Katatapos lamang tawagan ni Seth ang kaniyang driver upang ipaalam dito na paalis na siya. Sa tabi niya naman ay ang tulala parin na si Ryo na mukhang tinakasan na ng katinuan. Hinayaan naman niya ito na iprocess muna ng utak nito ang nangyayari habang siya naman ay natutuwa sa itsura nito. Gustong gusto niya kapag natataranta ito dahil sa kaniya. Kapag pinagpapawisan at natutulala, ninenerbiyos at hindi makahinga dahil sa kaniya. Gusto niyang ipagmayabang sa lahat na siya ang dahilan niyon. Na may epekto siya dito sa simpleng pagkakalapit lamang nila. Sabihin na nating, mayabang talaga siya pero may ipagyayabang naman talaga siya. Bukod sa pera at sa itsura, ngayon ay s*x appeal na alam niyang magagamit niya upang iseduce ang kaniyang sales manager. "Ihahatid na kita." Pagkasabi niyon a

