Awkward. Yan ang nararamdaman ng lahat sa harap ni Seth Rivas. The Young Business Tycoon na sumalo na yata ng lahat nang kakisigan noong magpasabog ang diyos. Alam ni Ryo na nakasalo siya niyon ngunit nakatago lamang sa makapal na salamin at korny at boring niyang fashion. Hindi kasi siya mahilig pumorma at kahit nasa ibang bansa ang pamilya ay hindi naman sila nag-uusap ng mga ito. Hindi siya kasing porma ni Seth. And speaking of Seth. Nagpaalam ito sa mga kaibigan na manliligaw sa kaniya kaya tahimik ang lahat. Naiilang at hindi malaman ang isasagot sa harap ni Seth Rivas. Hindi malaman ni Dave kung papayag ba siya o hindi. Hindi alam ni Marrise kung ang kilalang Seth nga ba ang nasa harap niya o hindi. Hindi alam ni Joey kung nasira na ang ulo si Seth dahil sa yaman nito o ano. Pero

