Nakita ni Rocky si Drei na may hawak na cookies at inaabot niya kay sanha pero hindi ito pinansin ni Sanha at tuloy tuloy lamang sa paglalakad kasama ang mga kaibigan nito, ikwinento naman to agad ni Rocky kay Mj at sinabing ikwento din ito ni Rocky sa group chat nilang apat nila Jinjin, Mj at Eunwoo.
Nagtext naman agad si Rocky sa group chat nila at sinabi ang nakita niya, kwinento niya ang mga nangyari sinabi niya na habang naglalakad siya ay nakita niya si Drei sa university at may hawak hawak na cookies si Drei biniro niya pa daw ito na kung para sa kaniya daw ba ang cookies na dala nito at tumawa naman si Drei sa kaniya at sinabing hindi para kay Rocky ang cookies na dala nito sakto naman daw na dumaan si Sanha kasama ang mga kaibigan nito tapos bigla daw tinawag ni Drei si Sanha at may malaking ngiti sa mukha kasi iaabot na sana niya ang cookies na dala nito pero hindi siya pinansin ni Sanha.
Sinabi naman ni Jinjin na baka hindi lang narinig ni Sanha si Drei at sumang ayon naman si Mj dito at sinabi niya na may pagka bingi din kasi minsan si Sanha, sinabi naman ni Rocky na hindi daw kasi tumingin si Sanha kay Drei. Grabe daw ang lungkot ni Drei kaya naman sinamahan ito ni Rocky pumunta sa milktea shop, tinanong naman ni Jinjin kung gusto ba nito na magpasundo at sinabi naman ni Rocky na siya nalang ang bahala kay Drei at sasabayan niya nalang si Drei pauwi, pumayag naman si Jinjin at sinabing mag ingat ang dalawa sa pag uwi.
Sumingit naman si Eunwoo at sinabi niya na meron din daw siyang gustong sabihin at ikwento, tinanong naman nila kung ano ang sasabihin nito. Sinabi ni Eunwoo sa tatlo na si Jinjin, Mj at Rocky na umamin na si Bin sakanya na may gusto si Bin kay Drei, nagulat naman ang tatlo at sinabi ni Rocky na ang strong at tapang ni Bin. Dagdag pa ni Eunwoo ay sinabi din ni Bin na hindi nito alam ang gagawin hindi nito alam kung dapat ba niya ipaglaban yung feelings niya, kasi alam daw ni Bin na may gusto si Sanha kay Drei, dahil nakita daw ni Bin si Sanha na nagiwan ng pagkain sa tapat ng kwarto ni Drei, kaya naman sabi ni eunwoo sa tatlo “natandaan niyo yun ung nagtanong satin si Drei kung sino ung nagbigay ng mcdo sa kaniya si Sanha pala yun” eunwoo continue.
Sinabi pa ni Bin sakin na doon palang ay alam niya na agad na may gusto si Sanha kay Drei.
Sumingit naman si Mj at sinabing nakakalungot bigla ang mga ganap nila sa bahay at sinabing may gusto talaga si Sanha at Bin sa iisang babae, nagtanong naman si Jinjin kung ano ang dapat nilang gawin para sa tatlo. Sinabi naman ni Eunwoo na hayaan na muna ang tatlo, nag alala naman si Jinjin at sinabing paano kung mag away away sila. Sinabi naman ni Eunwoo na the fact na nagdadalawang isip si Bin para sa feelings niya kay Drei ay nakikita at nararamdaman ni Eunwoo na mas pinapahalagahan ni Bin ang pagkakaibigan nila ni Sanha.
Nagbiro naman si Mj at sinabing “Me wondering kung bakit kailangan nila na magkagusto sa iisang tao tapos sakin walang nagkakagusto ano na.” -Mj said at nagtawanan naman ang apat sa chat dahil sa sinabi ni Mj.
Sinabi naman ni Eunwoo na ang lungkot ng k-drama which is pertaining sa tatlo na si Sanha Drei at Bin.
Sinabi naman ni Rocky na umiiyak na si Drei sa milktea shop at sinabing “Putek ka sanha bat ka ba kasi nagpapaiyak” saad ni Rocky
Si jinjin naman ay nagaalala sa mga nangyayari at sa mga pwedeng mangyari pa.
