Hindi maintindihan ni Ryo kung ano ang mayroon sa kumpanya ni Seth Rivas. Kapag magkakaharap ang lahat ng mga empleyado ay napakababait ng mga ito sa isa't isa na akala mo ay magkakakilala na simula pagkabata. Ngunit kapag magkatalikuran na ay sila-sila rin ang nagsisiraan, saksakan ng patalikod at tsismisan tungkol sa mga kaopisina na kanina lamang ay kausap at kabiruan. Ikukuwento ang mga bagay na kasasabi lamang na may dagdag o bawas depende sa interes nila. Inggitan at selosan sa posisyon, gawain, pansin at atensyon na nakukuha ng iba sa mga nakatataas. Now he understood, this company is a jungle and the situation here is survival. Sa tingin palang ay halatang ayaw na sa kaniya ng mga kaopisina at hindi niya malaman kung alin sa mga iyan ang dahilan. Halatang may kung anong ikinagagalit ang mga kaopisina sa kaniya, bagay na hindi niya maintindihan kung ano ang pinagmumulan. Ngayon ay iniisip na niya kung may multo nga ba talaga sa opisina nila o sinadya ang lahat?
At base sa mga masasamang tingin na natatanggap niya?
Sinadya.
Mukhag sinadya nga ang mga nangyari sa kaniyang opisina pati na rin ang pagkasira ng kaniyang USB!!
Pinilit niyang kumain ng maayos kahit pa hindi maganda ang pakiramdam niya dahil sa masasamang tingin na natatanggap. Hindi niya alam kung bakit sa kaniya nakatuon ang inis at galit ng mga ito gayung bago lamang naman siya sa trabaho at wala pa siyang ginagawa na ikagagalit ng lahat. Dahil ba sa kaniya? O sa posisyon na hawak niya? Ano ba ang meron sa posisyon niya at bakit walang nagtatagal doon?
Pinilit niyang kumain kahit na halos hindi niya malunok ang pagkain. Wala na rin halos siya malasahan sa mga nginunguya niya dahil sa takot sa mga ito. Tahimik siyang tao at hindi palaaway. Wala rin siyang pakeelam sa buhay ng iba at hindi rin niya ugali ang makichismis o makipagplastikan sa iba para lamang magkaroon ng kavibes. Hindi lang naman kasi purong trabaho ang dahilan kaya nag-apply siya sa kompanya na ito, si Seth Rivas mismo ang dahilan! Nais niyang Makita at masilayan ito sa personal dahil matagal na siyang may crush dito. Hindi pa niya napangangalahati ang pagkain ay nilapitan na siya ni Arthur Himenez. Isa ito sa mga laging nagpaparinig at nagtatawa sa kaniya sa tuwing dadaan siya. Isa ito sa mga under niya sa sales department. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang inis at galit nito sa kaniya gayong wala naman siyang ginawang masama dito? Hindi kaya napatay niya ito noong past life nila? Ganon daw yon sabi ng lola nya! Kinakabahan man ay hindi s'ya nagpahalata na napapansin niya ito. Patuloy lamang siya sa pagkain at kunwari ay hindi niya pansin na palapit ito. Ilang sandali pa ay nasa tabi na niya ito at masama ang titig sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang kasalanan para magalit ito sa kaniya at ibully siya halos araw araw.
"Akala mo ba dahil sales manager ka susunod kami sayo? Nangangarap ka ng gising boy! Porke nasa posisyon ka feeling mo ang galling mo?!" Wika nito sabay binatukan siya ng malakas. Noong una ay nagulat siya dahil sa ginawa nito. Hindi niya akalain na ganoon ito kainis sa kaniya para paratangan ng mga maling bintang. Marahil ay may nagsasabi dito ng maling impormasyon?
Wala siyang magawa kundi ang yumuko na lamang dahil hindi niya kayang labanan ito. Aaminin niyang takot siya dahil mas Malaki ang katawan nito kesa sa kaniya at halatang mas malakas ito. Nag-gigym ba to? Bakat kasi ang muscle! May itsura kaso halatang masama ang ugali?
Shit! Tungo lang Ryo! Really? Sa oras na to ka pumansin ng muscle sa kaaway pa?
Iniisip niya lang iyon pero naiiyak na siya dahil hindi siya sanay na may kaaway. May trauma din siya kaya nanginginig na siya sa takot sa mga oras na ito. Kapag nasisigawan siya o sinasaktan ay naaalala niya ang nangyari sa kaniya noong…
"Hi- hindi ko maintindihan... hindi kita niyayabangan. Hindi nga kita nakakausap at…" Sagot naman niya at pinipilit maging maayos pagsasalita. Tama nga, ang posisyon niya nga ang dahilan at hindi ang mga multo o sumpa o kung ano pa man na haka-haka tungkol sa pwesto niya sa kumpanya! Ang ipinagtataka niya ay kung bakit naman nila nanaisin na sirain siya dahil lamang sa hawak niyang posisyon? Ano ba ang meron sa posisyon niya?
"Hindi mo maintindihan? Bobo ka ba?!"
