THE COMPANY OUTING PART 2

1915 Words

Nakatunganga lang si Seth sa terrace at nakatingin sa mapayapang dagat. Taliwas niyon ang nararamdaman niya ngayon dahil sa unang araw nila sa isla ay dissapointment ang nadama niya. Bakit? Lahat ng pang-aakit at pagpapacute niya ay iniwasan ni Ryo. Kundi ito biglang tatalikod ay hindi naman siya nito titignan. Naghubad na siya at nagtapis ng napakanipis na tuwalya ngunit balewala parin. Kulang na lang ay maghubad siya sa harap nito at magsexy dance. Konti na lang at iisipin na niyang straight si Ryo. Biglang may nagclick sa utak niya at agad na kinuha ang cellphone sa bulsa. Nagdial at matapos ang ilang ring ay kausap na niya ang pakay. 'Yes Seth? Naka ilan ka?' Halata ang tuwa sa boses ni Jayson ng sabihin iyon. Excited na malaman ang tinatawag niyang mission impossible. "Blue balls."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD