Sebastian Rivas or Seth, only to his family. A well known businessan. Binansagan sa corporate world na Money Charmer and Midas only son. Chick Magnet sa mga bachelors na katulad niya at Ice man naman para sa mga taong nakakakita sa kaniya sa malayo. Magaling siya sa business at walang deals ang hindi niya naisara gamit ang matinik at very effective na paraan na kung minsan ay sinasamahan niya ng kaunting threat. Dahil sa taglay na galing, talino, yaman at itsura ay lapitin siya ng mga babae, babae na hindi niya binibigyan kahit kaunting pansin. Para sa kaniya ay sapat na si Margaret Wilson. Ang girlfriend niyang model sa Paris.
No.
Hindi niya ito girlfriend dahil mahal niya ito, girlfriend niya ito dahil sa image nito. They had an understanding. They had an agreement. Magkarelasyon lamang sila sa harap ng tao at camera na humahabol sa bawat kilos at galaw nila. Sa likod ng camera, tabloid at mga taong nakatingin sa kanila ay wala na silang pake sa isa't-isa. May kanya-kanya silang buhay as long as hindi iyon makakasira sa image ng bawat isa. Pagdating naman sa iba pang bagay ay wala na siyang pakielam. He is cold, and he didn't give a damn. Walang panahon sa ibang bagay kung hindi niya iyon mapakikinabangan. He is indifferent lalo na sa mga tao at bagay na wala naming kinalaman sa kaniya. Everything is okay to him.
Ang bagay na pinaka-ayaw lamang niya ay ang mga taong incompetent. Mga taong walang silbi sa paningin niya dahil hindi makuha ang simpleng instructions.
Gaya ngayon...
Dinig sa buong hallway ng fifteenth floor ang galit na sigaw ni Seth dahil sa pagkakamali ng isa sa mga tauhan niya. Hindi niya makuha kung paanong ang simpleng instructions niya ay hindi nito nakuha at ipinadala sa ibang tao ang mga produkto na para sa isang malaking mall na umorder niyon.
"ANG HINDI KO MAKUHA AY KUNG PAANO NAPUNTA SA IBANG MALL ANG MGA PABANGO NA DAPAT AY SA ASIAN MALL DADALAHIN! THAT WAS SO STUPID!" Gigil na sigaw ni Seth sa dalawang may kasalanan sa magkasunod na problema na dinulot ng pagkakamali ng deliver. Nakayuko naman ang iba pang tauhan na nagkataong nasa paligid at natatakot madamay sa gulo.
"Si-sir Seth…” nanginginig sa takot na singit ng kausap ni Seth. “Nalito po ako habang sinasabi ni Marissa sa'kin yung lugar, nagkamali po ako ng rinig, ano po maingay po kasi sa background n'ya at-" Hingdi naman naituloy ng tauhan ang sasabihin dahil sa galit na gumuhit sa mukha ng ceo.
Of course, si Marissa! ang empleyada na walang alam kundi ang magpacute sa ibang lalaking empleyado niya.
"I WANT MARISSA OUT OF MY COMPANY NOW! RIGHT NOW!" Sigaw ni Seth sa Secretary na naghihintay lamang sa isang gilid. Natatakot na madamay sa galit ng amo sa malaking problema na dulot ng empleyada na nagkamali ng bigay ng instruction.
Iyan si Seth. Walang pakielam sa mga tao sa paligid niya. Marami ang nagsasabi na siya walang puso, mayabang, mapagmataas at demonyo kapag nakatalikod siya. Lingid sa kaalaman nila ay alam niya ang lahat ng sinasabi ng mga ito sa kaniya. He just simply didn't care. How could he? kung wala naman siyang napapala sa mga ito maliban sa pagtatrabaho nila sa kan'ya. No, sa paniniwala niya ay siya ang tumutulong sa mga ito dahil pinasasahod niya ang mga ito at ang sahod na iyon ang bumubuhay sa mga ito. Hindi siya ang may kailangan sa mga ito kundi sila ang may kailangan sa kaniya. Sa kumpanya niya at sap era niya na sinasahod nila.
"Get out of my sight, ayoko nang maulit pa ‘to dahil tatanggalin ko kayo kahit pa hindi kayo ang may kasalanan, now leave!" Mariing sigaw ni Seth.
Isang tao lamang ang nakakapagpakalma sa kaniya. Isang tao lamang ang pinahahalagahan niya. Nag-iisang tao na totoong may pakielam sa kaniya at hindi siya gagamitin lamang, hindi siya iiwan, hindi rin sasaktan. Iyon ay si Serjo Rivas o Sei, ang thirteen years old na nakababatang kapatid niya. Maaga silang naulila sa magulang kaya sixteen pa lamang siya ay pinilit na niyang mamaintain ang naiwang negosyo ng magulang niya upang hindi mawala sa kaniya ang karapatan sa pangangalaga sa kapatid. Pinilit niyang magmature at the age of fifteen at pinamahalaan ang kumpanya at the age of sixteen. Dahil likas na matalino ay agad niyang natutunan at namaster ang pagpapatakbo ng negosyo. He almost, almost failed, almost lose everything sa isang maling desisyon. Naloko siya ng isa sa mga kumpanya na medyo malaki ang shares sa negosyo nila. That day, pinilit niyang magmature, maging matigas, matatag, matalino at mapride. Noong panahon na pati ang kapatid ay muntik mawala sa kaniya. Isinugal niya sa isang bagsak ang lahat-lahat at ang resulta ay ang kilalang pabango na Eternal. Ngunit kapalit ng tagumpay ay ang pagkawala ng totoong siya, ang siya na hindi na niya kilala at hindi na makababalik pa.
From Seb the romantic, charming, funny teen to the cold, calculating, devil may care attitude Seth Rivas.
Seb died the day he almost lose his company the same day they almost took his beloved months old baby brother away.
Now he's twenty nine and he has everthing. Nabibili ang gusto at naiispoil ang nakababatang kapatid. Ang problema lang ay wala siyang nais bilihin para sa sarili. Lahat ay para sa kapatid lamang.
"Sir..." Ang nag-aalangan na boses na pumutol sa pagmumuni-muni ni Seth.
"What?!" Paangil na sagot niya. Takot na sumagot naman ang kaniyang secretarya na kanina pa iniisip kung tamang oras ba iyon para ipakilala ang tinagurian ng lahat na “The New Guy”.
"Na-nariyan na po si Ferio Guevarra sir, yung bagong empleyado." Puno ng kaba na sagot ng sekretarya.
"Then what are you doing here? Show him around! Tell him his job! o baka ako ang kailangan gumawa no'n?" Sarkastikong sagot naman niya. Yumuko ito at humingi ng panumanhin saka sinunod ang kaniyang utos. Napasapo na lamang siya sa noo dahil sa kahangalan ng mga tauhan niya. Kailangan na lagi mo'ng idinidikdik sa utak ng mga ito ang dapat gawin. Hindi marunong gumawa ng desisyon sa sarili lamang nila at kailangan na lagi pa niyang babantayan ang bawat kilos.
Tumingin siya sa orasan at napansin na malapit na ang lunch at kailangan na niyang pumunta sa lunch meeting na hindi maaring hindi niya puntahan.
Kung sana ay may isa manlang sa mga tauhan niya ang may kakayahan na magdesisyon kahit wala siya. He badly needed a very competent people who can do their job without him drilling what to do and what not to do on their jobs. Sa problemang kailangan niyang lutasin ay hindi na naman siya makakauwi nang maaga para sa kapatid na si Sei.
Dinampot niya ang maleta at kinuha ang cellphone sa bulsa upang tawagan si Sei at maipa-alam dito na hindi siya makaka-uwi ng maaga. Hawak ang cellphone sa kanang kamay at maleta sa kabila ay lumabas na siya ng kwarto.
Palapit pa lamang siya sa elevator nang bumukas iyon at iluwal ang secretary niya kasunod ang isang lalaki. Tutok ang atensyon ng mga ito sa papel na binabasa at hindi siya napansin. Pinag-aralan niya ang pigura ng bagong empleyado. Mukhang ayos naman ito sa pananamit dahil presentable ang suot nito. Hindi pa niya masabi sa mukha dahil nakatungo ang mga ito. Hanggang sa makalampas ay hindi niya nasilayan kung ang itsura ba nito ay mapagkakatiwalaan o hindi.
Well, makikita na lamang niya sa mga susunod na araw. Sana lamang ay hindi katulad ng mga walang silbing empleyado niya ito. Sana ay kahit papano ay maiba at mabago ang tingn niya sa mga empleyado.
Hanggang hiling na lamang ang magagawa niya.
Pasara na ang pintuan ng elevator nang mag-angat ng ulo ang lalaki at humarap sa likuran nito, sa gawi niya, at nagtama ang kanilang mga paningin. Kumabog ang dibdib niya sa hindi malamang dahilan. Parang gustong kumawala niyon sa kaniyang dibdib.
Ano ang nangyayari? May sakit ba siya sa puso? O hinihika siya?
Hanggang sa tuluyang sumara ang pintuan ay magkahinang ang kanilang mga mata.