CHAPTER 7: Pagbabalik sa Baguio

4996 Words
Bin’s POV: Ilang araw ka nang ganyan. Lagi ka nalang hindi nakangiti lagi ka nalang umiiyak diyan, hindi ko na naririnig ung mga tawa mo, hindi ko na nakikita yung mga masasayang mata mo ung mga matatamis na ngiti mo, kelan ka ba babalik sa dati ha, kailan ko ba ulit makikita ang mga yon? Nung gabing tinext mo ko dahil sinabi mo na malungkot ka kasi sinabi niya sayo na hindi ka niya gusto, may parte saakin na naging masaya ako na nabuhayan ako ng loob kasi naisip ko na may pag asa ako sayo, may pag asa na baka pwedeng maging tayo. Pero ngayong nakikita kita na ganito at sa mga araw pa na nagdaan, lagi ka nalang ganiyan nakakulong sa kwarto mo, naiyak di mo man aminin pero naririnig ko ang mga hikbi mo sa gabi, may pa laman laman ka pang hindi masakit at parang kagat lang ng dinosaur at hindi ka affected pero eto ka ngayon parang kinain ka na ng dinosaur dahil sa mga iyak mo, nakabalot ka lang diyan ng kumot tapos nakayakap ka sa mga unan mo at umiiyak. Kaya nasabi ko sa sarili ko na hindi, hindi pala ako masaya. Hindi ko pala kayang makita kang malungkot. Bumalik ka na sana sa dati Drei, ung masayahin na si Drei, Ngumiti ka naman na sana Drei. Kinabukasan ay may pasok sila, pumunta si Drei sa library para magpahinga at malungkot padin ito maga ang mga mata dahil hindi niya mapigilan na umiyak tuwing gabi. Nakatulog naman si Drei sa library at sa hindi inaasahan ay pumunta din si Sanha sa library para kunin ang mga gamit niya na naiwan doon. Nakita niya si Drei na natutulog. Sanha’s POV: Last day na ng semester ngayon, dumaan lang ako ulit sa library dahil may naiwan ako na gamit at binalikan ko pero hindi ko naman alam na nandito ka rin pala. Gusto kitang gisingin gusto kong sabihin sayo na tara na at sabay na tayo umuwi, pero pinagunahan ako ng takot ko, dahil natatakot akong makita ang mga mata mo. Mga mata mo na malungkot at alam kong dahil yon saakin. Ilang araw na kitang iniiwasan dahil naisip ko na eto ang mas maganda eto ang mas mapapabuti saatin, dahil inisip ko na sa ganitong paraan ay baka sakali lang, baka sakaling mawala yung nararamdaman ko para sayo. Baka pag di kita nakikita nakakausap nakakasama ay mawawala na ang nararamdaman ko para sayo. Pero ngayon na nakita kita ulit, ngayon na nasa harap kita. Grabe Drei anlakas mo naman e, bumalik nanaman ako sa simula. Mahal kita Drei, mahal na mahal kita, oo pero Drei mahal ko din si kuya Bin. Madami na kaming pinagsamahan matagal na kaming magkaibigan para ko na nga siyang totoong kuya e kaya sorry Drei ginawa ko to dahil hindi ko kayang isuko ung pagkakaibigan namin ung pinagsamahan namin ni kuya Bin hindi ko kayang itapon yon. Gusto ka niya Drei e. sa tagal ko na siyang nakasama sa ilang taon na kasama ko siya ta nakilala ko siya oo masungit siya, pero kahit masungit si kuya Bin ay lagi siyang mapagbigay saakin. Lagi niya akong inuuna dahil mahalaga na ako sa kaniya bunsong kapatid ang tingin niya saakin, lagi niya akong inaalala. Kaya hindi ko na kayang maging makasarili ngayon. Kung ipinilit ko ung tayo Drei hindi ako magiging masaya talaga dahil alam kong nasasaktan ko si kuya Bin. Hindi ko kayang maging masaya Drei knowing na si kuya Bin ay nasasaktan ko. Im sorry Drei. Im so sorry. Drei’s POV: Ilang araw na kami laging magkasama