Pauwi na si Ryo at naghihintay na lamang ng Jeep na sasakyan patungo sa MRT nang tumigil ang isa sa mga kaofficemates niya sa kaniyang tabi. Naaalala niyang isa ito sa mga hindi pansining kaopisina niya. Malaking salamin, medyo magulong buhok, skirt, jacket, shirt... Cliché, parang ganoon. Hinagod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Sa lahat ng kaopisina niya ay ito lamang ang walang pakeelam sa kaniya. Meaning? Hindi nananakit, hindi kinakausap, hindi siya tsinitsismis, hindi inaaway at hindi rin siya pinapansin, may sariling mundo.
"Hi!" Pagbati nito bago muling yumuko sa hiya.
"Uhm... ha- hi?!" Nag-aalangan na sagot niya. Lilinga ito sa paligid bago muling yuyuko.
"I don't hate you really, uhm... ayoko lang mapagbuntunan ng inis ng lahat, lalo na yung Himenez na yon." Agad na paliwanag nito. Bumuntong hininga siya. 'Figures.' Nawika niya sa isip. Gusto niyang sabihin dito na nasa harap nito ang kausap at wala sa sahig!
"Ayos lang 'yon. Hindi ka naman... mukhang lalaban eh tsaka, ayokong madamay ka, if ever man." Sagot naman niya.
"By the way, i'm Angelika, Angel pagsapit ng gabi." Tumaas ang kilay niya sa kakaibang pakahulugan nito.
"Oh and by the way, from now on i'm your friend, friends should support each other, help each other, and compliment each other." Friendship speeches. He had enough of that sa Space-cialist na gf ng kaibigan niya na si kuya Dave. Everytime na mako-corner sila nito ay magbibigay ito ng isang oras na friendship speech hanggang makatulog ka or maisip niya na may dapat pa siyang gawin.
"Uhh... thanks? I think." Hindi niya alam ang dapat na sabihin kaya tinitigan na lamang niya ito hanggang sa may tumigil na van sa harap nila. Bago ito sumakay ay nagtanggal ito ng jacket, ng shirt at naiwan ang spaghetti strap sa loob niyon, nagtanggal ng rubber shoes at isinuot ang stilleto na inihagis ng kung sino mula sa loob, tinanggal ang salamin at inihagis sa loob ng kotse, may dinutdot sa mata na nadiskubre niya paglaon na contact lense pala at lumitaw ang kulay brown nitong mata, inilugay ang buhok at sumabog ang makintab at alon alon na mahabang brownish na buhok nito. Naglipstick at nagretouch kaunti, hinubad ang office skirt at lumitaw ang leather na skirt na hanggang kalahati ng mahahabang hita nito.
At napanganga siya sa pagkagulat dahil talagang napaka-ganda nito!
Nagflying kiss ito sa kaniya at nag-iwan ng mga salita bago sumakay sa sasakyan.
"You're so boring, i can fix that, you need to be attractive upang maakit mo si Evil Seth." Kumindat ito bago sumakay at umalis ng sasakyan. Hindi siya makapaniwala, dahil ito lamang naman ang sikat na dj sa isang kilalang bar na si Angel of the night. Kilala niya ang dj dahil kay Joey na idol ang sikat na Dj. Nasamid siya at muntik pang malampasan ng jeep nang maisip niya ang kahulugan ng sinabi nito. Hindi niya akalain na ganoon siya katransparent sa attraction kay Seth Rivas. Or maybe talaga lamang na matalas ito? Ah basta! Kahit ano pa! hindi naman din niya tinatago ang atraksiyon sa amo, maliban sa mismong amo.
