakas sa humilliation ay ang pasunurin ito sa walang tao na parte ng building. Less ears na magkakalat ng tsismis.
Tatawa-tawa na tumango tango na lamang siya sa mga sinasabi nito. Talaga naman na mukhang magagawa niya ang mga sinabi nito. Ilan araw na rin niyang hindi nakikita si Seth dahil nagpakabusy siya sa opisina. Kaya sumunod na mga araw ay ganoon na nga ang ginawa niya. Iniwasan niya ito lalo na kapag makakasalubong niya ito sa kahit saang hallway ng building. Kunwari ay hindi niya ito napansin at bigla siyang liliko sa kung saan kahit malayo iyon sa opisina niya. Biglang tatawagin si Angelika or si Ariel at kunwari ay susundan ito kung saan pupunta at magpapakita na may mahalaga silang pinag-uusapan o mga inuutos sa dalawa. Mabuti na lamang at hindi siya nito ipinatatawag dahil maayos naman ang trabaho niya at wala siyang palpak na ginagawa. Pupunta lamang siya sa opisina nito upang magpasa ng reports at tinityempo niya na wala ito sa kwarto nito at iiwan na lamang sa lamesa ang mga reports na kailangang ipasa. Ayaw na niyang maulit ang pagkapahiya kaya hangga't makaiiwas ay umiiwas siya dito.
Hindi lamang niya naiwasan ito ay noong maganap ang sumunod na company meeting. Inayos niyang mabuti ang reports niya at siniguradong walang mali na mapapansin ito na magiging dahilan ng pagkapahiya niyang muli sa harap ng ibang tao. Naging maayos ang daloy ng meeting at buong oras na iyon ay hindi siya tumitingin kay Seth maliban na lamang kung kailangan. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito ngunit may hinala siya na naiirita na ito sa mukha niya dahil halata sa mukha nito ang pinipigil na inis. Ramdam niyang nakatitig ito sa kaniya at isang beses na napalingon siya ay nakakunot ang noo nito. Tahimik naman ang lahat at walang bumabara o ano pa man na ginagawa ng mga ito dahil sa iritadong mukha ng kanilang amo at sa tension na nakabalot sa buong kwarto. Pagkatapos ng meeting ay nagsimula nang maglabasan ang lahat ngunit ipinagtaka ng mga ito ang pananatili ng amo sa loob. Ugali nito na nauunang lumabas pagkadismiss sa kanila at hindi na nagpapatumpik pa dahil ayaw nitong makasama sila ng matagal.
"Stay Guevarra." Ang malamig na utos nito.
Kumabog ang dibdib niya dahil sa utos na iyon. Nais man niyang tumanggi ay hindi niya magagawa dahil amo niya ito at empleyado lamang siya at under siya nito kahit na ano pa man ang mangyari. Nakatitig lamang ito sa ballpen na hawak habang naupo naman siya sa kaliwa nito at naghintay ng sasabihin sa kaniya.
"How's everything?" Paglaon ay tanong nito naguluhan siya sa tanong na iyon kaya sinagot na lamang niya iyon sa pinaka the best na paraan.
"Fine sir. Everything is running smoothly." Sagot niya.
"Good... good...” ang wala sa sariling sagot nito. May malalim kaya itong iniisip problema? Tatanggalin na siya sa wakas? Ang tagal huh! “Guevarra, are you avoiding me?" hindi inaasahan na tanong nito. Natigilan naman si Ryo dahil hindi niya ala kung ano ang isasagot. Sa pagkakataon na iyon ay nakatitig na ito sa kaniya. Kahit nakatungo ay ramdam niya ang mga tingin nito. Nag-ipon siya ng lakas ng loob bago niya sinalubong ang tingin nito at sumagot.
"No sir. Why would i? I'm just an Employee and you're my boss. I'm just putting my self into place where I belong. If you'll excuse me sir, I have work to do. Ayoko pong malabel as incompetent. Excuse me."
Matapos sabihin iyon ay umalis na siya at nagtungo sa kaniyang kwarto. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na sabihin ang mga salitang iyon. Kung tatanggalin siya nito ay mas mabuti nang mas maaga upang makapaghanap agad siya ng trabaho. Pagod na naupo na lamang siya at tumingin sa labas ng bintana.
Konting tiis Ryo, konting tiis.
~~
Inis na napahilamos na lamang si Seth ng mukha. Noong sabihin niya ang mga salitang iyon ay ayos lamang sa kaniya at wala siyang maramdamang ano man. Nang hindi ito bumaba upang kumain ay hindi siya nag-isip ng ano man dahil wala naman siyang pakelam at iniisip niya na marami siguro itong ginagawa. Mga sumunod na araw na hindi parin ito bumaba ay nagsimula na siyang hindi mapakali sa kaniyang pagkain at sa opisina, nagsimula siyang mag-isip kung may kinalaman ba ang nangyari noong nakaraan sa hindi nito pagbaba kapag break time? Hanggang sa makita niya ito sa canteen. Okay na sana kung hindi lang sa empleyado niya na higit ito sa braso at mukhang pinipilit itong kumain. Hindi niya alam kung bakit sunod-sunod na araw siyang sa canteen kumakain gayong di naman niya ugali iyon. Kumakain lamang siya doon kapag tinatamad siyang kumain sa labas. Nakita niyang tumatawa ito sa kung ano mang kacornyhan na sinasabi ng walang silbing empleyado niya at mukhang nagkakatuwaan talaga ang mga ito. Matapos iyon ay umiiwas na ito sa kaniya. Hindi man nito sabihin ay alam niyang umiiwas ito sa kaniya at aminin man niya't sa hindi ay apektado siya sa ginagawa nito. Nasanay na siya na bumabati ito sa kaniya ng goodmorning sa umaga pagpasok niya. Inihahatid nito ang reports at nagpapaliwanag pa sa kaniya ng mga bagay-bagay tungkol sa trabaho nito. Gusto niyang pinakikinggan ang paliwanag nito dahil matalino ito at maganda ang bawat explanations at suggestions nito tungkol sa trabaho nito. Ngunit nitong mga sumunod na araw ay natatagpuan na lamang niya ang kumpletong reports nito sa mesa niya complete with written explanations. Mas gusto niyang nadidinig ang explanations nito kesa sa basahin ang boring na reports. Madalas na niyang makitang kumakain ng sabay ito at ang isa pang empleyado at nginingitian pa ito na dati ay sa kaniya nakalaan.
Tama nga ang hinala niya. May kinalaman sa mga sinabi niya ang pagbabago ng pakikitungo nito at hindi pagpansin sa kaniya. At apektado siya ng husto sa hindi malaman na dahilan. Kahit sa bahay ay napapansin na rin ang pagbabago niya dahil nagtatanong na ang kapatid na bunso kung bakit nakatitig lamang siya lagi sa pagkain, bakit maaga siyang umuuwi at magkukulong sa kwarto at bakit mas mainitin pa ang ulo niya ngayon kesa noon. Siguro dahil pakiramdam niya ay parang ang kapatid niya ang sinaktan niya? Dahil ganoon din magtampo si Sei. O may mas higit na dahilan?
Bumalik siya sa opisina at napabuntong hininga ng mapansin na naroon na muli ang reports nito at written explanation na mga dapat niyang malaman. Hindi na niya alam ang gagawin sa mailap na empleyado at sa sarili na hindi maintindihan kung bakit ba siya worried, apektado at hindi mapakali sa pag-iwas nito? Dismayadong hinawakan niya ang mga papel at tinitigan iyon ngunit walang ibang pumapasok sa isip niya kundi ang maputlang mukha ni Guevarra matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon na nakapagpahiya dito.
Napangisi siya matapos ang ilang sandali ng pag-iisip saka nameywang. Kung umiiwas ito ay isa lang ang way upang matigil na ang ginagawa nito, ang icorner ito at komprontahin sa paraan na kakabahan ito at hindi makakahinga.
If Ferio Guevarra wants a game then fine.
"Siguraduhin mo lang Guevarra na handa ka sa larong gusto ko, it's chasing time."
Buo ang loob na lumabas siya ng opisina upang hanapin ang mailap na kuting na walang ginawa kundi ang pahirapan siya at iwasan sa sarili niyang kaharian. And then kapag nahuli niya ito...
Then what?
Bahala na.
Mukhang mapapasama siya this year sa company outing dahil sa kuting na iyon. Nangingiti na sumakay na lamang siya sa elevator.
Ang destination?
Sa canteen.
"Be ready my kitten."