ni Bin, simula nung tinext ko siya nung gabing malungkot ako grabe sobrang bilis niya tinalo pa ata si the flash pagkatext ko sakaniya na malungkot ako at damayan niya ako dahil kailangan ko ng kasama at gusto kong may kasama ay wala pang dalawang segundo nasa tapat na siya ng kwarto ko at kumakatok. Bin naappreciate kita kasi lagi kang nandiyan para saakin kahit lagi nalang kita dinadramahan si Sanha kasi e pero anyways gusto ko lang sabihin na sobrang naappreciate kita kasi ang bait bait mo saken. Grabe lang kasi dati sobrang sungit mo para kang pinagkaitan ng mundo at parang gusto mong manakit palagi, napaka sungit mo saakin dati. Pero ngayon hindi ako makapaniwala grabe sobrang close na tayo, he may be tough outside pero grabe grabe he’s really a softie. Thank you Bin, thank you for everything that you did to me. Sobrang pasasalamat talaga sayo. Tara na mag jogging na tayo Bin. Lagi nalang daw kasi ako nakahiga at nagkukulong dito sa kwarto kaya naman nag aya siya na mag jogging daw kami. Pagkatapos nila mag jogging ay nagpahinga muna sila at pumunta nanaman uli si Drei sa kwarto niya. Hindi alam ni Bin ay pinicturan siya kanina ni Drei habang nagtatawanan sila. Hindi alam ni Bin ay gustong gusto ni Drei na nakikita niya si Bin na ngumingiti dahil para sa kaniya ay rare moments ni Bin yun. Ang ngumiti ng napakatamis. Drei’s POV: Habang tinititigan ko ang litrato mo ay hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan, hindi ko alam kung saan ako magsisimula na pasalamatan ka sa lahat ng mga bagay na ginawa mo para saakin para pasayahin ako. Hindi ko talaga alam Bin pero salamat talaga sayo sa lahat lahat as in. You act silly sa harap ko pero kapag ka may ibang tao na ay babalik ka na sa pagiging serious mode mo and that makes you more funny. Ibang iba ka kapag ka tayong dalawa lang natawa ka nangiti ka. Bin I just want to say na, thank you for making me happy, super happy actually these past few day. I really appreciate it. Sanha’s POV: Nakita nanaman kita ulit Drei, Ang lungkot ng mga mata mo, alam kong kasalanan ko kung bakit ka nagkaka ganiyan. Im sorry talaga Drei, Im sorry kasi hindi ko magawa na ipaglaban ka, hindi kita kayang ipaglaban pati ung nararamdaman ko para sayo hindi ko maipaglaban. Im sorry kasi mas pinili ko nalang na lumayo at iwasan ka, para hindi na lumala pa ung nararamdaman ko para sayo. Mas pinili ko nalang na iwasan yung nararamdaman ko para sayo. Nung araw na narining kong kausap mo si kuya Jinjin tungkol sa mga issues mo, ung family issues mo at mga iba mo pang mga problema, tapos sinilip ko kayo at nakita ko na grabe yung pag iyak mo non, kaya naman sinabi ko sa sarili ko at pinangako ko sa sarili ko na aalagaan kita at proprotektahan. Rinig na rinig ko ung mga hikbi mo non. Ung puso ko grabe parang kinukurot, grabe yung sakit at kirot na nararamdaman ko den non nung nakita kitang umiiyak at nasasaktan. Pero ngayon Drei isa na ako sa dahilan kung bakit ka malungkot ngayon, kung bakit ka umiiyak. Im so sorry Drei. Gusto kitang lapitan at yakapin gustong gusto ko gawin yon sayo pero kailangan kong pigilan ang sarili ko, kailangan ko tong pigilin e. Para sa ikabubuti ng lahat to Drei. Im sorry. Habang naglalakad si Drei ay nakita niya si Sanha sa balcony nakita niya ito na nakaupo nakatingin sa malayo