Pag-uwi sa bahay ay pagod na napaupo na lamang siya sa sofa at hindi parin makapaniwala sa wirdong pangyayari sa kanilang opisina. Really, Seth's Company is really weird. Pati mga katrabaho niya kasama na ang amo na sala sa init, sala sa lamig ay weird. Nariyan si Dj Angel na napakaganda kapag gabi at boring naman kapag umaga. Isama ang katatanggal lamang na halimaw sa sulok ng kumpanya na si Himenez, buti nalang at natanggal siya!! Mga kaopisinang mabait sa harap at itsitsismis ka pagtalikod. Mga board of directors na hindi na rin ngumingiti simula yata nang hindi sila ngitian ng amo? Marami pang iba at ang final ay ang amo na super weird dahil di niya malaman kung mabait ba o demonyo talaga? Masama ba talaga ugali nito?
Pero bakit siya nito binigyan ng previledge na gamitin ang private eating room nito?
Hindi ba nito naisip na mas lalo pa siyang kaiinisan? Pero kinilig siya sa gawi nito. He likes Seth, a lot. Pero may mga bagay na hindi niya gustong gawin nito kung ang resulta ay uuwi siyang bugbog sarado at hindi makilala! Gusto niyang isipin na gusto rin siya nito or atraksiyon. Pero malinaw na sinabi nito na ayaw na nitong mawalan pa muli ng sales manager!
Wow ha, ang sakit lang. At si Angel the DJ. Nasaktan siya nang ipamukha sa kanya nito na talagang napakaboring niya at wala siyang pag-asa sa puso ng Devil may care na si Seth. Nakasandal lamang ang ulo niya sa sofa dahil pakiramdam niya ay sasakit ang ulo niya sa mga pangyayari. Ayaw niyang sumama sa outing! Pero wala naman siya magagawa dahil hiniling ng amo na sumama siya. Correction! Inutusan siya. Kaiyak! Hindi niya namalayan na tumabi sa kaniya si Aliyah. Nalaman na lamang niya nang tinapik siya nito sa balikat. Bumuntong hininga siya dahil alam na niya ang kasunod nito.
"Okay lang yan, you are Ryo, you're strong and no one can pull you down." Nakangiti na wika nito.
Pagkasabi niyon ay tumayo na ito at naiwan siyang nakanganga at di makapaniwala. Si Aliyah the space-cialist ay nagbigay ng makuhulugan at maigsing speech at umalis na parang walang nangyari? Anong kasunod nito? Makakatabi niya sa pagtulog si Seth?
Ipinilig niya ang ulo saka tumayo na at umakyat sa hagdan. Marahil ay pagod lamang siya. Nasalubong niya si Marrise na naka t-shirt na butas ang manggas, naka short at naka paa lamang. Hindi pa niya kailan man ito nakita na ganoon ang porma at walang sapin sa paa. Hindi ito magpapakita na ganoon ang itsura kanino man. ‘Pero bakit nakaganoon lamang siya?!! Anong nangyayari?!’
Inaasahan na niya na sasalubong ito at hahalik sa pisngi niya at tatanungin siya tungkol sa trabaho gaya ng araw-araw na ginagawa nito ngunit hindi iyon nangyari. Nag-iwan lamang ito ng maikling "Pahinga ka na." Bago bumaba at nakapaa na lumabas ng bahay. Kasunod nito ang todo porma na si Joey na akala mo ay isang abogado. Pormal na pormal na ayos, bagay na ayaw na ayaw nito. Ngumiti lamang ito sa kaniya at dumeretso na sa baba hawak ang susi ni Dave sa kotse na kailan man ay hindi pinahiram ng isa kanino kanino man dahil mahal na mahal nito iyon. Walang sino man sa kanila ang nakahiram ng sasakyan nito dahil iyon daw ang anak nito.
"Take care of my car Joey!" Sigaw ni Dave mula sa itaas. Si Dave? Pinahiram si Joey ng sasakyan nito? Anong meron? Anong nang yayari sa paligid?
Tumatakbo na umakyat siya at deretso sa kwarto. Sinipat ang kalendaryo upang tingnan ang date. Hindi naman April Fools Day? Bakit nagkakaganoon ang lahat? Anong kasunod nito? Dadating si Seth?
