Ang sabi nila ay mukhang may sumpa ang posisyon na Sales Manager sa kumpanya ni Seth Rivas kaya walang tumatagal na empleyado sa posisyon na iyon. Kaya walang sino man ang may gusto na tumagal as sales manager dahil may mga hindi magagandang bagay na nangyayari sa may hawak ng posisyon na iyon doon. Gaya nalang ng isa na umalis na umiiyak at ayaw nang bumalik pa. Ayaw man paniwalaan; wari ni Ryo ay totoo nga ang sabi-sabi na may sumpa ang posisyon na iyon. Isang linggo na siya sa trabaho ngunit walang araw na hindi nagka-aberya ang trabaho niya. Mula sa mga nawawalang gamit niya ay mga papel naman na mahalaga ang sumunod na nawala o nakakalat sa buong sahig ng kaniyang opisina. Balak na niyang lagyan ng cctv ang mismong opisina upang makuhanan ng video kung ano ang ginagawa ng multo sa kwarto. Nasarahan na rin siya ng pinto ng elevator na halos isang oras habang nasa loob siya niyon, nalock-an ang opisina ng hindi sinasadya at hindi siya makapasok sa loob at nabura ang files sa computer ng ilang ulit sa hindi malamang dahilan. At dahil sa naniniwala sa mga multosi Ryo ay natatakot na siyang mag-isa sa opisina. Nabigyan siya ng bagong sekretarya ngunit agad din iyong may nagresign dahil sa mga pangyayari at sa takot. Mukhang wala ring may balak na pumalit na galling sa ibang department dahil noong sinabi ng Big Boss na kumuha sila sa ibang department ay walang may gustong tumanggap ng offer kaya nag hire na lamang siya ng bag na magmumula sa labas. Ang isa pang pinakamalala naman ay ang pangyayari ngayon.
Ang pagkabura ng buong files sa usb niya at pagkawala ng lahat ng gagamitin niya sa company meeting!
Iniwan lamang niya iyon upang kumain sa canteen at pagbalik niya ay hindi na niya tiningnan pang muli ang laman ng USB dahil confident siya na nai-save niya doon ang buong report. Ngayon ay nasa harap siya ng Presidente ng kumpanya, ng Board of Directors, ng ilang department heads at kung sino-sino pa na importante sa kumpanya upang ipresinta ang mga importanteng reports na nakalap niya habang pinag-aaralan ang mga nakaraang gawain na natapos ng nagdaang empleyado na kailangan niyang aralin. Nakailang tanggal at salpak na siya ng USB sa laptop na gagamitin ngunit wala paring lumalabas na files na kailangan niya, sa halip ay puro litrato ng mga Panda bear lamang ang lumilitaw doon at kung ano-anong cute na baby animals. Nagtataka na siya at puno ng kaba dahil sa nakikitang itsura ng lahat ng department head na naroon sa pagpupulong na gaganapin, lalong-lalo na si Seth Rivas! Sa huli ay tinanggal na lamang niya ang USB at muling hinarap ang mga tao na kanina pa naghihimatay sa kaniya at sa mga reports na ipeprisinta niya.
"Well, nagkaproblema lang sa... usb na dapat na gagamitin ko, ipagpaumanhin po ninyo." Kinakabahan na pasimula niya habang yumuyuko sa mga ito bilang pagbibigay galang. Sinulyapan niya ang mukha ng amo at lalo pa siyang nakaramdam ng takot nang mapansin na nakatitig sa kaniya ang iritado na sa inip dahil sa paghihintay.
"Any problem Mister Guevarra?" Ang tono nito ay parang sa isang abugado na nagtatanong sa isang guilty na nasasakdal!
"I'm sorry Sir, nawala po ang files ng report na nasa usb ko... pero kabisado ko naman po lahat ng iyon! I can discuss it with everyone else’ here!" Mabilis niyang binigkas ang mga huling salita dahil pakiramdam niya ay nais na nitong putulin ang mga sasabihin niya at palayasin na siya sa harap nito ngayon mismo.
"You lost your files, hindi ka ready sa presentation mo na dinelay ko na ng isang linggo upang makapaghanda ka, YOU came here unprepared, showing us a, maybe hundreds, pictures of a Panda Bear and telling me na nawawala yung files ng report mo?!" Bulyaw ng amo. Napapikit na lamang siya sa sigaw na iyon dahil kasalanan naman talaga niya ang nanyari. Dapat ay iningatan niya ang files at siniguro na naisave niya ang buong report bago inalis ang usb at pumunta sa conference room kung saan dapat magaganap ang meeting na naudlot.
"I- i'm sorry Sir, hindi ko po-"
"Very incompetent! paano ka nakapunta dito sa harap namin na hindi sinisigurado na lahat ng gagamitin mo ay naka-ayos at walang kulang or nawawala? Are you an idiot? You dissapoint me Guevarra!!" Napakagat labi na lamang siya. Bawat salitang binitiwan ng amo ay masakit na tumama sa kaniya lahat. Hindi niya mapaniwalaan na ngayon pa nangyari ang kamalasan na ito sa kaniya. hindi niya sigurado kung paanong wala ang mga files sa usb niya. Naniniwala na siya na talagang isinumpa ang posisyon na iyon kung saan siya napalagay. Parang nais na niyang umurong at magresign o kahit na tanggalin na siya ng amo. Natatakot na talaga siya dahil sa mga nadidinig at mga nangyayari sa kaniya. Iniikot iya ang paningin sa paligid at napagtanto na lahat ng mga naroon sa meeting ay sa kaniya nakatuon ang atensyon at halo-halo ang mga ekspresyon na mababasa sa kanilang mukha. May mga nakasimangot at ang iba naman ay halata ang pagkainis at mga natutuwa ang iba na nakikita siyang binubulyawan ng amo at ipinahihiya sa lahat. Isa sa mga ito, ang lalaking mayabang, ay sumenyas na ang daliri ay parang hinahati ang leeg. Pagkainis at pagkairita naman ang naramdaman niya dahil doon. Alam niyang malalagot na talaga siya at tatanggalin na siya ngayon mismo pero hindi nila kailangan na umastang prang blessing sa kanila ang pagkaka-alis sa kaniya. Ayaw na ayaw ni Seth ang mga ganitong sitwasyon at ang alam niya ay wala pang sino man ang nakaligtas sa bagsik nito.
He will be fired one week after he was hired!!
"I'm sorry sir, hindi na po ito mauulit." Pabulong na hingi niya ng paumanhin. Hinihintay na lamang niya na sabihin at isigaw nito sa mukha niya ang mga salitang 'You're fired’ at ‘get out of my face!’
"We will continnue this the day after tomorrow!” malamig na wika ni Seth Rivas. “Guevarra, make sure you are well prepared for the next meeting or I’ll fire you right away, no questions asked." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito at lumabas ng conference room habang ang lahat ay naiwang nakatulala at nakanganga, pati siya. Lahat ay hindi makapaniwala kahit siya na pinaligtas siya ni Seth Rivas at hindi tinanggal sa trabaho. Nagtataka man ay natuwa na rin siya dahil magkakaroon pa siya ng pagkakataon na maitama ang pagkakamali at mailabas at mabawi ang mga naburang report files at slide na kaniyang ginawa. Ang lahat naman ay nagtataka at nagtatanungan kung totoo nga ba ang nadinig nila, kung anong nangyari o nananaginip ba sila. Na kung totoo ba na hindi siya tinanggal ng amo sa trabaho.
"I- well... better luck next time Ryo." Bulong niya sa sarili bago tuluyang lumabas at nagtungo sa kaniyang opisina.
~~
Kanina pa siya nakabalik sa sariling opisina ngunit hanggang ngayon ay nagtataka parin si Seth sa kaniyang desisyon. Bakit? Bakit hindi niya tinanggal si Guevarra kanina? Malaki ang pagkakamali nito pero bakit hindi niya ito tinanggal? Naalala niya ang itsura nito habang pinagagalitan niya. Nakayuko at takot na takot sa kaniya na akala mo ay nangangain siya ng tao. Nanginginig ito na akala mo ay nasa harap ito ng husgado at nililitis niya. Pero okay lang naman sa kaniya na matakot ang iba and he prefere it that way? So why is Guevarra different? Siguro dahil may nakikita siyang potential dito at maaring maging mas successful ito sa ilalim niya? Or dahil nakikita niya ang kapatid dito dahil ganoon din itong umasta?
Maybe?
Bumuntong hininga siya saka sumandal sa upuan. Nitong nakaraang araw ay inoobserbahan niya ang trabaho nito at mukhang okay naman, no it was perfect, dahil nakikita niyang masipag ito sa pagtatrabaho at maagang dumadating. Bumababa lamang ito sa canteen para kumain kapag natapos na nito ang trabaho na ginagawa nito. Ang mga reports nito nang mga nakaraang araw ay talaga namang maganda at polido. Pero may napapansin siyang isang bagay dito. Sa tuwing dadaan siya sa opisina nito o makasalubong niya ito kahit saan sa building ay sinusundan siya nito ng tingin. Kinikilabutan na siya dahil aalis lamang ang tingin nito sa kaniya kapag nakalampas na siya o kaya ay pinilit niyang hulihin ang tingin nito. Paano kung bakla ito? Bumuntong hininga siya.
Kailan pa siya naging allergic sa bakla?
Wala siyang pakelam sa kahit anong preference ng kaniyang employee basta ginagawa ng mga ito ang trabaho nila. Wala siyang anumang pakelam sa mga ginagawa ng mga ito after work basta dumadating ang mga ito sa oras at natatapos ang mga dapat na tapusin sa oras na maganda at maayos. Tumingin siya sa wallclock at napagtanto na break time na pala at naubos ang oras niya sa walang kwentang tao... o bagay, o ano man ang nangyari na iyon. Tinamad siyang kumain sa labas kung kaya naisipan niyang sa canteen sa ibaba na lamang kumain. Minsan lamang magtungo daoon si Seth dahil lagi siyang nasa mga luncheon meeting o mga kung ano-anong meeting na pinupuntahan. Isang beses sa isang buwan lamang siya kumain sa kantina ng kaniyang kompanya at kung minsan naman ay wala kaya hindi na niya alam ang mga nangyayari sa kainan sa oras ng breaktime. Bumaba siya gamit ang privaye elevator at dumaan sa pribadong pinto na nakalaan lamang sa kaniya. Pagbaba niya doon ay inasistehan agad siya sa kaniyang kakainin ng chef na nakalaan rin lamang para sa kaniya kapag doon siya kakain. Naupo siya sa pwestong nakahanda sa kaniya sa kwarto na hindi kita ng lahat ngunit kita niya ang lahat at ang mga nangyayari doon. Kapag naroon siya ay pinag-aaralan niya ang mga ito at nadidinig din niya ang mga usapan ng ilan na nasa malalapit, lalo na ang mga salitang laban sa kaniya at mga insulto sa pagkatao niya na wala naman siyang pakeelam. Ilang sandali pa ay nasa harap na niya ang pagkain at nagsimula nang kumain. Nakakailang subo na siya nang mapansin na ang isa sa mga Employee niya ang kumakain mag-isa. Nasa lamesa ito na pang-apatan ngunit nakapagtataka na nag-iisa lamang ito doon. Walang kumakain sa tabi nito kahit pa halos mapuno na ang canteen. Marahil ay ang pagiging tahimik nito ang dahilan kaya lagi itong iniiwasan ng iba? Ngunit mukhang hindi iyon ang dahilan base sa mga nababasa niya sa tingin ng nakararami. Mula sa posisyon niya ay kita niya ang ginagawa ng iba dito. Mga masasamang tingin, palihim na nagbabato ng piraso ng pagkain sa likod nito na ang iba ay nasa buhok nakadikit at mga irap.
"I told you before, sinasabotahe ang position na iyan noon pa man." Wika ng isang boses na bigla na lamang sumulpot sa likuran niya.
"Jason, what's up? Hindi ako naniniwala noon pa man dahil wala namang dahilan para gawin nila iyon, but now parang naniniwala na ako." Nag-aalala na sagot niya. Nakakunot ang noo niya dahil kita niya na pinagtatawanan lamang ng iba ang mga nangyayari. May pailan-ilan naman na nakayuko lamang at mukhang takot na madamay.
"Nasa sales manager ang pinakamalalaking benefit ng kumpanya, that's not surprising... what the!!"
Sabay silang napatayo ng tuwid ni Jason ng isa sa mga empleyado na lalaki ay lapitan ang tahimik na si Guevarra at batukan ito ng malakas. Matagal na niyang nadidinig na isa sa mga bully sa kumpanya niya ang lalake na iyon ngunit wala siyang ebidensya at magaling ito sa trabaho. Wala siyang dahilan na tanggalin ito at wala rin naman na nagsusumbong laban dito. Bumabati din ito sa kaniya at tinatanguan naman niya ito kahit alam niyang pinagkakalat nito na close silang dalawa. Hindi sa hindi niya ito kayang tanggalin kundi wala siyang pakelam kahit na magkalat ito ng kung ano basta hindi nakaka-apekto sa trabaho nito.
Pero mali ito sa pag-aakala na malakas ito sa kaniya kaya hindi niya ito tinatanggal.
Galit na nilapitan ni Seth si Guevarra at ang lalaking bumubully dito. Babatukan na nitong muli ang kaawa-awang empleyado nang hawakan niya ang kamay nito. Hindi niya maitanggi ang galit na bumugso sa kaniya dahil sa nakitang p*******t nito.
Hindi niya nais makita na nasasaktan si Guevarra.
And he doesn't know why.
Tumingin si Guevarra sa taong tumulong dito at nang mag-angat ito ng ulo ay ang maluha-luhang mata nito ang bumungad sa kaniya.
And he does not like what he's seeing.