at para bang malungkot ito, at mukha rin itong may malalim na iniisip dahil kitang kita sa mga mukha ni Sanha na may iniisip siya at nakatingin lamang ito sa malayo. Drei’s POV: Nakita ko si sanha sa may balcony, hindi ko alam pero anong ginagawa niya doon? Mukhang may malalim siya na iniisip. Ilang araw ka nang hindi namamansin, ilang araw ka nang umiiwas, ilang araw ka nang hindi nagpapakita saakin, Pati sila kuya Jinjin nagtataka na kung bakit ganito tayo, kung bakit tayo nagiiwasan, kung bakit tayo hindi na naguusap, na kung dati ay sobrang close natin lagi tayong naguusap lagi tayong magkasama lagi tayong nagkukulitan pero ngayon ano na ano na nangyare saatin. Namimiss na kita sa totoo lang miss na miss na kita Sanha. Minsan napapaisip nalang ako e, mali ba na inamin ko syao ung nararamdaman ko para sayo, mali bang nagtapat ako ng feelings ko sayo, kasi mas gugustuhin ko nalang na hindi umamin sayo para ganon parin tayo tulad ng dati atleast nakakasama kita palagi nakakausap nakikita nagkukulitan, yung tayong dalawa lang na para bang may sarili tayong mundo. Sana itinago ko nalang pala yung nararamdaman ko sayo. Para masaya parin tayo tulad ng dati. Sanha kelan kaya? Kelan kaya babalik ung dati?. Babalik pa nga ba tayo sa dati? Bigla naman nakatanggap ng text si Drei galing sa tatay niya. “Drei can you come home? We have something to talk about.” Text ng tatay ni Drei sakanya. “Uy ang galing naman ng timing ng tatay ko, is this another set of lungkot nanaman pagbalik ko ng Baguio. I love my life na talaga.” -saad ni Drei sa sarili niya. Nabasa ni Drei ang text ng kaniyang tatay kaya naman nagmessage ito agad sa group chat nila na kasama ang OT6, at nagpaalam ito na uuwi na siya muna ng Baguio. Tinanong naman nila Jinjin na kung kailan ito aalis sinabi naman ni Drei na mamayang gabi na siya aalis para umuwi na muna sa Baguio dahil mayroon daw sila paguusapan ng daddy niya. Sinabi naman ni Jinjin na hahatid nila si Drei pero sinabi ni Drei na may trabaho sila Jinjin at okay lang siya na mag byahe mag isa at babalik naman daw siya pag enrollment na sa university nila. Nagaalala naman ng lubos si Jinjin bukod sa gabi ito mag byabyahe ay babae pa si Drei delikado para sa kaniya ang umalis mag isa lalo na at gabi pa, sinabi naman nito na okay lang at kaya niya naman at dagdag niya pa ay uuwi naman din siya agad ng Manila. Saad naman ni Rocky ay tandaan ni Drei na mahal na mahal siya ng mga ito dahil prinsesa siya ng mga ito, at nagbiro naman siya na mas mamahalin pa nila si Drei kung maguuwi ito ng Strawberry Jam galing Baguio. Natawa naman ang lahat sa sinabi ni Rocky. Sumang-ayon naman si Drei na maguuwi siya ng mga pasalubong para sa mga ito. Dahil nagaalala si Jinjin ay sinabi nito na ihahatid nilang lahat si Drei sa terminal at pumayag naman si Drei at nagpaalam muna na matutulog muna siya sglit para hindi ito makatulog habang siya ay nasa byahe pauwi ng Baguio. Nung malaman ni Bin na uuwi mamayang gabi si Drei ay tinext nya agad si Drei na kung gusto nito ay samahan siya pauwi sa Baguio at nagtaka naman si Drei sa sinabi ni Bin at sinabing bakit naman daw iyon gagawin ni Bin, sinabi na lamang ni Bin na concern siya dito at natawa lang si Drei at sinabi ni Bin na seryoso siya sa sinabi niya. Inasar naman ni Drei si Bin at biglang naging