Agad naman na nabalitaan na ng mga binata ang pagalis ni Drei at kailangan na nitong lumipat ng bagong bahay kaya naman nalungkot ang mga ito at tinanong si Drei kung tuloy na ba ang pag alis nito, sumang ayon naman si Drei at sinabing lilipat na nga ito at aalis na nga ito. Sinabi naman ni Mj na mamimiss nila ng sobra si Drei, sinabi naman ni Drei na wag mag alala dahil magkikita parin naman daw sila dahil malapit lang naman ang paglilipatan niya. Nagtanong si Eunwoo kung saan ito lilipat sinabi naman ni Drei na hindi niya pa alam kung saan ito lilipat pero malapit lang daw sakanila.
Sumingit naman si Jinjin at sinabing okay lang daw dahil makikita pa naman daw nila si Drei dahil mag jowa na daw si Sanha at Drei pero sinabi ni Drei na hindi pa sila mag jowa ni Sanha. Sumagot naman si Sanha at sinabin hindi pa sila ni Drei dahil hindi pa siya sinasagot nito, nang asar naman si Mj dahil harap harapang harutan daw ang ginawa nung dalawa, tinanong naman ni Jinjin kung nasaan si Drei.
Sinabi naman ni Drei na nag s-stay sya sa hotel muna at kasama ni Drei ung best friend niya na si Cenia at sinabi din ni Drei na si Cenia na ang makakasama niya sa bagong lilipatan niya na bahay. Nagtanong naman si Rocky kung maganda ba ung kaibigan ni Drei na si Cenia, tinawanan naman siya ni Drei at sinabi ni Rocky na asking for a friend lang daw.
Tinanong naman ni Drei kung sino ung friend, sinabi naman ni Rocky na si Bin ung friend na tinutukoy niya, nainis naman si Bin sa pangaasar ni Rocky at nakisali naman ung iba na asarin si Bin kay Cenia, nagpaalam naman na si Drei sa mga ito at sinabing magpapahinga na muna siya, at magkita nalang sa enrollment sa university sa mga university friends niya which is pertaining kay Rocky at Bin, nagtanong naman si Mj kung paano naman daw sila at sinabi ni Drei na wag magalala at makikita nila ng madalas si Drei.
Nagpaalam na si Drei sa mga ito dahil magpahinga na daw siya.
Nag text naman agad si Drei sa tatay niya at sinabing nakarating na sila ni Cenia sa hotel at sinabi din nito na hindi niya pa nakukuha at nadadala ang mga iba niya pang gamit na nasa bahay pa nila Jinjin. Sinabi naman ng tatay ni Drei na okay lang at tiananong nito kung sinabi na ba ni Drei ang tungkol sa bagong bahay na lilipatan ni Drei at Cenia kung saan ung bagong bahay na lilipatan at titirahan ni Drei at Cenia.
Sinabi naman ni Drei na hindi niya pa ito sinasabi at gusto ni Drei na isurprise ang mga ito kaya hindi niya na muna sinabi kung saan ito lilipat at kung saan ito titira kung saan ang bagong bahay nito.
Okay lang daw sabi ng tatay ni Drei as long as masaya daw si Drei ay masaya na din siya. At sinabi din nito na magtext agad si Drei kapag ka nandoon na sa bagong house na lilipatan nila Drei at Cenia. Um-oo naman si Drei. Sinabi naman ng tatay ni Drei na pinagkakatiwalaan niya si Drei at Sanha, at ang mga iba pang mga kaibigan nito na sila Mj,Jinjin,Eunwoo.Bin at Rocky.
Lilipat na si Drei sa bago nilang bahay na titirahan ni Cenia, bago nila kunin yung mga gamit na naiwan sa bahay nila Jinjin ay nag ayos muna sila ng mga gamit sa bagong bahay nila bumili sila ng mga kakailanganin nila sa bahay nila nag ayos na din ng mga gamit nila para mabawasan ang kanilang mga gawain kapag nakuha na nila ang mga naiwang gamit ni Drei sa bahay nila Jinjin.
Ilang araw ang lumipas bago sila tuluyan na matapos sa pag aayos at pag lilinis ng bagong titirahan nila ng kaibigan niya na si Cenia.
Nagtext naman si JinJin kay Drei at nagtatanong ito kung paano yung mga gamit ni Drei na nandoon padin sa bahay nila Jinjin, at nag offer naman si Jinjin na kung ihahatid nalang ba nila ung mga naiwang gamit ni Drei sa bahay nila para naman ay makita makasama at makakwentuhan naman nila si Drei dahil sobrang miss na nila ang dalaga at gusto rin nila makilala yung kaibigan ni Drei na si Cenia.
Sumagot naman si Drei na okay lang siya at hindi na nila kailangan ihatid ang mga gamit niya sa bagong bahay na titirahan nila ni Cenia. Pupunta nalang daw siya dito sa bahay nila Jinjin para kunin ang mga gamit niya.
Sinabi naman ni Jinwoo na miss na miss na nila si Drei at tinatanong ni Jinjin kung saan ba ito lumipat, sumagot naman si Drei na ikwekwento niya ito kapag ka balik niya sa bahay nila Jinjin para kunin ang mga natira niyang gamit, sa ngayon daw mag aayos muna sila ng kaibigan niya na si Cenia sa bagong bahay nila para daw hindi na sila mas mahirapan kapag madami ng gamit na ililipat at para daw bawas gawain na daw.
Nag offer naman uli si Jinjin kay drei na kung gusto ba nito na tulungan siya, dahil pupunta daw silang anim agad agad para tulungan si Drei na mag ayos sa bagong bahay nito. Sinabi naman ni Drei kay Jinwoo na hindi na kailangan dahil dalawa naman na sila ni Cenia na nag aayos at kaya naman na daw nilang dalawa yun. Sinabi naman ni Jinjin na mag iingat palagi si Drei.
Sobrang saya naman nung dalawang magkaibigan nung natapos na nila ang mga dapat gawin sa bagong bahay nila, nakapag linis na sila, naayos na nila ang mga dapat ayusin sa bahay at excited na sila na matirahan ito at ang tanging kulang nalamg ay ung mga naiwan na gamit ni Drei sa bahay nila Jinjin kaya naman nakapag desisyon sila na kunin na ang mga natirang gamit ng dalaga sa bahay nila jinjin.
“Yay to new home hehe” post ni drei sa kaniyang twitter.
Nakita naman ito nila Mj, Bin,Sanha,Eunwoo at Jinjin kaya naman nagreply agad ang mga ito.
“Masaya ka pang iniwan mo kami.” Reply ni Mj na malungkot dahil mapapalayo na sila sa prinsesa nila na si Drei talagang napa mahal na ito sa kanila kaya naman ganon na lamang kalungkot ang mga ito nung malaman nila na lilipat at aalis na ito sa bahay nila.
“Mamimiss ka namin dito sa bahay.” Sabi naman ni Sanha, pero alam naman niya na makikita niya parin si Drei dahil parehas lang naman sila ng university na pinagaaralan hindi na nga lang nito niya makakasama sa bahay si Drei hindi tulad ng dati na magkalapit lang ang kwarto nila sa isat isa at anytime sila pwede magsama at mag bonding. Pero alam naman niya na palagi niya padin ito pwede makasama dahil nililigawan niya si Drei at pumayag na ang tatay ni Drei na ligawan ni Sanha si Drei.
“Ingat ka lagi wag ka na tuod.” Reply ni Bin na masaya na dahil nagkaroon ng happy ending si Sanha at Drei.
“We miss you Drei.” Eunwoo said na ice cream buddy ni Drei. Nalulungkot naman din si Eunwoo dahil mamimiss nito ang mga kwentuhan tawanan nila ni Drei ung mga luto ni Drei at pagbabake ni Drei sa kanila.
“The house feels empty without you.” – Jinjin said na hindi lang naging kuya ni Drei ay tila bang para din siyang tumayong tatay ni Drei dahil inalagaan at prinotektahan niya talaga si Drei ibinigay ni Jinjin ang care na hindi nabigay ng tatay ni Drei sakaniya dati.
Makikita mo ang lungkot sa mga mata ng anim na binata dahil tinuring talaga nilang prinsesa si Drei. Inalagaan prinotektahan dinamayan at pinasaya din sa tuwing malungkot ito marami man ang nangyari sa loob ng bahay nagkaroon man sila ng mga away away, hindi pagkakaintindihan at naging magulo man ang bahay na yon pero nagawa parin nila na maayos at naging masaya ulit.
Nagbobonding naman ang anim sa sala nila ng biglang may kumatok sa bahay nila.
“May kumakatok, sino magbubukas?” Bin said ng marinig na may tao sa labas ng bahay nila.
Lahat sila ay nasa sala para manood ng tv. Sobrang tagal na nilang hindi nagagwa ito dahil naging busy silang lahat si Jinjin at Eunwoo ay may trabaho at kapag uuwi na ang mga ito ay pagod na sila, ang tatlo naman na si Bin Rocky at Sanha ay nagaaral naman si Mj naman ay pagod na maglinis ng mga kalat sa bahay nila kaya naman hindi na sila nakakapag bonding masyado dahil wala silang oras para dito.
“Anubayan, alas onse na ng gabi oh, may kumakatok pa.” Angal naman ni Sanha na kanina pa naiirita dahil hanggang ngayon ay hindi padin nagrereply si Drei sa kaniya.
“May bagong kapit bahay ata tayo e may nakita kasi ako kanina na naglilipat diyan kanina pa nagaayos nga kanina ung mga bagong lipat diyan. Madami silang gamit na dala.” – singit naman ni rocky habang nakapako ang mga mata sa tv dahil nanonood ito.
“Ah baka mag ha – hi lang naman yung bagong kapitbahay.” – Eunwoo said sabay kain ng cone ng ice cream na hawak hawak niya.
“Ayaw nila pagpa bukas yan anong oras na oh ambait naman nila masyado?” tanong ni mj sabay tawa.
“Ako nalang magbubukas. Teka puro kayo pagtatalo diyan bubuksan lang yung pinto e antagal bago mag decisyon andami pang mga side comments e.” – Jinjin offered.
Binuksan ni Jinjin ang pinto without expecting anything, pero laking gulat niya nung makita niya kung sino yung kumakatok sa harap ng bahay nila.
D – Drei? Dahil sa malakas na pagkakasabi ni Jinjin sa pangalan ni Drei ay napatakbo at napalabas ang lima na kanina lang ay nasa loob ng bahay nila at nagtatalo kung sino ang magbubukas ng pinto.
“Yes the one and only Andrea. Ang bago ninyong kapitbahay.” She said.
Nung marinig nila yun ay para bang lumiwanag ang mga mukha ng anim na binata na si Jinjin,Mj,Eunwoo,Bin, Rocky at especially si Sanha.
They all went to Drei at isa isa nila nitong niyakap si Drei, si Drei ang nagiisang prinsesa nila.
Inaya naman ni Jinjin sila Drei at Cenia na pumasok sa bahay nila at sinabing sakto ang pagdating ng dalawa dahil nanonood daw sila ng movie at madaming popcorn at sinabi ni Mj na magiging bonding na din daw nila ulit yun dahil matagal na nawala si Drei sa bahay nila at matagal na hindi nila ito nakasama kaya naman miss na miss na talaga nila ito at sabik na ulit makasama makakwentuhan at namiss na rin ng anim ang mga luto di Drei para sa kanila.
Pinakilala naman ni Drei si Cenia sa anim at madali naman nila itong nakaclose dahil magkaiba ng social skills ang dalawa kung si Drei ay sobrang napaka mahiyain si Cenia naman ay napaka kalog at maingay para bang hindi nahihiya.
Si Sanha naman ay parang linta kung makadikit kay Drei at halata sa dalawa na masaya sila at miss na miss ang isat isa. Kaya naman inaasar sila palagi ng lima dagdag pa si Cenia.
Masaya ang gabing yon talagang matatawag na A day well spent para sa kanilang lahat. Alas dos na ng madaling araw hindi nila namalayan ang oras kaya naman nagpaalam na si Cenia at Drei at sinabing sa susunod naman ay ang anim naman ang pumunta sa bahay nila.
Bago umuwi ang dalawa ay niyakap ng mahigpit ni Sanha si Drei at nang asar naman si Mj
“Sus akala mo aalis si Drei akala mo napaka layo ng bahay e” pangaasar ni Mj
“Sanha kalma katabing bahay lang natin sila wag kang oa ha” pangaasar ni Jinjin
“Sanha kung gusto mo magsigawan kayo ni Drei sa bintana” pangaasar ni Rocky
Tumawa lang naman ng tumawa silang lahat.