Muling umangat ang kamay ni Arthur upang batukan Ryo. Napapikit na lamang siya at handang tanggapin iyon kahit na alam niyang wala siyang ginagawang mali dahil hindi naman niya kayang lumaban. Hindi rin niya gustong makatawag pa ng mas maraming atensyon kahit alam niyang pinanonood na sila ng lahat. Pero bakit wala miski isa manlang ang gustong tumulong? Naiintindihan niya na natatakot ang iba pero may iba pa dito na matataas din naman ang posisyon na pwedeng magpatigil dito? Gaya niya?. Nagtaka siya kung bakit hindi nito itinuloy ang pambabatok. Maluha-luha na nag-angat siya ng ulo at nanlaki ang mata nang Makita ang dahilan kung bakit hindi naituloy nito ang p*******t. Namumutla bigla si Himenez at hindi makapag salita ng mapagtanto kung sino ang may hawak sa kamay nito. Bubukas at sasara lamang ang labi na parang goldfish sa harap ng kanilang makisig na amo! Ang may ari ng kumpanya na kanilang pinapasukan.
Si Seth Rivas on the flesh to save his day!
“Serves you right a**hole!!
"Hindi ko na nagugustuhan ang ginagawa mo Mister Himenez. Wala ako'ng pakeelam kung masipag ka or what, you are fired! Ayoko nang makita ang pagmumuka mo sa kumpanya ko. Come on Guevarra." Malamig na wika ni Seth. Tatalikod s asana ito ngunit pinigilan ito sa braso ni Himenez ng mahigpit.
“No! no, I won’t accept that! Bastard! I deserve that position! I’ve been working hard in this company for years at alam ko na deserve ko ang posisyon nay an na ibinibigay mo sa kung kani-kaninong walag silbi sa kompanya na to! I am cunning, intelegent and competent, just like you, and just like what you want Mister Rivas!!” may halong galit na sagot ng empleyadong tinanggal ni Seth. Malakas na kinabig ni Seth ang kamay saka nakangising tumingin sa empleyadog noon pa man ay nagpafile na para sa promotion at maging sales manager.
“I admit you are intelligent, hard-working and competent… but we aren’t alike Mister Himenez, yes you are cunning, but for years do you think I did not see what you’ve done in my company? Ilang empleyado na ang inapakan mo to raise your position? Ilang magagandang works at ilang mga magagaling na empleyado ko na ang umalis dahil sayo? Do you think I did not notice? It was because you are competent that I did not kick you out then, that was a mistake and I rarely make mistakes. You are fired and you will leave this company this instant.
You see? I found someone way more intelligent, more better and more deserving of this job than you.” Mahabang litanya ni Seth Rivas. Naiwang nakatulala si Himenez sa kinatatayuan nito. Bago tumalikod ay hinigit siya ni Seth sa braso para sumama dito. Hindi pa man nakakailang hakbang ay tumigil ito at nagsalita na hindi tumitingin sa empleyadong tinanggal.
“You’ll receive your last full payment for this month plus the next two months as a compensation for your hard work. You will receive your benefits and bonuses for this year in your account. Thank you for working hard for me. Good bye Mister Himenez.”
The God of Rivas' Empire! Hail King Seth! Long Live the King!
Hindi alam ni Ryo kung alin sa mga iyan ang babanggitin niya. Naaawa man sa katrabaho ay naiiisip niya na siguro nga ay deserve nito ang nangyari dito. Base sa nangyayari at mga sinabi ni Seth ay hindi lang siya ang nabully nito. Ilang empleyado na rin ang napaalis nito at naapakan dahil sa ambisyon nito na maging katulad ng isang Seth Rivas. Pero kalian man ay hindi ito magiging si Seth Rivas, dahil wala itong kakayahan na maging kapareho ng nag-iisang kilalang Demon of the business world! Seth Rivas will remain the only one and the original!
Pumasok sila sa isang tagong pintuan sa dulo ng canteen. Pagpasok doon ay saka niya napansin na pribadong kainan iyon ng presidente ng kumpanya at mula sa loob ay kita nila ang nangyayari sa loob ng canteen sa pamamagitan ng two way mirror.
"Dito ka na kakain simula ngayon. You can order them anything." Nanlaki ang mata niya dahil sa mga nadinig. Tingin palang sa itsura ng canteen ay mukhang first class restaurant na iyon. May sariling chef si Seth na kita niya sa butas ng ding-ding na nasa loob nang may kalakihang kusina. May babae din doon na nagseserve sa kanila at naghihintay ng mga iuutos ni Seth. Isa itong private kitchen ni Seth sa ilalim ng napakalaki at napakataas na building ng kumpanya nito! And he has a power to order the waitress here!! Mwahahaha!!
‘Wait!’
Iniisip niya kung tama ba ang mga nadinig niya. Siya? Binigyan ng special priviledge na gamitin ang private canteen ng presidente ng kumpanya? Truly? Sure?!
"But... Sir nag-"
"No buts! Maupo ka dyan oorder ako ng makakain mo, are you allergic to anything?" Napapatango na napasagot na lamang siya.
"Ano... sa broccoli sir!" napalakas na sagot niya.