soft hours ang pag uusap nila. “Crush mo ba ako ikaw haaa, HAHAHAHAH charot lang di okay lang ako Bin hehe, mabilis lang naman ako sa Baguio hindi ako magtatagal doon, aalis din ako agad agad pagtapos namin mag usap ni daddy. Wala naman kasi akong bahay doon, I mean I love Baguio oo and all the memories I had with it pero nung dumating ako sa Manila hindi ko alam pero grabe sa Baguio ako lumaki at tumira ng matagal pero im more comfortable here in Manila, siguro kasi dahil sainyo, dahil nakilala ko kayo nila kuya Jinjin,kuya Mj, Kuya Eunwoo, ikaw si Rocky at si Sanha. Diba nga sabi nila Home is not always a four walls and a roof sometimes it’s a heartbeat and a warm smiles o diba english yan panis ka HAHAHAH” saad ni Drei kay Bin na nag soft hours. “Ang dami mo naman sinabi tinanong lang naman kita kung gusto mo samahan kita pa Baguio e” -pangaasar ni Bin “Luh epal naman to kahit kailan talaga e, soft hours nga e diba parang tanga HAHAHA” -sagot ni Drei “Wow ginaganyan ganyan mo na ako ha porket di na ako masungit sayo at close na tayo.” – Bin said na natatawa. “HHAHHAHA de joke lang but anyways seryoso masaya akong nakilala ko kayo sobrang saya as in solid ganon, Ikaw masaya akong nakilala kita at nakasama.” -saad ni Drei na nag sosoft hours nanaman. “Saka si Sanha?” -asar ni Bin “Oo naman siyempre counted yon kahit di niya kayang ibalik ung feelings ko para sa kaniya HHAAHA” – Sagot ni Drei dito. “Drei may sasabihin ako sayo.” -seryosong sabi ni Bin. “Ano yun?” -tanong naman ni Drei “Labas ka ng kwarto mo pumunta ka sa sala bilisan mo.” – saad ni Bin sakaniya. “Ay bakit seryoso mo naman ata” – pangaasar ni Drei “Basta nangaasar pa e bilisan mo na bumaba ka na” – Bin replied. “Wow demanding pa eto na po bababa na.” – sagot ni Drei dito at nagmadali na bumaba sa may sala. Nagkita na ang dalawa sa sala at nag usap sila. “Gusto kita Drei.” Diretsahang pag amin ni Bin na hindi man lang nautal, umamin ito kay Drei ng dumating ito agad sa sala ng bahay nila. Hes holding a sweater na balak niyang ibigay kay Drei. “g-gusto mo a-ako?” nauutal na tanong ni Drei dito. Tumango lang si Bin as a sign of yes sabay abot ng hawak na sweater kay Drei at saka naman umupo sa sofa. “Pero wag mong isipin o alalahanin itong feelings ko. Di naman kasi kita masyadong gusto. Sakto lang naman” – Sabi ni Bin kay Drei at natawa ng bahagya. “B-bin naman…” -Malungkot na sabi ni Drei sabay hawak sa balikat ni Bin. Bin, sorry... kung kasalanan ko, sorry kasi hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo para sa akin, sagot ni Drei na umiiyak na. Ano kaba Drei, para ka talagang bata, wala kang kasalanan, una pa lang naman ako na itong makulit, masyado kong inisip na baka pwede mo na rin akong piliin, isa pa ako ang pumiling mahalin ka. Masakit pero hindi ako nagsisisi, dahil hanggang huli alam kong nilaban kita. Kaya tumahan kana diyan, masyado kang maganda para umiyak. Niyakap ni Bin si Drei, "Don't worry I won't run away, I just need to breathe". May isa lang ako hiling Drei, pumunta kana kay Sanha, bago ako maging Selfish at hindi kana bitawan, Hahahah biro lang, sabay alis nang pagkakayakap kay Drei. “Bin naman e ano ba naman to soft hours in person” – malungkot na sabi ni Drei “okay nga lang ako Drei parang tanga naman to.” – Bin started “Sinabi ko lang