Drei’s POV:
Nag ayos pa naman ako nag handa ako pinaghandaan ko tong araw na to, nagbake ako ng cookies para sayo, ginamit ko ung pinaka favorite na liptint ko para sayo tapos hindi mo man lang ako pinansin, okay naman tayo ha masaya naman tayo pero bakit biglang nagbago, biglang nagiba ang ihip ng hangin may problema ba tayo? May nagawa ba ako para iwasan mo ako?
Sanha’s POV
Masakit para saakin na gawin yon pero kailangan e, kailangan ko tong gawin mas makakabuti saatin to, alam ko na kung bakit ganon nalang ang mga nangyayari these past few days, importante saakin ang naging samahan namen. Sorry Drei Thing are better off this way. Im sorry.
Nakita naman ni Bin si Drei at nagtaka ito bakit ganun ang mga mata ng dalaga kaya naman napa tanong ito sa sarili niya na kung bakit malungkot si Drei ng umuwi ito.
Nagpasalamat naman si Drei agad kay Rocky dahil sinamahan siya nito, nagtanong naman si Rocky kung okay na ba ang dalaga at sinabi niya rin na magpahinga na ito. Nagaalala naman si Rocky kay Drei kaya naman tinanong nito kung sasabay ba ito kakain sakanila na mag hapunan.
Tumanggi naman si Drei at sinabing hindi siya kakain dahil wala daw itong gana.
Nagtanong naman si Rocky kung ano ba ang nangyari sa kanila ni Sanha kung bakit hindi ito pinansin ni Sanha kanina. Sinagot naman siya ni Drei at hindi din daw alam ni drei ang dahilan dagdag pa ng dalaga ay ganon na si Sanha sakaniya pag tapos siyang maturuan ni Sanha mag gitara nung isang araw pa. At bigla nalang daw ito naging cold sakaniya.
Nagtanong naman ulit si Rocky kung bakit pero sinabi ni Drei na wala daw siyang idea at hindi niya talaga alam ang rason. Sinabi naman ni Rocky kung sinubukan na ba ni Drei na kausapin si Sanha patungkol doon at sinabi ni Drei na hindi siya nirereplyan ni Sanha. Kaya naman nagtaka si Rocky dahil alam niya na hindi ganon si Sanha kaya napatanong si Rocky kung ano ang problema ni Sanha.
Dahil hindi mapakali si Drei ay sinabi niya kay Rocky na itanong kay Sanha kung ano ang problema nito at bakit siya iniiwasan nito hindi alam ni Drei kung may nasabi ba siya o may nagawa ba siyang mali kay Sanha.
Pumayag naman si Rocky sa pakiusap ng dalaga at sinabing babalitaan ito agad kapag ka may nalaman siya agad nagpasalamat naman si Drei kay Rocky at sinabi ni Rocky na walang anuman dahil prinsesa nila si Drei kaya naman handa niya itong tulungan para hindi na magisip isip ng kung ano ano pa.
Natouch naman si Drei at napaluha sa sinabi ni Rocky sa kaniya na handa siya nitong tulungan dahil prinsesa nila si Drei sa bahay nila at halata naman sa anim na lalaki na napa mahal na sakanila si Drei lalo na ang mga kuya niya dahil grabe kung alagaan siya ng mga ito.
Anong oras na pero hindi pa din umuuwi si Sanha kaya naman inutusan ni Jinjin si Rocky na itext si Sanha kung anong oras nito balak umuwi. Kaya naman agad na sumunod si Rocky sa utos ni Jinjin at tinext si Sanha.
“Hoy Sanhaa, ano oras mo daw balak umuwi sabi ni Kuya jinjin.” Tanong ni Rocky.
“Hindi ko alam baka sobrang late na.” – sagot naman ni Sanha
“Bakit?” – tanong naman ni rocky.
“May gig ako e tas iinom na din.” Sanha said
“Awow ha nagiinom ng di nag aaya tama ba yon Sanha?” tanong ni Rocky , “Sanha Bakit ha” Rocky continue.
“Anong bakit? Wala lang post celebration nadin ng block namin kasi tapos na finals tas nalaman na din namin ung mga scores namin kanina.” Sagot ni Sanha dito.
