Ferio James Guevarra
That's his name.
Or Ryo for short.
Laging sinasabi ng mga kaibigan niya na boring ang buhay niya. Walang thrill. Walang excitement. He can only agree. Bakit? Noong nag-aaral pa lamang siya ay puro pag-aaral at bahay lamang ang nasa isip at ang inaasakaso niya. Ngayon na nagtatrabaho ay trabaho at bahay naman ang laging routine niya, maliban na lamang kung kasama sa trabaho ang out of towns. His life was set a long time ago. Mga bagay na gagawin at hindi dapat gawin. Magtatrabaho, tapos ng trabaho ay uuwi ng bahay kung saan sila nakatira ng tatlong kaibigan niya at sa umaga ay trabaho muli. Yes, his life was so boring na guardian devil na mismo niya ang sumuko sa kaniya at naghanap ng bagong babantayan. Wala naman silang magagawa dahil hindi niya hilig ang night life, bar hopping, out of towns at hindi rin siya umiinom ng alak. Nabubuhay na siya sa pagbabasa ng mga libro ni Tolkien, pag collect ng items na may kinalaman sa middle earth at pagbabasa ng mga fan fictions tungkol sa buhay ng mag daddy na Legolas at Thranduil. Idol niya rin si Lee Pace na gumanap bilang Elven King sa The Hobbit. Isa rin sa hobbies niya ang pakikipag debate sa internet tungkol sa pagkakaiba ni Thranduil sa libro at sa pelikula ni PJ, bagay na hindi maintindihan ng mga kaibigan niyang may mga sariling mundo. He's not a real man in a sense. Meaning, he's gay. Walang naghihintay na happy ending with a prince para sa kaniya and he knows that kaya itinuon na lamang ang niya ang sarili sa pag-aaral, sa middle earth at pagtatrabaho. Happy ending is not possible for him so he decided he should find something to put his attention into. Something more productive that he can benefit to. At iyon ay ang pagtatrabaho, pag-collect ng Tolkien books at items na nagpapasaya sa kaniya at ang mga kaibigan na hindi siya iniwan at iiwan kailan man, kahit pa ikwento niy sa mga ito ang tungkol sa pinag kaiba ng libro ng The Hobbit at Movie ni PJ!
Mga kaibigan na may kanya-kanyang ugali at topak. Habang nagmumuni-muni ay naalala niya ang mga kaibigan na naiwan sa bahay.
Si Marisse, ang feeling fashionista na nangarap maging artista. Si Dave, ang istriktong kuya ng barkada at nagsisilbing tali na humahawak sa kanilang lahat na may girlfriend na space-cialist. Laging nag-i-space out at out of this world ang mga banat. And last si Joey, ang brash, basagulero ngunit malambot din na gaya niya kapag sila-sila na lamang ang magkakasama. Sila ang mga importanteng tao sa buhay niya simula noong maghiwalay ang mga magulang niya. Nanirahan na sa ibang bansa ang mommy niya kasama ang younger sister na si Farris at ang Daddy naman nila ay abala sa trabaho nito bilang researcher. Siya na lamang ang naiwan sa bansa dahil ayaw niyang manirahan sa abroad kung saan talamak ang mga judgemental sa mga katulad niyang bakla. Gayun din ang sitwasyon ng mga mahal niyang kaibigan maliban kay Joey na nag-iisa na lamang sa buhay kaya napagdesisyonan nilang magkakaibigan na kumuha ng bahay na kanilang titirahan.
May ilan na rin siyang pinanggalingan na kumpanya. Maganda naman ang performance niya sa nakaraan niyang trabaho kaya hindi na siya nahirapan pa sa pag-aaply sa bagong kumpanya na katatanggap lamang sa kaniya. Magandang trabaho na may magandang bayad at magagandang benefits. Marami siyang naririnig na balita at sabi-sabi na hindi maganda ang magtrabaho sa kumpanyangkaniyang pinasukan dahil sa masamang ugali ng may-ari ng kumpanya na si Seth Rivas. Ang bansag nito na “cold, cruel man who does not give a damn to anyone” ang isa sa nagpapahina ng loob sa ilan sa maraming nag-aaply dito. Sabi nila na ang paniniwala nito ay ikaw ang may utang na loob sa kaniya kung kaya nararapat lamang na tumbasan nila iyon ng ayon sa ibinibigay nitong sahod at benefits. Kung titignan mo nga naman ay may point ito. Above minimum ang sahod na ibinibigay ng kumpanya at ang mga benefits na makukuha ay talaga namang nakapagpapatakam sa marami. Kaya naman kahit na nakakatakot ito ay marami parin ang sumusubog mag trabaho sa kilalang kumpanya ng mga Rivas. Ang hindi lang maganda ay ang ugali nito na masyadong mahigpit, mapanigaw at walang pakielam sa paligid at sa nararamdaman ng taong sinisigawan nito basta ang mga ito ay nagkamali.
Tulad ngayon.
Kanina pa siya nasa opisina ng sekretarya ng Presidente ng kumpanya na tumanggap sa kaniya. Mula doon ay dinig niya ang malalakas na sigaw, insulto at kung ano-ano pa sa kung sino man iyon na minalas na makagawa ng pagkakamali at sumalo ng lahat ng galit nito. Ang huling nadinig niya ay ang utos nito na tanggalin ngayon mismo ang isang empleyada. On the spot! Walang paliwanagan na mangyayari!
Napabuntong hininga na lamang siya.
Matapos ang ilang sandaling katahimikan ay pumasok na ang sekretarya na namumutla ang mukha at mukhang nanggaling sa isang paglilitis ng kaso kung saan ito ang nililitis. Muli ay napabuntong hininga siya saka inayos ang salamin sa kaniyang mata. Kahit pa ganito ang bumungad sa kaniya ay desidido siyang magtrabaho sa kumpanya na ito na hinahangad ng libo-libong tao, employed man o unemployed. Lahat sila ay handang tiisin ang masamang ugali ng may-ari kapalit ng magandang sahod, sangkaterbang benefits at iba pa. Ang kailangan lamang nilang gawin ay maging competent.
Kasing competent na naaayon sa standard ng may ari kumpanya.
"Magsisimula ka na bukas at ito-tour na kita sa buong kumpanya. Bilang sales manager ay kailangan na maging familiar ka sa lahat ng department. Sana ay hindi ka katulad ng mga natanggal sa pwesto na iyan. Come." Napataas ng lihim ang kilay niya dahil sa sinabi nito. Mabuti na lamang at siya ang uri ng gay na hindi halata at hindi pansin. Isipin pa lamang ay baka matanggal na agad siya dahil mukhang alergic sa bakla ang may-ari ng kumpanya.
Tumayo siya at sumunod dito palabas ng 0pisina. Iniikot siya nito sa buong building simula sa canteen sa ibaba hanggang sa lahat ng department. Ang tingin sa kaniya ng mga taong nadadaanan nila ay kakaiba, na para bang hindi siya tatagal sa posisyon at kumpanya sa hindi niya malaman na dahilan. Ilan naman sa mga ito ay nababasahan niya ng awa sa mga mukha. Para saan?para kanino? Sa kaniya? Bakit? Ang iba ay palihim na nag-bubulungan at ang iba naman ay lantaran tapos ay bahagyang tatawa. Aba naman ay hindi nahihiyang iparinig sa kaniya ang usapan ng mga ito.
"Tatagal kaya yan?" Wika ng isa.
"One and a half maniwala ka aalis ditto na umiiyak yan." Sabat ng isa sa bandang gitna.
"Three weeks! Mukhang hindi kayang tumagal eh!"
"One... week… paaalisin yan ni big boss, like the other one."
Hindi na niya inintindi ang pinag-uusapan ng mga ito kung gaano katagal siyang makatatagal sa kumpanya at agad na siyang sumunod sa sekretarya patungo kung saan niya kukunin ang mga papel na kailagan niyang pag-aralan tungkol sa kumpanya at sa posisyon niya. Pagkakuha ng mga kailangan ay muli silang sumakay paakyat sa fifth floor. Tuon ang atensyon niya sa mga report kung kaya naman hindi niya namalayan ang isang pigura na pinag-aaralan ang kabuuan niya. Natawag lamang ang atensyon niya nang pasara na ang pinto ng elevator.
At sa unang pag-kakataon ay nasilayan niya ang mukha ng isang Seth Rivas.
Ang matangos at magandang mga mata nito. Perpekto ang di kakapalan na kilay. Mataas na height at matipunong katawan.
Naiintindihan na niya ang dahilan ng takot ng iba dito.
Di lang dahil sa mga chismis kaya ito nakakatakot. Nakatatakot din ang aura nito at mga titig. Parang kumikilatis ng kaluluwa at buong pagkatao. Being a boss, siguro nga ay mahirap ang sitwasyon nito kaya ganoon ang ugali nito. Masama. Bumuntong hininga siya nang sumara ng tuluyan ang elevator. Nakakatakot ang aura ng bagong boss niya at natatabunan niyon ang kakisigan nito! Bumuntong hininga siyang muli at kinalimutan na lamang muna ang terror na boss niya at inintindi ang pagsisimula sa trabaho.
Matapos ang maghapon na briefing ay umuwi siyang pagod sa tinutuluyan.
Pagpasok pa lamang sa pintuan ay sinalubong na agad siya ng yakap ni Marisse na akala mo ay sampung taon silang hindi nagkita.
"Kamusta ang first day mo sa kumpanya ng kilalang terror?" Tanong agad nito matapos yumakap at humalik sa pisngi niya na siya naman pinahiran niya ng panyo. Alam ng mga ito na madiriin siya sa laway. Mahiyain siya at tahimik, hindi mangangatwiran kahit tama siya at hinahayaan lamang ang lahat na ipush siya.
"Okay lang naman. May natanggal nga eh, pagdating ko palang nagsesermon na agad ang big boss. Hindi ko manlang sya nameet!" Pagkukwento niya. Nakangiwi na lumapit naman si Dave at tinapik-tapik siya sa balikat.
"Okay lang yan, kaya mo 'yan. Kapag inagrabyado ka just tell us." Nakangiting wika nito. Ito talaga ang kuya nila dahil sa kahit anong sitwasyon ay hindi ka nito pababayaan, umulan man o bumagyo.
"Tama! Kaya kapag bumili ka ng polo dapat yung maganda!" Sabat ni Aliyah. Nakataas ang hintuturo nito at nakatikom ang iba na akala mo naman ay may naisip talaga ito na magandang ideya. Pero kahit na space-cialist pa ito ay mahal nila ito at nagpapaka ate ito sa kanilang lahat.
Kahit pa wala sa lugar ang mga banat nito.
Sabay-sabay silang bumuntong hininga dahil sa biglang pagsulpot nito. Naiintindihan nila ito dahil may hindi magandang experience ito na naging dahilan ng pagiging ganoon niya. Pero nakikita naman nila na mahal na mahal nito ang kuya-kuyahan nila kaya ayos na rin sa barkada.
"O s'ya at magpahinga ka na. Tatawagin ka namin kapag maghahapunan na." Itinulak na siya ni Dave dahil alam nilang mapupunta pa sa outside world ang usapan kapag hinayaan nila na mangaral si Aliyah na hindi naiintindihan kung nasaan siya. Nangingiti at iiling-iling na umakyat na lamang siya sa kwarto niya. Kinakabahan siya para bukas sa pagsisimula niya. Sa dami ng nadidinig niyang usapan kung bakit walang tumatagal sa sales department ay nag-aalangan na agad siya at nakakaisip na umurong na. Wala siyang tiwala sa sarili at bukod pa doon ay siya ang mapupush sa lahat ng trabaho. Sinabi ng sekretarya ng presidente na binansagan na cursed position ang posisyon niya dahil walang tumagal doon. Magkakaroon naman siya ng sariling sekretarya ngunit hindi niya alam kung bakit walang tumagal doon.
Nakatulog siya na dala ang pangamba para sa haharaping bagong trabaho sa kinabukasan at nasa balintataw ang makisig na mukha ng bagong amo.