sayo para malaman mong kagusto gusto ka ha okay? Pero wag ka magalala alam ko naman na si Sanha ang gusto mo matagal na.” – He said cooly at sabay pumunta naman sa ref para kumuha ng tubig at uminom. “Pauwi na ata si Sanha from somewhere hintayin mo dito si Sanha ha para makapag usap na kayong dalawa bago ka man lang umuwi at bumalik sa Baguio bago ka man lang umalis ay sana makapag usap na kayo para maayos niyo na yan” -dagdag ni Bin. Drei was left dumbfounded pagtapos ng mga sinabi ni Bin sakanya. Yet, umupo naman siya sa sofa para hintayin si Sanha, hours had passed pero hindi parin umuuwi at dumadating si Sanha nakaramdam na ng antok si Drei pero pinilit niya pa din na mag antay sa sofa para makapag usap na sila ni Sanha at magkaayos man lang sila bago siya umuwi at bumalik sa Baguio Hanggang sa di niya na namalayan na nakatulog na siya habang inaantay si Sanha. She fell asleep. Sanha came home. Madilim ang paligid ng bahay nila. He’s thinking na baka nasa taas ang lahat ng tao at nasa kani kanilang kwarto na at nagpapahinga. Aakyat na sana siya sa kwarto niya, ng makita niya si Drei sa sofa She’s peacefully sleeping. Pinagmasdan ni Sanha ang dalaga at hinawi ang buhok na nakaharang sa magandang mukha nito. “Bakit dito ka natutulog?” Mahinang sabi ni Sanha dahil sa takot niya na baka ay magising niya si Drei. “Ingat ka pauwi sa Baguio ha, isama mo si kuya Bin para mas safe ka” – Sanha said that ng malungkot at mahinang boses lang at sabay hinalikan ni Sanha ang noo ni Drei. “I love you Drei, I really love you.” Bulong ni Sanha dito. Gabi na at uuwi na si Drei sa Baguio kaya naman nagtext na sa kaniya ang anim na lalaki naunang mag text si Mj at sinabing mag ingat ito sa byahe, sumunod naman si Jinjin at sinabing mag text ito kaagad kapag nakarating na ito sa Baguio, sinundan naman ni Eunwoo at sinabing kapag may problema si Drei ay agad na itext ang mga ito, nag text din si Rocky at sinabing “mahal na prinsesa wag kakalimutan ang strawberry jam ha”. Nagtext naman din si Bin at sinabi nito na mag ingat ito at mag text agad pag kailangan nito ng back up. Hinihintay ni Drei si Sanha na magtext sa kaniya at nagtext naman si Sanha sakaniya at sinabing mag ingat ito sa byahe. Umalis na si Drei sa bahay at tuluyan na talagang nagpaalam sa anim nagtext naman ito kay Cenia na sunduin siya sa terminal para sunduin siya. Pumayag naman si Cenia. Nalungkot naman sila Jinjin at sinabing mamimiss nila si Drei kahit naman alam nilang babalik ito agad sa Manila napa mahal na talaga sa kanila si Drei. Kahit na sobrang dami na nangyaring ganap sa bahay nila. Para sa kanila ay prinsesa nilang lahat si Drei, namimiss nila ang mga tawa ngiti kwentuhan nila. Mga luto ni Drei at pagbabake ni Drei ng cookies para sa kanila. Nakarating na ng Baguio si Drei at tinext niya na si Cenia para sunduin siya nito at papunta narin si Drei sa bahay nila at bulong sa sarili niya na, “now I just have to talk to my daddy tapos ayun na tapos na ang agenda ko dito sa Baguio, at balik Manila na.” -bulong ni Drei. Nagtext naman agad ang apat na si Jinjin, Mj, Eunwoo at Rocky kay Drei na namimiss na nila ito sinabi naman ni Jinjin ay magiingat ito palagi, dagdag naman ni Eunwoo ay magsumbong ito agad kapag ka may umaway dito, si Rocky naman ay nangungulit para sa strawberry jam at sinabi niya den kay Drei na mag ingat siya. Si Bin naman ay nagkaroon ng pagkakataon na maka usap si Sanha, dahil pati si Bin ay iniiwasan ni Sanha. Kaya naman tinext ni Bin si Sanha na mag usap sila, umiwas naman si Sanha at sinabing pagod siya at inaantok, nagpumilit parin si Bin na magusap sila kahit sa text nalang kung ayaw ni Sanha na makita si Bin. Sumagot naman si Sanha at sinabing hindi naman daw sa ganon, pagod lang daw talaga ito. Sinabi naman ni Bin na alam niya na umiiwas si Sanha sa dalawa, umiiwas ito kay Bin at kay Drei. Todo pagtatanggi naman si Sanha at nagrarason na busy lang daw talaga siya kaya akala nila Bin at Drei ay iniiwasan sila ni Sanha. Hindi naman naniwala si Bin sa mga rason ni Sanha at sinabing tama na ang pagsisinungaling nito, nagalit naman si Bin nung sinabi ni Sanha na hindi niya gusto si Drei kahit na kitang kita naman nila ang totoo. Hindi nakasagot si Sanha kay Bin, tinanong ni Bin kay Sanha kung dahil ba kay Bin kaya niya iyon ginawa, at sinabi naman ni Bin na kung dahil sakaniya kung bakit yon ginawa ni Sanha ay susuntukin niya ng isa lang si Sanha. Sumagot naman si Sanha at humihingi ng pasensya dahil ginawa niya lang daw yun dahil mas importante si Bin para kay Sanha. Sinabi naman ni Bin na alam niya yon na mas pinapahalagahan siya ni Sanha at sinabi ni Bin na ganon din siya kay Sanha kaya mahalaga daw kay Bin na makita si Sanha na masaya. Sinabi naman ni Sanha na hindi niya kayang sumaya knowing na si Bin ay hindi. Pinagsabihan naman siya uli ni Bin na hindi sa ganon yon. At pina realize kay sanha na gusto sya ni Drei, at ganon din si Sanha na gusto si Drei, at sinabing hayaan na nila si Bin dahil ganon naman daw talaga. Hindi lahat ng tao na gugustuhin mo ay gugustuhin ka din at normal na masasaktan talaga dahil kakambal yan palagi kapag ka nagmahal ka. Sinabi naman ni Bin na ayaw niya maging kontrabida sa kwento ni Sanha at Drei. Wala naman ibang maisagot si Sanha kung hindi puro kuya lang kaya naman, pinayuhan siya ulit ni Bin at sinabing kahit anong gawin niya kahit pigilan ni Sanha ang nararamdaman niya para kay Drei sa kadahilanan na ayaw niya masaktan si Bin ay nasasaktan niya parin si Bin, kaya naman tinanong siya ni Bin na kung sa tingin ba ni Sanha ay magiging masaya ba si Bin kapag hindi nagkatuluyan at di nagkaroon ng happy ending si Sanha at Drei. Pinagalitan naman uli ito ni Bin at sinabing sino ba si Sanha para diktahan ang nararamdaman ni Drei. Pinangaralan uli siya ni Bin at sinabing feelings ni Drei yon meron siyang karapatan kung sino ang gugustuhin niya at sinabi nito na maswerte si Sanha dahil si Sanha ang pinili at ginusto ni Drei. “So stop suppressing your feelings and go to Drei, wala kayong masisimulan niyan kung hindi ka pa rin kikilos diyan kaya wag ka na mag drama at maging tanga diyan bilisan mo na kumilos ka na” – saad ni Bin kay Sanha. Nagpasalamat naman ito kay Bin at nag I love you ito kay Bin dahil sa sobrang saya niya, pinagmamabilis naman siya ni Bin na kumilos at wag ng pabagal bagal at tatanga tanga. Nagtataka naman si Rocky dahil nagtatatakbo si Sanha sa kwarto nila sa sobrang tuwa at sinabi ni Jinjin na tulungan si Sanha na mag impake, dahil aalis ito. Natuwa naman si Eunwoo dahil nakita niya na natauhan na si Sanha at papunta na nga ito ng Baguio para