Sa ilang hakbang lang ay nasa harap na ni Ferio ang amo na si Seth at nakatitig sa mukha niya habang hindi naman siya mapakali at di malaman kung saan siya susuot upang makalabas ng kwarto. Todo ang yuko ni Ferio upang hindi makaharap ang mukha ng istriktong amo na pinaglihi na yata sa sama ng loob. Nakataas naman ang kilay ni Seth habang nakatitig sa kaniya at hindi niya malaman kung bakit ba ito nagagalit sa kaniya. Nilingon nito ang mga sales report na nasa likuran niya saka bumalik sa kaniyang mukha na pakiramdam niya ay nawalan na yata ng kulay! Agad siyang nagyuko ng ulo upang hindi makita ang galit na mukha nito. "Will you look at me Guevarra?!" Matigas na utos ni Seth. Agad naman na nagtaas ng ulo si Ryo at tumitig sa mata ni Seth dahil sa matinding pagkagulat. Iniisip kung ditto