Pagkasagot niya ay tumalikod na ito upang mag-utos na kumuha ng pag-kain sa waitress na naroon. Mula doon ay dinig niya ang utos nito na simula sa araw na ito ay doon na siya kakain at lahat ng utos niya ay sundin ng mga ito. Kita niya ang hindi makapaniwalang reaksyon sa mukha ng mga ito ngunit hindi rin naman makaangal. Mukhang ayaw nilang sumunod sa iba maliban kay Seth! Gulong-gulo ang mga ito sa nangyayari. Hindi naman niya masisi ang mga ito dahil kahit siya ay hindi rin makapaniwala sa mga nagaganap. Is this really Seth?
"You must be special, para magkaroon ng ganitong priviledge." Bulong ng isang tinig sa tenga niya. Napaigtad naman siya dahil sa pagkagulat at agad na nilingon kung sino ang nagsalita. Ang nakita niya ay isang lalaking mas matangkad sa kaniya. Moreno at may pilyong ngiti. Purong pinoy ang itsura nito at madidinig parin sa boses ang bahagyang batagueño accent. Bahagya lamang iyon at hindi mo mahahalata kung di moa lam ang tono niyon.
"Stop scaring him Jason." Sabad ni Seth nang makabalik ito mula sa pag-uutos. Naupo ito sa kaninang inuupuan nito sa harap nila upang ipagpatuloy ang naudlot na pagkain. "Ayoko nang mawalan pa ulit ng sales manager, for the nth time." Dugtong pa nito.
"Ikaw kasi eh, noon pa kita sinasabihan na sinasabotahe ang mga sales manager mo pero ayaw mong maniwala." Wika nito sabay upo sa lamesa na naroon. Tumango si Seth sa kaninang inutusan nito at bumalik naman sa loo bang babae. Marahil ay madalas doon si Jason at alam na ng babae ang dadalahin para sa isa. Sinenyasan siya nito na maupo sa upuan na nasa kanang bahagi nito na kanya namang ginawa. Pagkaupo ay bumaling siya kay Jason dahil nais niyang malaman ang kahulugan ng sinabi nito kanina.
"Anong sinasabotahe? Bakit?" Dahil sa kyuryosidad ay sumingit na siya sa usapan, tutal alam naman niya na konektado sa kaniya ang pinag-uusapan ng dalawa at iyon din ang dahilan ng pagkakatanggal kay Himenez. Dumating agad ang pagkain at hinayaan muna nila na maiayos iyon bago nila itinuloy ang usapan. Matapos mailapag ang pagkain sa lamesa ay sinenyasan ni Seth na lumabas ang babae saka ito muling bumalik sa usapan.
"Dahil ang sales manager ang isa sa may pinaka importanteng part sa kumpanya ay inilagay ko doon ang lahat ng priviledge at ilang benefits na wala sa ibang department. Isa pa, ikaw ang magha-handle ng lahat ng nangyayaring sales at deals na nagagawa ko. Sayo babagsak ang mabibigat na trabaho at binigyan kita ng karapatan na makita ang mga records ng pumapasok at lumalabas na pera, kaya inilagay ko sa posisyon na iyan ang lahat ng pwedeng gamitin, Free car, access sa mga first class resto, hotels, and so on na sagot na din ng kumpanya dahil minsan nasa ibang lugar ka para sa mga deals. Hindi mo ba nabasa sa kontrata mo 'yon?" Nakanganga na umiling siya bilang sagot sa tanong nito. Hindi siya makapaniwala na may ganoong priviledge ang posisyon na kapit niya? Hindi naman ganoon ang ibang kumpanya na napagtrabahuhan na niya. Eto ba ang dahilan kaya marami ang nagkakandarapa na magtrabaho sa kumpanyang ito sa kabila ng napakasamang ugali ng may-ari nito? Pero yung kanina? It doesn’t seem like Seth Rivas is an unjust, demon employer?
"You didn't read the contract." Tanong/sabi ni Seth. Sa pagtango niya ay bumuntong hininga naman ang presidente at nahihiya na dumausdos na lamang siya sa upuan pababa habang nakasandal doon.
"Ano- excited kasi ako na magtrabaho dito kaya di ko na binasa?" hindi siguradong sagot niya sa amo. Napapailing naman si Seth sa sagot niya. Bumuntong hininga rin siya para sa kaengotan na nagawa. Biruin mo, nag-sign siya sa isang kontrata na di sinisigurado kung nakalagay ba doon na papatayin siya kapag um-absent!
"By the way, yung company swimming nyo ng mga branch heads? Next month na iyon, sasama ka?" Pag-iiba ni Jason sa usapan. Hindi niya alam na may magaganap na company outing?
"Maybe? bago lang ako tsaka nahihiya pa ako. Uhh, required ba na sumama ako?" Sagot niya.
"Yes! Sumama ka, sasama ako." Agad na sagot ni Seth. Tumaas naman ang kilay ni Jayson.
Kumibit balikat lamang ito nang hindi makapaniwalang tinitigan nila ito ng kaibigan nito.
Seth Rivas.... is one unpredictable man!