Dumeretso na lamang siya sa banyo at agad na naligo dahil baka dala lamang ng init ng panahon ang nangyayari. Hihiga na lamang siya nang nagmamadaling kumatok si Marrise sa pintuan.
"Ryo may naghahanap sayo, Seth daw pangalan!" Halos himatayin siya dahil sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na narito nga si Seth at hinahanap siya! Sa ganitong lugar? Sa lugar ng mahihirap? Di naman mahihirap actually pero lugar na hindi pupuntahan ng isang Seth Rivas. Agad naman siyang bumaba upang masiguro na hindi siya pinagtitripan lamang ng mga kaibigan. Pagbaba ay naroon nga si Seth, in his full business attire. Nakatayo at nakapamulsa at may nakahihimatay na ngiti sa labi na sa kaniya lamang nakatuon.
"Si-sir Seth! Ano... bakit narito ka,? I mean... paano mo nahanap dito?" Naguguluhan at natataranta na tanong niya. Lalo namang lumapad ang ngiti nito bago sumagot.
"I have my ways, kapag gusto ko hinahanap ko... and by the way, naiwan mo phone mo sa canteen kaya dinala ko. Alam ko na importante sa'yo to." Agad siyang bumaba upang kunin ang phone niya dito. Paghawak niya sa telepono ay hindi niya iyon mahigit. Nanlaki ang mata niya nang pumatong ang hintuturo ng amo sa kaniyang hintuturo at humagod doon ng dahan-dahang bitawan nito ang cp. Nakatitig ito sa kaniya at binabasa ang kaniyang ekspresyon. Natataranta naman na hindi niya malaman ang gagawin kaya naisip niya na yayain itong umupo.
"Ano, maupo po kayo, ano..." Kinakabahan na naupo siya sa mahabang sofa at napagtanto na isa iyong malaking pagkakamali dahil doon ito naupo sa mismong tabi niya. At halos wala nang espasyo pa sa pagitan nila.
"Uh.. ito lang po ba ang ipinunta ninyo?" Hindi siya halos makahinga dahil sa sobrang kaba. Nadidinig na niya sa kaniyang tenga ang t***k ng kaniyang puso.
"Meron pa... ikaw." Hinawakan siya nito sa baba at tinitigan siya nito sa mga mata. Hinihiling niya na dumating kahit sino man sa mga kaibigan niya at gisingin siya sa panaginip na ito kung panaginip man ito. Dahil mamamatay siya sa sobrang kaba at antisipasyon sa mga gagawin at nais niyang gawin ng amo sa kaniya.
"Ryo..." Pagtawag nito sa pangalan niya. Lumapit ng unti-unti ang mukha nito sa kaniya at tinititigan siya sa mga mata.
"Ryo..." Kailan pa nito nalaman na Ryo ang nickname niya? Sabagay madali naman hulaan, lahat naman ng kaibigan niya ay iyon ang itinawag sa kaniya dahil pinaiksing Ferio. Malapit na malapit na ang labi nito at dama na niya ang mainit nitong hininga na dumadampi sa kaniyang mukha. Gusto niya itong mahalikan noon pa man kahit aksidente lang pero imposible ang ganon diba?!
Maglalapat na lamang ang kanilang labi nang muling isigaw nito ang pangalan niya.
"FERIO GUEVARRA GUMISING KA NA AT KAKAIN NA TAYO!"
Napabalikwas siya ng bangon dahil sa pagtawag na iyon ni Aliyah. Nakaupo ito sa tabi niya sa sofa at nakataas ang kilay nito. Mukhang kanina pa siya nito ginigising at hindi siya magising-gising. Napahilamos na lamang siya ng mukha dahil sa pagkaudlot ng isang napakagandang panaginip. Iyon na eh! konti nalang at mahahalikan na siya ni Seth!
Kapag minamalas nga naman. Panaginip na nga lang naging bato pa.
Tumango na lamang siya umakyat sa taas upang magbihis. Nasalubong niya si Marrise na todo postura mula ulo hanggang paa. Sumunod si Joey na akala mo ay miyembro ng isang banda at tutungo sa isang gig. Palampas na siya nang madinig niya ang sigaw ni Dave mula sa itaas.
"Wag mong gagamitin ang kotse ko Joey!" Napailing na lamang siya at nakasimangot na umakyat sa taas at deretso naligo. Paglabas niya sa banyo at makapagbihis ay binulabog siya ng katok ni Marrise.
"Ryo may naghahanap sayo! Seth daw pangalan!" Nabitawan niya ang hawak na suklay at sinipat ang paligid. Nang mapagtanto na wala ang cellphone niya ay nagmamadali siyang bumaba. Alam na niya ang mangyayari! Alam na niya kung nakanino ang cellphone!
Nasa kalahati na siya nang hagdan ng matigilan siya. Oo, naroon si Seth, si Seth na adik sa kabilang kanto. Payat, humpak ang mukha at nangingitim ang ilalim ng mata. Gagalaw-galaw ang panga na akalamo ay may nginunguyang kung ano.
"Ano, naiwan mo po itong cellphone mo, sabi ni Kap ibalik ko daw sayo." Kung hindi pa niya alam ay dinukot nito sa bulsa niya ang cellphone! Hindi niya alam kung paano haharapin ang gagong magnanakaw. Inis na hinablot niya ang cp sa kamay nito bago galit na nagtungo na siya sa kusina. Kakamot-kamot naman sa ulo na lumabas na ng kanilang bahay ang adik na dumukot sa cp. Ito pala ang naramdaman niya kanina na parang dumampi sa hita pagbaba ng MRT. Hindi naman niya pinansin dahil di niya akalain na magnanakaw pala iyon. Pag minamalas ka nga naman.
~~
Napabalikwas si Seth mula sa pagkakayuko sa lamesa niya sa opisina. Alas dose na at nakatulugan nanaman niya ang trabaho. Pero hindi iyon ang inaalala niya kundi ang panaginip niya na hindi mawala-wala sa isip niya ngayon. Binuhay noon ang p*********i niya at ngayon ay tumatawag ng atensyon. Binalikan niyang muli ang kaniyang panaginip.
Isinandal niya sa pader ang hubad na katawan nito at hinalikan niya ito sa panga, pababa sa leeg nito. Paulit-ulit pa niyang dinaanan ng dila ang nunal nito na malapit sa collarbone nito. Nag-iwan ng maraming kissmark at lalong nag-init sa mga ungol nito. And damn how he really love those moan of... his? Kung paano niya nasiguro na lalaki ito ay hindi niya alam. Pero natatandaan niya na pinadaanan niya ng halik ang adams apple nito. Basking in his scent, whispering words of encouragement and words not meant for younger ears. Nagkikiskis ang kaselanan nilang pareho at pawis ang mga katawan. Pero ang mga salita nito na mapang-insulto sa pandinig ng iba at mapang-akit sa tenga niya ay ang mas tumatak sa kaniyang isipan.
"How Seth has fallen."
Husky with so much want and arousal.
Agad na tumayo siya at dumeretso sa banyo upang maghilamos pero hindi niya magawang ignorahin ang buhay na pagnanasa na nagpapasakit ng kaniyang puson ngayon. Sa tagal ng panahon ay limot na niya ang ganitong pakiramdam. Limot na niya kung gaano ito kasakit kapag hindi binigyan ng pansin. Dahil lamang sa isang mainit na panaginip ay naalala muli ng katawan niya ang pakiramdan na magnasa at ma-arouse sa ibang tao. Bagay na hindi niya alam na kaya pa pala niyang maramdaman muli. Ang akala niya ay nakalampas na siya sa ganitong pakiramdam. He thought he was above this!
"Guess i'm not as inhumane as they said." Kibit-balikat na wika niya bago itinuloy ang pagpaparaos sa banyo.