“Inggit lang kayo mga kuya e” sagot na pangaasar ni Sanha sa kanila
“O sige na anong oras na magpahinga na kayo at alam kong pagod kayo” -Sambit ni Jinjin
Sinulit nila ang mga araw habang hindi pa ang enrollment day nila naging masaya sila, lumalabas si Sanha at Drei minsan naman ay kasama ang anim at si Cenia. Madalas silang manood ng movie,food trip at minsan naman ay si Drei ang nagluluto para sa kanilang anim, pinagbabake parin sila ng cookies, minsan naman ay doon na din kumakain sila Cenia at Drei tuloy pa rin ang buhay nilang lahat si Bin naman ay may nagugustuhan na rin na iba kaya masaya ito para kay Sanha at Drei. Tuloy padin sa panliligaw si Sanha kay Drei tinutulungan siya nila Jinjin Eunwoo Mj Rocky Bin at Cenia para maka points kay Drei at sa tatay ni Drei.
(Enrollment Day)
Excited na si Drei at Cenia dahil magkasama na sila sa iisang university at magiging magkaklase na din sila, agad naman na nag ayos ang dalawa at naghanda para puntahan ang 3 na si Bin,Rocky at Sanha para sabay sabay sila na pumunta sa university para mag enroll.
Tapos na mag ayos ang dalawa at dumiretso na sa bahay ng anim.
“Tao po kuya jinjinnn” – pagtawag ni Drei dito at sumisigaw sa labas ng bahay.
“*tok tok tok* *tok tok tok*” – malakas at tuloy tuloy na pagkatok ni Cenia sa pinto ng bahay nila Jinjin.
Narinig naman ni Mj ang sumisigaw at kuamakatok na si Cenia at Drei kaya naman agad na tumakbo ito palabas para pagbuksan ng pinto.
“Drei at Cenia andito na pala kayo nagaayos pa yung tatlo e nalate kasi ng gising pasok muna kayo” – sambit ni Mj sa dalawa
“Kahit kailan talaga yung tatlong yun e sige kuya antayin nalang namin” – sagot ni Drei
“Nag almusal na ba kayong dalawa?” – pagtatanong ni Mj
“opo kuya nag almusal na kami ni Drei” – sagot ni Cenia kay Mj
Nagaantay ang dalawa sa baba para sa tatlo at nagluluto naman na ng almusal si Mj para sa limang binata, a minute passed by e natapos na din ang tatlo at bumaba na ng sala para umain ng almusal na niluluto ni Mj.
“Hindi ba kayo malalate sa enrollment niyo?” -pagtatanong ni Mj sa kanila
“Hindi naman po kuya marami pa po kaming oras at kayang kaya naman po namin takbuhin papunta university malapit lang naman po dito e” – sagot ni Drei
“Asan na pala ung dalawa si Jinjin at Eunwoo tulog pa ba?” tanong ni Mj
“Si eunwoo kuya may inaayos lang pero pababa na si Kuya Jinjin naman may ginagawa lang daw po sya at tinatapos pero susunod na rin daw po” sagot ni Bin
“O sige kumain na kayo diya at bilisan niyo baka mahuli kayo sa enrollment kayo cenia at Drei kumain na din muna kayo ulit baka konti lang ang kinain niyo kanina” – sambit ni Mj sakanila.
“Ay sige po kuya Mj hindi po ako tumatanggi sa blessings madami po ba kayong niluto joke lang po hehe” – Cenia said
“Bagay kayo ni Rocky, Cenia wala kayong hiya HAHAHAHAH joke lang” – pangaasar ni Mj.
“Siyempre kuya Mj ganon ang Bonding dapat masaya walang hiya hiya diba cenia” -sagot naman ni Rocky
Kumain na silang lahat at tumabi naman si Drei kay Sanha si Cenia naman ay pinatabi ni Mj kay Rocky dahil inaasar niya ito nang biglang may kumakatok sa pinto nila at nagtataka ang lahat kung sino yun pati din si Mj ay walang ideya kung sino ung kumakatok sa pinto nila.
Nagulat sila ng biglang nagmadali si Bin at nagayos pa bago buksan ang pinto, pinapasok ni Bin ang kumakatok sa bahay nila at dinala sa dining kung saan nagtatawanan nagkwekwentuhan sila Drei Sanha Rocky Cenia at Mj. Laking gulat ni Drei at si Hannah ang kasama ni Bin.