“Hindi yon Sanha, bakit hindi mo pinansin si Drei kanina.” Tanong ni Rocky
“ Ah wala nagmamadali kasi ako HAHAHAHAHA” sagot naman ni Sanha
“Weh ulol sanha wag ako lokohin mo.” – sagot naman ni Rocky na hindi naniwala sa rason ni Sanha.
“Onga kulit mo.” -sagot naman ni Sanha dito.
“Sige nga text mo nga siya kung wala talaga kayong problema” pamimilit ni Rocky.
“Oo nga itetext ko naman talaga siya e, sige na kita nalang tayo sa bahay mamaya” -sagot ni Sanha.
Nagtext naman talaga si Sanha kay Drei, at sa hindi inaasahan ay halos sabay silang nagtext sa isat isa. Kaya naman sinabi ni Sanha na mauna na si Drei sa sasabihin nito dahil ladiest first daw, sinabi naman ni Drei na may sasabihin lang siya at tinanong ni Drei kung bakit nag text si Sanha sa kaniya at sinabi ni Sanha na may sasabihin lang din daw siya at pinauna niya na si Drei.
Kabado si Drei dahil hindi niya alam ang mga pwedeng mangyari pag nasabi niya na ang sasabihin niya, kaya naman sinabi niya na after ng pag uusap nila ni Sanha ay bahala na pero gusto niya lamang daw sabihin na Gusto niya si Sanha. Hindi lang gusto dahil gustong gusto niya daw ang binata sinabi naman ni Drei na ayun dapat ang sasabihin niya kanina pa kaso naman ay nilagpasan lamang siya kanina ni Sanha.
Hindi naman alam ni Sanha ang gagawin niya, alam niyang masaya siya dahil gusto din siya ni Drei, pero iniisip niya padin ang kaibigan niya na si Bin. Habang si Drei ay kinakabahan dahil hindi niya alam kung ano na ang mangyayari pagtapos ng paguusap nila ni Sanha.
Sumagot naman si Sanha at sinabi kay Drei na pasensya na kung hindi siya kinausap nito kanina, at gusto lang daw sabihin ni Sanha kay Drei na above 90 ang nakuha nitong scores sa finals exam nila. Kaya naman sinabi ni Sanha na pwede na siya mag wish kay Drei.
Nagulat naman si Drei dahil naalala pa ni Sanha ang wish thingy na usapan nila matagal na kaya naman kinilig si Drei, at sinabing ang precious ni Sanha at bakit ganoon si Sanha. Mas lalo siyang nahuhulog dito.
Kaya naman sinabi ni Drei kay Sanha na “Hala naalala mo pa yon” saad ni Drei at sinabi ni Sanha na oo naman daw at nagtanong ito na kung tutuparin ba nito ang wish ng binata at sinabi ni Drei na tutuparin niya at proud daw siya kay Sanha dahil pasado ito at mataas ang scores nito at sinabi niya rin na gusto niya daw yakapin ang binata.
Deep inside ay gusto din ni Sanha na yakapin si Drei pero may bumabagabag sakaniya kaya naman kahit masakit para sa kaniya ay gagawin niya pa din ang naisip niya dahil ito daw ang mas makakabuti para sa kanila.
Sasabihin na ni Sanha ang hiling nito sa dalaga, at sinabi nito na kung maari daw ba ay ag nalang siya gustuhin ni Drei at nakiusap ito na itigil na ang nararamdaman ni Drei para sa kaniya, at sinabi ni Sanha na wag na siya ang gustuhin ni Drei dahil hindi naman daw niya gusto si Drei.
Nabasa naman yun ni Drei at nasaktan siya pero kinimkim niya nalang at magpanggap na malakas at kaya niya kinabukasan kahit na sobrang nasaktan siya.
Sinabi naman agad ni Drei ang mga nangyari kay Cenia kaya naman agad niyang tinext si Cenia para ikwento lahat.
“Cenia hindi niya ako gusto, sabi sayo e hahahaha. Pero okay lang naman diba tuloy pa rin ang laban, laban lang alaxan ganon, diba nga sabi ni Mcdo tuloy parin ang buhay. Di naman masyadong masakit Cenia, di ako affected promise, parang mga kagat lang ng dinosaur ganon. Kaso lang ang hirap cenia nasa iisang bubong lang kami pano ba yon anong gagawin ko. Gising ako bukas tapos kunyare wala lang nangyari ganon? Tama ba yon paano ba cenia hahahahahah” kwento ni Drei kay cenia na pinipigil na mapa iyak.
“Hoy halaa sapakin ko yan e” malungkot at nagaalala na sagot ni Cenia
“Hindi okay lang cenia ano ka ba, di naman dapat lagi nating ieexpect na gugustuhin din tayo ng mga taong gusto natin e tama naman diba Cenia hindi naman porket gusto mo ung isang tao ay dapat gustuhin ka na din niya pabalik.” Malungkot na reply ni Drei.
“Andrea naman e…” -sagot ni Cenia.
Nagreply naman na si Drei kay Sanha at tinanong kung ito ba talaga ang hiling ng binata sakaniya at sinabi naman ni Sanha na oo at humingi ito ng pasensya kay Drei, sinabi naman ni Drei na bakit ito nag sosorry, sinabi naman ni Sanha na wala lang at madami pa naman daw na iba diyan na nagkakagusto kay Drei at marami din na iba na mas bagay kay Drei at sinabi din ni Sanha kay Drei na bagay si Drei at Bin. Sinagot naman siya ni Drei sa sinabi ni Sanha sakaniya na bagay si Drei at Bin, “Kahit naman na bagay kami e kung hindi ko naman siya gusto wala rin” sagot ni Drei nagtanong naman si Drei kay Sanha kung hindi ba talaga niya nagustuhan si Drei kahit konti lang. sinabi naman ni Sanha na gusto niya si Drei kaso bilang kaibigan lang. sinagot naman siya ng fake laugh ni Drei at sinabing naiintindihan niya si Sanha at nakiusap na kalimutan nalang ang mga sinabi ni Drei sa kaniya. Pumayag naman si Sanha dito at sabay nag good night kay Drei na para bang walang nangyari, ganoon din naman si Drei kay Sanha.
Sanha’s POV:
Oo tangina ako na sinungaling, Hindi kita gusto Drei kasi alam mo kung bakit? Dahil mahal kita drei mahal na mahal kita. Pero anong magagawa ko drei gusto ka din ng kaibigan ko ang hirap drei ayokong masira pagkakaibigan namin kaya kinailangan ko tong gawin. Sobrang sakit para saakin. Hindi ko kasi kayang makita yung sarili ko na masaya tapos knowing na nasasaktan ko si kuya Bin at the same time ayoko masakit para sa akin.
Nag text naman agad si Drei kay Bin at nagpapasama ito pero tinanong niya muna kung busy ba ito at kung hindi naman ay kung maari ba siyang samahan nito dahil broken hearted daw siya at kailangan niya ng kadamay dahil hindi daw siya gusto ni Sanha.
“Isang tawag mo lang tatakbo agad ako papunta sayo”, bulong ni Bin sa sarili niya. “Kahit na ako ung dahilan kung bakit ka malungkot ngayon. Kahit na yung dahilan kung bakit ka malungkot ay yung totoong kailangan mo at hindi ako yon”. Dagdag ni Bin.
Dahil sa pag-iwas ni Sanha kay Drei ay lagi naman magkasama ang dalawa na si Bin at Drei lagi nitong dinadamayan ang dalaga dahil walang araw na hindi ito nalulungkot dahil sa pag iwas sakanya ni Sanha. Si Bin ang naging crying shoulder niya kay Bin niya sinasabi ang lahat ng nararamdaman niya, si Bin narin ang parang nagiging coping mechanism nito lagi sila magkasama, nagbobonding para maka iwas man lang ng konti sa lungkot na nadadama niya.
(Saturday Evening)
Pumunta si Drei sa school at may dadaanan lang daw ito nagpaalam at nagsabi din naman ito agad sa anim at sinabi ni Eunwoo na magpaasundo nalang ito at pumayag naman si Drei iwas si Sanha kay Drei kaya naman si Bin ang magsusundo sa kaniya sa university.
Now or Never ang desisyon ni Bin kaya naman nakapagisip na ito na ayun na ang tamang panahon at oras para sabihin niya ang nararamdaman niya para kay Drei kahit na alam niya na si Sanha ang gsto ni Drei.
Pero dahil sa iwas si Sanha kay Drei ay para bang may pag asa siyang nararamdaman para kay Drei dahil lagi sila magkasama at mas naging close pa sila simula nung pag iwas na ginawa ni Sanha kay Drei
Moonbin's Pov:
( At the car)
Susunduin ko ngayon si Drei sa school. Tatlong minuto na lang at malapit na ako sa kanya. Kailangan ko nang magtapat ngayon kay Drei, wala na akong nakikitang ibang panahon magtapat sa kanya kundi ngayon langbago mahuli ang lahat. Nakangiti niyang sinabi.
Andito na ako sa tapat nang school, nakita ko si Drei na papalapit sa akin, agad kong inayos ang aking buhok at damit.
Bin, andito kana pala, tara na. Sambit ni Drei, ngunit agad na hinawakan ni Bin ang mga kamay niya,
Drei pakinggan mo ako ngayon, kailangan ko na itong sabihin sa iyo. Tumingin si Drei sa kanyang mga mata, ngunit nang magsasalita na si Bin, biglang may tumawag kay Drei.
Sandali lang Bin, sagutin ko lang. Ano?! Sige, asan ka? Sambit ni Drei sa kanyang kausap sa telepono. Papunta na ako. Binaba na niya ang tawag, Bin pasensya na kailangan ako ni Sanha ngayon kasi naglasing siya, mag isa lang siya. Nang paalis na siya, biglang hinatak ni Bin ang kanyang braso.
Pero binitawan niya din ito agad dahil importante sakaniya si Sanha at ang kasiyahan ni Drei ayaw niya maging kontrabida sa kwento ng dalawa pero nagaalala siya kung ano ang nangyari kay sanha bakit siya naglasing bakit niya ginawa yun dahil ba saakin dahil lagi kami magkasama ni Drei, nagseselos ba siya. Ngayon alam ko na mas pinahalagahan ako ni Sanha kaysa kay Drei kaya mas pinili niya ako kaya mas pinili niya na iwasan si Drei. Ginusto ni Sanha na mas maging malapit kami ni Drei sa isat isa.
Matagal na tayo magkasama at magkaibigan Sanha makakahanap ako ng para saakin kaya wag ka magalala sana wag mo na ulitin to Sanha pag nasabi ko na kay Drei at naka amin na ako hahayaan ko na kayong dalawa at pagsasabihan kitang bata ka masasapak talaga kita dahil sa kabobohan mo pumili ng desisyon sa buhay bata ka talaga hay nako.
Nakarating na si Drei kung nasaan si Sanha at nakita niya na lasing na lasing ito pero sabi ni Bin na kailangan niya na umamin kailangan niya na sabihin ang nararamdaman niya para makawala na siya at masimulan na ang kwento ni Drei at Sanha at hindi siya magiging kontrabida dito.
Sumakay siya sa kanyang sasakyan, ngayon pa ba kita susukuan? Nagdesisyon siya sundan si Drei, nalaman niya kung saan ito papunta dahil nakita niya sa group chat nila kung naroon si Sanha. Nang makarating na siya kung nasaan sina Drei at Sanha, natanaw niya ang dalawa sa loob nang Resto Bar, nakita niyang alalang alala si Drei, nakita niya kung paano tignan ni Drei si Sanha, doon pa lang alam niyang talo na siya dahil hindi siya ganito tignan ni Drei. Gusto niyang lumapit ngunit puso na niya ang nagsasabing, tama na. Kaya minabuti niyang hindi na magpakita.
Bin’s POV:
Siguro hindi pa ito ang tamang oras at panahon tadhana ang gumagawa ng desisyon para saakin susunod na lamang ako uli sa ikot ng mundo at sa takbo ng tadhana magaantay ako ulit ng tamang oras at panahon para tuluyang makawala sayo Drei, hindi ko na mamadaliin at pipilitin sasabay ako sa takbo ng tadhana.
hanggang ngayon ba si Sanha pa rin! Siya pa rin ang pinipili mo? Andito ako! Salita ni Bin na may halong selos at kalungkutan sa kanyang mga boses. Drei, Please Don't go, I need you. Ikaw lang yung babaeng hinayaan ko makapasok sa walls na binuo ko sa sarili ko sayo lang ako nagka ganito kailangan kita Drei pero siya ang kailangan mo gusto kita pero siya ang gusto mo oo tanggap ko na at ayoko maging kontrabida paulit ulit ko tong sinasabi ayoko maging kontrabida sainyo dahil parehas kayo mahalaga sakin gusto ko ay maging masaya kayo parehas pero habang wala pa siya ako muna ang bahala sa iyo sana magkaayos na kayo sana magkausap na kayo
Drei’s POV:
Habang nagmamadali ako na tumakbo at humanap ng sasakyan para papunta kung nasaan man si Sanha na Bar ay napabulong ako sa sarili ko dahil ilang beses ko na nagawa to kay Bin at parehas ang scenario laging lasing si Sanha naglalasing siya. Nakokonsesnsya na ako sa dami ng nagawa mo para saakin Bin lagi kitang naiiwan para kay Sanha alam kong naiintindihan mo naman ako dahil ikaw ang napapagsabihan ko nagpapasalamat ako na palaging andiyan ka sa tabi ko, Pero kailangan ako ni Sanha ngayon, pasensya kana. Laking pasasalamat ko nung naging kaibigan kita di ko rin to inakala na magiging close tayo kasi ang sungit mo noon parang gusto mo palagi manakit.
(At the Bar)
Masakit pa rin kay Moonbin ang mga nangyari, pakiramdam niya sa mga oras na ito parang durog ang kanyang puso. Kaya siya ay nagpakalunod sa kalasingan para nang sagayon malimutan niya si Drei, pero sa tuwing ipipikit niya ang mga mata niya puro si Drei ang nakikita at naiisip niya.
Hannah’s POV:
Andito kami ngayon nang mga pinsan ko sa Bar para mag celebrate nang birthday nang pinsan ko, pero sa kabilang banda parang may natatanaw akong lalaki, parang kilala ko ito. Kaya agad ko itong nilapitan, agad nakita ko si Bin na halos bumagsak na sa kanyang kinauupuan sa sobrang kalasingan, ang dami na niyang nainom.
Bin, Bin gising! Tinatapik niya ang mukha nito, Bin may kasama ka ba? Ang dami mo nang nainom, Bin. – dagdag ni Hannah
Mmm... Wala, ako lang mag isa. Please leave me alone. Sagot ni Bin na sobrang lasing na.
Hindi iuuwi nakita, delikado ang panahon ngayon, lalo na mag isa ka. Baka magdrive ka pa pauwi baka maaksidente ka. Akin na ang susi nang kotse mo. Pagmamadali ni Hannah.
I don't need your help! Go away! Galit na sagot ni Bin.
Hindi uuwi na tayo pagmamatigas ni Hannah at binuhat niyang pilit si Bin inilagay niya ang mga braso nito sa kanyang mga balikat at inalalayan niya kahit na ito ay mabigat sinikap niyang masakay si Bin sa kotse. Bin uuwi na tayo okay? Makisama kana please. Pakikiusap ni Hannah.
Ayaw kong umuwi, ayoko pa... Please ayaw kong umuwi, gusto ko munang mapag isa. Pakiusap ni Bin,
sige hindi muna kita iuuwi. Nakatulog sa byahe si Bin.
Nang magising siya nakita niyang kasama niya si Cenia na nagdrive.
Saan tayo pupunta? Tanong ni Bin,
diba sabi mo ayaw mo pang umuwi, dadalhin kita sa park na lagi kong pinupuntahan kapag gusto ko rin mapag isa. – Sambit ni Hannah
Sila ay bumaba sa sasakyan ni Bin, agad inalalayan ni Hannah si Bin sa paglalakad dahil pa ekis, ekis parin ang lakad nito.
Dito Bin, upo tayo, -Saad ni Hannah at sila ay umupo katabi nang isang magandang puno.
Bin tignan mo ang ganda dito, tahimik at tanaw mo ang napakaraming ilaw, galing sa mga building. Bumaling ang paningin ni Hannah kay Bin,
pwede ko bang malaman kung bakit ka naglasing? – Tanong ni Hannah
Wala, gusto ko lang sagot ni Bin.
Talaga ba? Bakit parang iba hindi naman iyon ang gustong iparating nang mga mata mo. Bin huwag kang matakot na ipakita kung nasasaktan ka ngayon... Tinignan ni Bin si Hannah,
Bin pwede ka magsalita, makikinig lang ako, at walang halong panghuhusga para lang akong hangin promise, nakangiting sambit ni Cenia kay Bin.
Nagumpisang magsalita si Bin kahit na siya ay lasing. Alam mo ba iyong pakiramdam na gusto mo lagi kang nasa tabi niya, kaya lang siya itong papalayo sa iyo. Alam mo ba iyong pakiramdam na para akong nauubos ngayon sa sakit sa tuwing naiisip ko sana ako na lang, ako naman ang makita niya. Alam mo ba ang pakiramdam na hinahawakan mo pa ang isang bagay na alam mo naman hindi ikaw ang kailangan niya, at hindi mo siya kayang pasiyahin kasi sa iba niya nakikita ang saya. Ganoon ang nararamdaman ko ngayon, lahat ginawa ko kahit sa malayo, kahit mahirap pinilit ko siyang mahalin, pahalagahan..
(Flashback)
Bin's Pov:
Nagising na ako nang maaga nang makarinig ako nang ingay sa kusina, pumunta ako dito, at nakita kong nagluluto si Drei nang almusal, kaya lang mukhang napaso siya. Agad ako bumalik sa kwarto para hanapin ang ointment ko para sa mga paso. Iaabot ko ba ito sa kanya? nahihiya ako, alam ko na iiwan ko na lang ito sa lamesa makikita niya naman ito. Agad nakahanap nang tiempo si Bin ilagay ang gamot sa lamesa dahil nakatalikod si Drei, dali dali siyang bumalik sa kanyang kwarto. Bakit hindi kasi siya nag iingat eh, sana nakita na niya ang gamot. O bin aga mo nagising bati ni Eunwoo, ah hindi nag banyo lang ako. Okay, sge Bin labas na ako.
Nako hindi nakapag dinner kagabi si Drei, malamang gutom na iyon pag gising niya, gawan ko kaya nang Breakfast? Ay huwag na baka mahalata ako, ilalagay ko na lang ito sa baunan niya. Pagtapos ni Bin magluto, agad niya itong inilagay sa baunan ni Drei, dito ko na lang ilalagay ito sa sofa, Sana makita niya ito. Nakangiting sambit ni Bin. Papasok na rin ako sa School.
( Sanha! Tignan mo lunch bag ito ni Drei, may laman ang baunan niya, malamang nalimutan niya ito sa pagmamadali niya kanina. O sige na dalhin na rin natin. Pagmamadaling sagot ni Sanha. At daling lumabas na nang bahay sina Sanha at Rocky)
Nakita kong gumagawa si Drei nang kanyang mga homeworks. Kaya hindi muna ako matutulog mas gusto ko siyang bantayan, kahit andito lang ako sa kwarto, bubuksan ko ng konti ang pinto para maririnig ko siya kung ano man ang mangyari.
Nakita ni Bin na pababa din si Sanha at agad naman niya itong sinilip at nakita ni Bin na kumuha lamang ng tubig si Sanha at nakita ni Bin na lumapit si Sanha at kinuha ang mga libro ni Drei napansin niya din na para bang sinasagutan ni Sanha ang mga nakatulugang gawain ni Drei pero sumakit ang tiyan ni Sanha kaya naman pumunta muna ito sa banyo. At agad naman na nagtago at bumalik muna ulit si Bin sa kwarto nil ani Eunwoo para hindi siya makita ni Sanha.
Makalipas ang ilang oras sinilip ni Bin si Drei sa labas nang kanyang kwarto, nakita niya na tulog na ito, kaya dahan dahan niyang nilapitan si Drei para hindi ito magising. Tinignan nito ang kanyang mga libro, nakita niya na may mga homeworks na hindi pa tapos ni Drei sagutan. Akala ni Bin ay sinagutan ni Sanha pero hindi pala alam ni Sanha ang mga nakatulugang gawain ni Drei tulungan ko na nga siya, hindi naman niya malalaman kung ako gumawa nito, para makapag pahinga na rin siya. Sinagutan ni Bin ang mga natitirang homeworks ni Drei, nang matapos na siya ibinalik niya ang mga libro sa pagkakalagay nila. Hinawakan niya ito sa ulo at sinabing. "Goodnight Drei".
Narinig ni Bin na palabas na ng banyo si Sanha kaya naman agad siyang tumakbo at pumasok na muli sa kwarto nila ni Eunwoo. Paglabas ni Sanha ay kinuha niya ulit ang libro ni Drei at pagkatingin niya ay may mga sagot na ito naisip niya na siguro nakatulog nalang ulit si Drei kaya naman habang dahan dahan niyang binabalik ang libro ay bigla naman nagising si Drei kaya pinatulog niya na ito at pinagpahinga.
(Back to present)
naisip ko pa nga baka hanggang dito na lang ako, palaging nasa likod lang niya, nagtatago. Pero noong nagkaroon ako nang lakas nang loob umamin, maniwala ka ilang beses kong sinubukan, pero ilang beses din akong nabigo. Sadyang mundo na ata ang pumipigil. Kung nararamdaman niya lang sana ako.
Biglang nakatulog na si Bin at napasandal sa balikat ni Hannah, pinagmasdan niya si Bin na tulog, may luhang pumatak sa mga mata nito, pinunasan niya. Bumulong siya rito nang " I don't have any idea kung sino ang tinutukoy mo, isa lang ang masasabi ko Bin. " You are safe in my arms" -Mahinang Sambit ni Hannah kay Bin.
(Makalipas ang ilang araw)
Bin kailangan mo ba talagang umalis? Oo nga kuya iiwan mo na ba kami? Tanong ng barkada, kailangan ko ba talagang umalis? Oo kailangan ko sa ngayon, maraming nangyari sa akin this past few months, and this past few days. Iiwan ko na ba kayo? Syempre hindi, parang mga kapatid ko na kayo, hindi ko kayang mahiwalay sa inyo nang matagal. Babalik ako, okay? Pero hindi ko alam kung kailan. Magugulat na lang kayo andiyan na ako sa Pinto kumakatok sabay ngumiti sa kanila si Bin, at niyakap siya nila Jinjin, Eunwoo, Rocky, Mj, at Sanha. Sige na aalis na ako.
Pasakay na si Bin sa kanyang kotse nang biglang may tumawag sa kanya Bin! Nakita niya si Drei tumatakbo papalapit sa kanya.
Drei, ikaw pala.. – sambit ni Bin
Bin sabi nila sa akin aalis ka daw? -pagtatanong ni Drei. Ngumiti si Bin,
Oo Drei aalis ako. – sagot ni Bin
Bakit ka aalis? Dahil ba sa akin? Tanong ni Drei na naluluha na. Oo dahil sa iyo, ikaw kasi sabay tawa ni Bin HAHAHAHAH!
Paano na ako alam mo naman na iniiwasan padin ako ni Sanha e tapos iiwan moa ko. -Malungkot na sambit ni Drei
Babalik naman ako may gagawin lang naman ako wag ka nga mapraning diyan di ka naman pababayaan nila kuya Jinjin andiyan pa naman sila babalik ako saglit lang ako mawawala wag ka na malungkot diyan. – Sabi ni Bin na nagpipigil umiyak.
Pero Bin, Saan ka pupunta? Tanong niya,
sa ngayon Drei, akin na lang muna iyon, basta kailangan ko lang nang space. Take care of yourself sabay hinalikan ni Bin ang noon ni Drei, at tumalikod siya para umalis na.
But I don't want to see you leaving, sabay humarap ulit si Bin,
Just close your eyes Drei.. tumungo na si Bin sa kanyang sasakyan at tumulo ulit ang kanyang mga luha, pumikit si Drei, at patuloy pa rin ang kanyang pag iyak, bulong siya sa kanyang sarili " Bye for now Bin"
Makalipas ang ilang lingo ay bumalik na si Bin sa bahay nila winelcome ito agad ng lahat pero wala paring nagbabago iniiwasan padin ni Sanha si Drei at gusto parin ni Bin si Drei ngunit hindi na ito gaano kalalim ang nararamdaman ni Bin para kay D