Nang makauwi siya ay naabutan niyang natutulog sa sofa ang bunsong kapatid. Ginising niya ito upang lumipat sa kwarto nito at makatulog ng maayos. Alam niyang nalulungkot ito at naguiguilty siya dahil hindi niya ito magabayan ng husto. Hindi matulungan sa mga projects at hindi makasabay sa pagkain dahil sa sobrang busy sa trabaho. Nais man niyang magbakasyon muna ay hindi naman niya magawa dahil alam niyang wala pang kalahating araw ay tatawag na muli ang mga employee niya at sasabihin na may kung ano-anong trabaho ang pumalpak, nagkamali, kailangan siya at kung ano-ano pa. Nangyari na iyon noon kaya ayaw na niyang maulit pa.
"Sei, wake up, come on, go to your room." Nang magmulat ang nakababatang kapatid ay nag goodnight lamang ito bago susuray-suray na dumeretso na sa kwarto nito. Pag-akyat naman niya ay agad niyang binuksan ang laptop upang ituloy ang trabaho. Tama na sa kaniya ang ilang oras na tulog sa opisina at kailangan na niyang kumilos upang hindi tumambak ang trabaho.
Ilang minuto na siyang nakatitig sa dapat gawin ngunit hindi naman siya makapag-concentrate. Pumapasok sa isip niya ang lalaki sa panaginip na pinupupog niya ng halik sa katawan at dinadama ng kaniyang kamay. Parang ramdam pa niya ang makinis na katawan nito at ang matambok na puwet na pinipisilpisil niya sa panaginip. Nais niyang mandiri dahil lalaki ito ngunit hindi niya alam kung bakit di niya magawa. Sa pakiramdam niya ay binuhay noon ang natutulog na parte ni Seb na pinatay na niya noon pa. Ang parte niya na nakararamdam ng atrakasyon sa ibang tao.
At sa wirdong paraan dahil lalaki ang nasa kaniyang panaginip.
Sinusubok ba siya kung bibigay siya at patutunayan na may kahinaan si Seth Rivas? No, hindi siya magpapadala. No one in this world can unmask him aside from his baby brother. Walang sino man. Walang makapagbubukas ng kulungan kung saan niya ikinulong at kinalimutan si Seb.
Wala kahit na isa!
~~
Pagpasok ni Seth kinabukasan ay agad niyang napansin si Guevarra na kausap ang isa sa mga wirdong employee niya. Isa lamang ang pumasok sa isip niya sa eksenang iyon.
A birds of the same feather flocks together.
At sa case nito ay mga wirdo.
Dederetso na sana siya sa private elevator niya nang tumingin si Guevarra sa orasan sa bandang itaas sa kanan nito. At mula sa kaniyang posisyon ay kita niya ang nunal sa pagitan ng leeg at collar bone nito. Malinaw na malinaw at inaasar siya na kagabi lamang, sa kaniyang panaginip ay pinagnasaan niya ito at iniwan ng napakaraming marka lalo na ang palibot ng nunal na iyon.
Naestatwa siya at muling bumalik sa kaniyang ala-ala ang mainit na panaginip. Ipinilig niya ang ulo at muling bumalik sa kasalukuyan. Nakatingin na sa kaniya si Guevarra at puno ng pag-aalala ang mukha.
"Sir, are you allright?" Nag-aalalang tanong nito. Nainis siya sa sarili, sa reaksyon ng kaniyang katawan dito at sa paglapit nito. Sa pag-iisip nito na pwede na siyang lapitan nito porke pinayagan niya itong kumain sa canteen niya.
"Don't come near me. Hindi porke pinayagan kitang kumain sa canteen ko ay close na tayo! Stay away from me... weirdo."
Ang pamumutla ng mukha nito at ang mukha ng mga employee niya na mga akala mo nanalo sa lotto at ang katabi nito na puno ng awa sa mukha ang huli niyang nakita bago siya agad na umalis at dumeretso sa elevator. Hindi na niya muling sinulyapan ito pero dinig niya ang sinabi nito.
"I'm... sorry sir." Ang mahinang bulong na iyon ang huling nadinig niya bago sumara ang pinto at dalahin siya sa twenty fifth floor.