puntahan at sundan si Drei. Ganon din si Mj na sobra din ang tuwa at saya na nararamdaman dahil akala nila walang happy ending na magaganap pero nangyari padin. Happy ending ang bebe sisiw nila at ang kanilang prinsesa. Nag text naman agad si Eunwoo kay drei at kinamusta ito, tinanong nito kung kamusta ang paguusap nila ng tatay niya at sinabi ni Drei na okay na, nagtaka naman si Eunwoo kung ano ang ibig sabihin nito kaya naman sinabi ni Drei na okay na sila ng tatay niya nakapag usap na sila at nag sorry na sa kaniya ang tatay niya pagkatapos nila mag usap. Masaya naman si Eunwoo dahil doon sa balita ni Drei. Pero sinabi ni Drei na nabanggit niya sa tatay niya na puro lalaki ang kasama niya sa bahay at hindi daw pumayag ang tatay nito kaya naman pinapalipat ng tatay ni Drei si Drei ng ibang bahay, nalungkot naman si Eunwoo nang mabalitaan ito at sinabi niya na hindi naman sila masamang tao pero naiintindihan niya daw ang tatay ni Drei dahil babae si Drei at puro lalaki nga ang kasama nito sa iisang bahay. Kaya naman sabi ni Drei na hahanapan daw siya ng bagong bahay na matitirahan sabi ng tatay niya pero sa Manila pa din naman daw ito titira, sinabi naman ni Eunwoo na okay lang yun at ang importante ay okay na sila ng tatay niya. Masayang masaya naman si Drei dahil okay na sila ng tatay niya nakapag usap na sila at niyakap siya ng tatay niya pagtapos nila mag usap at magka ayos. Pero nalungkot naman ito dahil lilipat nanaman siya ng bahay at pahirapan nanaman mag adjust para sa bago niyang titirahan. Natapos ang araw ng masaya si Drei dahil nagkaayos na sila ng tatay niya. Nagtext naman si Bin kay Drei ng umagang umaga at tinanong ni Drei kung bakit ito nagtext at sinabing pumunta si Drei sa Burnham park at sinabi ni Drei na bakit, at inasar niya si Bin na kung nandoon daw ba si Bin at pinuntahan daw ba siya nito at sinabi ni Bin na nababaliw daw si Drei at sinabi niya ulit na pumunta na sa Burnham park dahil may nawawalang bata daw doon at tulungan na maka uwi, tinanong naman ni Drei kung bakit nawawala ang bata at tinanong kung sinong bata, sinabi naman ni Bin na basta daw at pumunta nalang si Drei sa Burnham park. Um-oo naman si Drei sa sinabi ni Bin kahit na hindi niya alam kung bakit at di niya kilala ang bata. Pumunta na si Drei sa park at madami siyang bata na nakita at sinabi niya kay Bin na nasaan ung bata na nawawala sinabi naman ni Bin na maghanap ito at malaki ung bata na yon at agad niya itong makikita. Habang naghahanap si Drei at paikot ikot sa Burnham park para hanapin ung nawawalang bata na sinasabi sa kaniya ni Bin ay laking gulat niya ng makita niya si Sanha at saka may dalang malaking maleta ito. Drei’s POV: Tinanong ko si Sanha bakit siya nandito sa Baguio pero hindi niya ako sinagot. Bigla nalang siya lumapit sa akin at sabay niyakap ako. A real tight hug. Naguguluhan ako ng sobra sa kaniya and at that moment I broke off that hug and tinignan ko siya ng malapitan, pinagmasdan ko talaga siya ng mabuti at malapitan. Kinurot kurot ko ang sarili ko sinampal ko pa ang sarili ko kasi baka mamaya ay nanaginip lang ako. Natawa ka saakin dahil sa ginawa ko at sinabi mo na hindi ako nananaginip at dagdag mo pa ay sinabi mo na ikaw si Sanha na mahal na mahal ako. At sabay niyakap mo ako uli ng mahigpit. Out of confussion na nararamdaman ko ay tanging “Ha” lang ang nasabi at nasasagot ko sayo, kasi hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na nandito ka kasama ko sa harap ko kausap ko niyakap ako totoo ba talaga to. Hinawakan mo ang mukha ko gamit ang magkabilang kamay mo at saka naman inilapit mo ang mukha mo sa mukha ko at sinabi mo na. “I came here because I might miss the chance for us Andrea.” Sabi mo saakin at kinilig ako ng sobra nung marinig ko ang pangalan ko. Damn those eyes ung mga mata mo sanha grabe kita ko, kitang kita ko ang sincerity ng mga mata mo Sanha. “May isang taong nagsabi saakin na hindi daw dapat natin pinapalampas ang mga opportunity, chances o pagkakataon na ibinibigay sa atin, hindi rin daw dapat natin isipin na hindi natin deserve yung mga bagay na natatanggap natin.” – sabi mo sabay hinawakan mo ang kamay ko. “In short hindi dapat ako natakot na tanggapin yung pagmamahal mo, ung pagmamahal na binigay mo saakin dahil lang sa ayokong masaktan ang kaibigan ko.” – after you said that ngumiti ka ng napaka tamis. Namiss ko yun Sanha antagal kong hindi nakita yan. “Andrea I love you” sa lahat ng sinabi mo, sa dinami dami ng sinabi mo saakin ayan lang ang patuloy na nag eecho sa tenga ko. “I love you so much sana payagan mo akong ligawan ka.” Mahinang sabi mo at sabay hinalikan mo ang noo ko. “I love you too” sagot ko sayo “Pero ligawan mo muna si daddy hehe” Parehas tayong natawa. Sana hindi ako nananaginip lang. Hindi naman binigo ni Sanha si Drei at sinunod nito ang sinabi niya kay Sanha na ligawan na muna nag tatay ni Drei bago siya. Naghanda ng todo si Sanha para magpakilala sa tatay ni Drei at nagulat naman si Drwi dahil sa suot ni Sanha. Sobrang naka porma ito at magpapakilala lang naman daw ito sa tatay ni Drei kaya naman natawa si Drei dito. Nakarating na si Drei at Sanha sa bahay nila Drei at hinarana ni Sanha ang tatay ni Drei pagkatapos nito magpakilala sa tatay ni Drei natuwa naman ang tatay ni Drei dahil sa galing nito kumanta at tumugtog ng gitara. Pangalawang araw na ng panliligaw ni Sanha kay Drei at sa tatay nito kaya naman may dalang bulaklak si Sanha para kay Drei at kinausap naman ng tatay ni Drei si Sanha at sinabi nito na payag na ito ligawan ang anak niya ta malaki ang tiwala niya kay Sanha kaya naman lagot si Sanha kapag ka sinaktan niya si Drei at nangako naman si Sanha na hindi niya ito gagawin kay Drei. Mamaya na ang alis ng dalawa dahil babalik na sila ulit ng Manila. Uuwi na si Sanha at Drei at kukunin narin ni Drei ang mga gamit niya sa bahay nila Jinjin dahil pinapalipat nga siya ng tatay niya dahil hindi komportable ang tatay niya na puro lalaki ang kasama ni Drei sa bahay at naiintindihan naman ito nila jinjin kaya naman malungkot sila na aalis na ang prinsesa nila sa bahay nila. Malaki naman ang tiwala ng tatay ni Drei kanila Jinjin dahil sa mga kwento ni Drei tungkol sa mga ito ay ramdam ng tatay ni Drei na mababait ang mga ito kay Drei at walang ginawa kundi alagaan at protektahan si Drei, sinuportahan din nila si Drei at dinadamayan kapag ka malungkot ito kaya naman natuwa ng lubos ang tatay ni Drei. Pero kailangan lang talaga lumipat nito ng bahay dahil hindi magandang tignan na magisang babae lang si Drei sa bahay at napapalibutan ng m
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD