Unang araw pa lamang sa trabaho ay bulilyaso na agad ang pagpapatunay ni Ryo na competent siya at nararapat sa trabaho na ibinigay sa kaniya. Nagsimula ang aberya sa oras pa lamang na magising siya dahil kamuntikang masunog ang bahay nila dahil sa apoy na nagsimula sa katabing bahay nila. Dumating ang mga bumbero at nagbomba ng tubig sa kapit bahay at pati na rin sa kanila at iba pang limang bahay na katabi ng nasusunog na bahay. Pasalamat na lamang at agad na naagapan ang apoy, ngunit noong oras na bumalik siya sa kanila upang magbihis matapos ang aksidente ay halos maiyak siya sa kaniyang nakita. Ang lahat ng damit niya at lahat-lahat ng gamit nila sa buong bahay ay basa. Hindi niya malaman ang gagawin kaya nagprisinta na lamang si Dave na ipagmaneho siya papunta sa isang ready to wear shop na medyo malayo sa kaniyang trabaho, upang hindi na ring siya mag-commute. Doon ay nakabili siya ng black suit, pants, polo at tie at sa hanay na rin niyon siya bumili ng bagong black shoes at medyas. Nanlulumo naman siya dahil sa wala sa budget na pag-gastos. Dahil magigipit ay pinautang siya ni Dave ng pandagdag na pambili. Ang iintindihin na lamang niya ay ang pamasahe araw-araw at sa pagkain naman ay makakapagtiis muna siya habang wala pa ang sahod.
"Wala na ba tayong ibang pagsisingitan? Fifteen minutes na akong late." Ang nag-aalalang tanong ni Ryo. Humihiling sila na maghimala at mahati ang mga sasakyan at makasingit sila sa traffic. Ngunit alam niyang imposible iyon dahil kahit maghimala ay hinding hindi mababago ang traffic sa pilipinas. Napabuntong hininga na lamang siya.
"Pasensya na Ryo, wala na talaga tayong ibang pagsisingitan. Bwisit kasi na kapitbahay na 'yan, mga walang ingat!" Wala siyang nagawa kundi ang bumuntong hininga na lamang dahil alam niyang wala na rin magagawa si Dave sa sitwasyon nila ngayon.
"Alam ko naman na wala ka nang magagawa saka hindi mo naman kasalanan mga nangyari noh! Okay lang, makakaintindi naman siguro yung boss ko. Sana wala pa si Mister Rivas sa opisina."
Inabot sila ng bente minutos sa traffic kaya pagdating sa trabaho ay nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan papasok sa building kung saan siya magtatrabaho. Halata naman ang pag-aalala sa mukha ni Dave nang nagmamadali siyang tumakbo papasok sa loob ng mataas at magarang building. Pagpasok sa entrance ay mga nag-aalalang mukha ng mga katrabaho niya ang agad na bumungad kay Ryo. Sa itsura pa lamang ng mga ito ay sigurado na siyang may bagyong naghihintay para sa kaniya. Ang lahat ay nakatayo at may mga hawak na palpel, envelope o kung ano man ang mga bagay na mahawakan ng mga ito dahil halatang nagkukunwari lamang na abala ang lahat dahil ayaw lamang umakyat sa itaas. Nasa kani-kaniyang pwesto kung saan-saan sa groundfloor at parang naghihintay ng isang masamang balita na magmumula kung sino man ang bababa para ipaalam ang nangyayari. Pagkakita sa kaniya ay sumimangot ang iba, ang iba ay napabuntong hininga, ang iba ay napapa-iling habang mayroon naman na sumesenyas na magmadali na siya. Pagbukas ng elevator ay agad siyang sumakay at pinindot iyon sa dalawampu’t tatlo kung nasaan ang magiging opisina niya.
Bawat segundo na dumadaan ang pakiramdam niya ay parang sa isang preso na bibitayin. Naglalakad patungo sa kulungan kung saan siya isisilya elektrika dahil sa mabigat na krimen na nagawa. Nagbigay ng malakas na 'DING' ang elevator, hudyat na narating na niya ang lugar niya sa napakataas na building. Kumakabog ang kaniyang dibdib at nais na niyang magstuck ang elevator at makulong siya kahit half day lamang, o kahit three days ay mas okay! Magkaroon ng gulo, mahostage ang buong building, kahit na ano maiwasan lamang ang sigurado siyang matinding galit ng amo na magreresulta ng pagkatanggal sa kaniya at pagkapahiya sa buong building. Pagbukas ng pinto ay naroon at nakatayo sa harap ng opisina nito si Seth Rivas. Nakapameywang at nag-aapoy sa galit ang mata habang sa isang gilid ay yukong-yuko ang sekretarya nito na mukhang napagbuntunan muli na galit nito.
"YOU ARE LATE! Sa first day ng trabaho mo ay isang oras kang late!" Bungad na sigaw ni Seth nang makita siya nito na lumabas ng elevator. Hindi na umalis sa kinatatayuan nito o kahit imbitahan manlang siya sa opisina nito at doon siya sermunan. Well, what can he expect? Diyan kilala si Seth at hindi siya mangingiming sigawan at ipahiya ka kahit sa gitna pa ng kalsada.
"Ah- sor- Mister Rivas-" Hindi niya malaman kung paano magpapaliwanag dahil sa nakikitang galit nito. Hindi siya sanay na nasisigawan at sa ugali niyang tahimik at mahiyain ay nangingibabaw ang kaniyang takot.
"What?! Ano? Ahm- eh- ano, what?!" Galit na muling sigaw nito sa kaniya. Tuluyan na siyang nakalapit noon at ilang hakbang ang layo sa nanggagalaiti sa galit na amo.
"Nasunog po kasi ang bahay na mismong katabi ng bahay na tinutuluyan ko, wala po akong choice kundi magpalate." Nagmamadali na wika niya. Nakayuko rin siya noon kaya hindi niya makita ang ekspresyon sa mukha nito ngunit alam niyang mas lalo itong nagagalit.
"We have a meeting thirty minutes ago! We supposed to have pero nakansela dahil ang importanteng tao na nararapat na naroon ay hindi dumating, and THAT WAS YOU!" Idiniin nito ang mga huling salita sa kaniya. Ipinararamdam sa kaniya ang napakalaking pagkakamali niya na maaring maglagay sa kompanya sa isang tagilid na sitwasyon dahil hindi siya dumating.
Teka...
"May meeting po tayo sir?" Inosenteng tanong niya. Napangiwi na lamang siya sa sumunod na reaksyon nito.
"Aaarrrgh! Claire you…! Hindi mo pinaalam sa kaniya na may meeting tayo?!" Nasabunutan na lamang nito ang sarili at mukhang nais nang kalbuhin iyon dahil sa pagkaaburido.
"Si-sir... nakalimutan ko po kasi kahapon nagsesermon ka at-" Pilit na pagpapaliwanag nito na agad na pinutol ng terror nilang amo.
"AND THAT'S MY FAULT?! For god's sake Claire! I- no, i want you out, i want you out of my face, my company, my property, YOU'RE FIRED! What are you waiting for? LEAVE!" Ten wince. No, twenty? Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang ginawa iyon dahil lamang sa mga sigaw nito. Pinipilit niyang isara ang tenga dahil sa tuwing may sisigaw ay naaalala niya ang mga pagsigaw ni....
"Sir! Naiintindihan ko po kung tatanggalin mo ako sa trabaho ngayon din. Kasalanan ko po kasi..." biglang sabat ni Ryo. Hindi na niya hihintayin na mauna itong tanggalin siya.
"No!" Maikling sagot nito.
"Napaangat ang mukha niya at sinalubong ang mga mata nito na nakatitig sa kaniya.
"N-no sir?" Paniniguro niya. Ayaw naman niyang umasa na bibigyan siya nito ng pagkakataon dahil kilala ang reputasyon nito na hindi nakikinig kahit kaunting paliwanag.
"Yes, no. Nasunog ang bahay ng kapitbahay mo, and that will lead to many possible reason na malate ka. Siguradong binasa ng bumbero ang bahay ninyo at wala kang magagamit na damit. Pumunta ka sa isang ready to wear shop at may isa lamang dito ang meron na medyo malayo sa area na to at matraffic ang daan." Nanlaki ang mata niya at halos mapa-wow dahil sa talino nito. Nai-analize nito agad ang buong nangyari sa isang iglap.
"You- you know sir?" Nauutal na tanong niya. Seryoso naman na sumagot ito.
"Of course! May tag ka pa sa polo mo. Yung tie mo hindi pa natanggal yung sticker ng shop na binilihan mo. Yung tag ng pants mo iyan at nakalabas din. Yung sapatos mo nakasabit sa likod yung papel. Come to my office when you're properly dressed to meet me Guevarra." Nanlalaki ang mata at natataranta na kinapa niya ang lahat ng sinabi nito. Yes, nakakabit pa lahat ng tags, sticker at yung papel na kasama sa box ng sapatos ay nakasiksik ang kalahati sa likod sapatos sa kanan niya at ang kalahati ay nakakaladkad sa sahig. No wonder pinagtitinginan siya ng lahat! Muka siyang ibinebentang manikin! Hiyang-hiya at namumula sa kahihiyan na napatingin na lamang siya sa amo nang masiguro na tama ito. Hindi malaman kung tatango o iiling sa mga nangyari.
"Fix yourself Mister Guevarra, I’ll be waiting for you in my office." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito at siya naman ay nagmamadaling tumakbo patungo sa pinakamalapit na banyo. Tama na ang kahihiyan na inabot niya at ayaw na niyang dagdagan pa sa pamamagitan ng pagsagot ditto habang tuliro ang utak niya. Hindi naman niya napansin ang bahagyang ngiti sa labi ni Seth dahil sa nakitang reksyon niya sa sinabi nito.
~~
Nangingiti at naiiling siya habang pumapasok sa loob ng opisina. Bihira siyang matawa dahil sa mga employee niya at kapag nangyayari iyon ay talagang may katawa-tawang ginawa ang mga ito o nangyari. Gaya ngayon. Pang-apat na beses pa lamang ito na natawa siya sa isang employee at ang napakatipid na ngiti na iyon ay tawa na sa depenisyon niya. Paanong hindi siya mangingiti? Mainit ang ulo niya dahil sa pagkalate ng trabahador sa first day nito at nang dumating ang nasabing late ay hindi malaman kung saan galing. Puno ng tag ang mga damit at ang sapatos ay may nakasabit na papel!
Napailing na lamang siya.
Bumalik ang inis niya dahil sa pagkaka-alala na kinalimutan ng sekretarya niya na sabihin dito ang meeting. Kung nasabi nito ay maaring pumasok ng maaga si Guevarra at hindi ito naipit sa aksidente. Sabagay, mangyayari ang aksidente masabi man nito o hinde. Pero ang katotohanan na kinalimutan nito ang pagsasabi ng isang mahalagang bagay ay hindi niya matatanggap. Isang patunay lamang iyon ng pagiging incompetent nito at hindi niya pagpapasensyahan ang mga taong walang silbi. Alam ng mga ito ang pinaka-ayaw niya at ang isa pa ay ang pilit nitong pagtatakip sa pagkakamali at gawin siyang dahilan.
Napabuntong hininga siya nang maisip na kailangan niya na mag-lagay ng Ad para sa bagong secretary. Habang wala pa ay maghihintay na lamang siya at magtitiis muna siya na siya ang gagawa ng lahat ng trabaho na walang sekretarya. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang pumasok ang bagong empleyado na maayos na ang sarili. Hinagod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa saka kunot noo na nag-isip. Maari siguro na maging sekretarya niya ito habang wala pang kapalit and at the same time ay sales manager ito? Napabuntong hininga siyang muli ay hinilot ang sintido dahil sa paparating na sakit ng ulo. Hindi pwede iyon dahil tambak na rin ang trabaho nito dahil halos dalawang lingo na wala silang sales manager.
"Sir... may problema po ba? Sa akin ba?" Kinakabahan na mahinang tanong nito. Umiling-iling siya at kinuha ang ballpen sa lamesa saka wala sa sarili na tinitigan iyon.
"No, iniisip ko lang kung maari ka munang maging secretary ko pero marami na ang trabaho mo as sales manager. And Mister Guevarra, ayoko nang maulit pa ito. Pagbibigyan kita ngayon pero sa susunod ay hindi na, bukas ay may importanteng meeting at kailangan mo'ng um-attend. Now leave at magsimula ka na sa trabaho mo and be competent... please!" Tumalikod na ito tapos magpaalam at mag-excuse sa kaniya. Napataas pa ang kilay niya sa mga salitang binitiwan nito na di sinasadyang nadinig niya.
'Arrogant bastard!'
Tumaas ang kilay niya saka napangisi. Mukhang may defiant attitude ang bagong sales manager niya. Mahiyain at tahimik ngunit rebelde sa loob. Now tignan natin kung worth it ba ang pagiging defiant nito? Kung sa kabila ng mga insulto na palihim na sinasabi nito ay maganda naman ang performance nito ay magagawa niyang itolerate ito. Wala siyang pasensya sa mga taong wala na ngang silbi ay sila pa ang mapagmalaki na akala mo aping-api.
Bumuntong hininga siyang muli.
Kailangan na niyang mag-general check sa buong kumpanya upang siguraduhin na tumatakbo ng maayos ang lahat at walang nangyayaring hindi maganda habang nakatalikod siya. But knowing him, walang maglalakas loob na lokohin siya. Someone tried before ngunit ngayon ay nasa kulungan parin ito at nabawi niya ang lahat ng ninakaw nito kasama na ang kaparusahan na nararapat dito.
Naalala niya ang anak nitong babae na biglang dumating at umiiyak na nagmakaawa sa kaniya. Ipinaliwanag kung bakit nagawa iyon ng ama. Crying her heart out and telling a story as absurd as cinderella's. Kung paanong may sakit kuno ang ina nito at ang dalawang kapatid ay nag-aaral at mapapatigil kung hindi magsisikap ang ama nito. She even had the guts to tell him na handa itong magbayad wag lamang makulong ang ama nito. Throwing herself to him, telling him that she's willing to give him her purity. Her virginity. But her so called virginity was just a myth. Anong ineexpect nito? Maaawa siya, kukunin ito sa mga bisig niya at sasabihin dito na okay ang lahat? Sasagipin niya ito at ibibigay dito ang lahat kasama ang pamilya nito? Or ineexpect nito na magiging isa siya sa mga dream leading man sa nobela na aangkinin at pupwersahin na kunin ang p********e nito at gagawin itong s*x slave and even fall in-love in the process?
What a silly girl.
Pero hinde, hindi ganoon ang nangyari. Napahiya ito dahil ipinamukha niya dito ang pagiging sugarol ng ina nito na nagpapaubos ng pera sa sugalan at ito kasama ang dalawa pang kapatid nito ay napakaluho at gusto ay nakukuha lahat ng nais. Ipinamukha niya na ang mga ito ang dahilan kung bakit napilitan gumawa ng ganoon ang ama nito. Umaasa ito na sasagipin niya ang financial problem ng mga ito dahil hindi nila kaya na mamuhay na salat. Umaasa ito na tatanggapin niya ang offer nito at magagawa nitong paikutin ang mesa at mapilitan siyang pakasalan ito.
A very stupid girl who think of him as a prince that can take her away from the worst of the world. Sa estado nito ay ang paghihirap at hindi mabili ang luho nito.
Napahiya ito sa buong kumpanya dahil doon ito nag-eskandalo at bukod sa isinaksak niya sa mukha nito ang totoo ay ipinakaladkad pa niya ito palabas ng building.
At hindi na niya mabilang kung pang ilan na ito na dumating at lahat ay pare-pareho ang intensyon.
To capture Seth Rivas' cold heart.
But until now, wala pang nakagawa. At walang makagagawa dahil hindi niya hahayaan ang mga ito. No, never.
They will die trying.