“Kuya Mj si Hannah po pala.” – sambit ni Bin
“Hi po” – mahiyang bati ni Hannah kay Mj
“Uy hannah ikaw ha di ka nagkwento sa akin ha, si Cenia pala bestfriend ko sa Baguio pero dito na siya titira kaya makakasama na din natin siya sa university.” – Drei said
“Hi Cenia nakwekwento ka nga saakin ni Drei dati nice meeting you sana maging close din kita.” -masayang pagkakasabi ni Hannah
Tapos na kumain ang mga mag eenroll at nag aya na sila na pumunta na ng university at di nila namalayan ang oras na maari na silang malate sa enrollment dahil sa mga kwentuhan nila ay pare parehas nilang di namalayan ang oras. Sakto naman na bumaba na ang dalawa na si Jinjin at Eunwoo at nagulat sila na may kasama pa silang isa at magpapakwento pa sana pero sinabi nila na mamaya nalang pagbalik nila dahil malalate na nga sila sa kanilang enrollment kaya naman agad binato ni Sanha ang susi ng kotse ni Bin at mabilis na sumakay ang mga ito at pinaandar na ng mabilis ni Bin ang kotse nya papuntang University.
Umabot naman sila sa Enrollment magkakaklase naman sila Cenia Drei at Hannah. Si Sanha Rocky at Bin naman ay naka enroll na din hindi sila magkaklase dahil iba iba sila ng building at mga course na kinuha nila.
Bago sila umuwi ay gumala na muna sila pumunta na muna silang mall at parang naging triple date dahil naging close at malapit na si Rocky at Cenia, si Bin naman at Hannah ay nagliligawan stage parin katulad ni Sanha at Drei.
Umaandar ang oras at wala silang ibang ginawa kundi sinulit ang oras at araw na yon, gabi na at inaya ni Bin si Hannah na dun na mag dinner sa bahay nila pumayag naman si Hannah para makasama at maka kwentuhan niya na din ang ibang mga kasama ni Bin sa bahay na tinuturing kapatid na ni Bin.
Habang papauwi sila ay inaasar ni Drei si Hannah at Bin nagpapa kwento ito paano sila umabot sa ganito kaya naman sambit ni Bin at Hannah na mamaya nalang nila ito ikwekwento dahil alam ni Bin na ganoon din ang itatanong sakanila pag uwi ng bahay para isahang sagot nalang daw ang gawin nila ni Hannah.
(Nakauwi na ang anim at may dala silang dinner at may binili din si Jinjin at Eunwoo na pagkain para sa dinner nila)
Tapos na maghanda at mag ayos ng pinngan si Mj kaya naman tinawag na nila sila Cenia Drei Hannah Rocky Bin at Sanha para umupo na sa Dining at sila ay kakain na.
Tapos na kumain ang lahat, tapos na rin maghugas ng pinggan si Jinjin tapos na rin maglinis si Eunwoo at pumunta sila sa sala para manood ng movie at bago sila manood ng Movie ay tinanong nila kung paano nagsimula ang kwento ni Hannah at Bin.
Nagkwento naman agad si Bin at ang mga nakikinig ay tila bang hayok na hayok sa chismis at naeexcite sila sa sasabihin ni Bin, nagsimula naman na mag salita si Bin sinabi ni Bin na nagsimula ang kwento nila nung makalaya na si Bin kay Drei, nung nasabi na ni Bin ang nararamdaman niya para kay Drei bago ito umuwi ng Baguio, dahil pagkatapos ng araw na yon ay naglalakad lakad si Bin at muli niyang nakita si Hannah nangungulit daw sakaniya si Hannah at halos magkaparehas ang personality ni Hannah at Drei kaya naman daw ay agad niya din itong nakasundo, inaya ni Hannah si Bin sa Kasalikasan Garden para mag usap at magpahangin at dahil daw doon ay hindi alam ni Bin at nakaramdam siya ng pagiging komportable kay Hannah at nagpasalamat siya kay Drei dahil kay Drei ay nawasak ang pader na binuo niya sa sarili niya at natutunan niya na sumugal at hindi matakot na mapalapit sa tao at mahulog. Tinanong naman nila si Hannah kung paano nagsimula kaya naman agad din itong nagkwento nung araw na naglasing si Bin nakita ko siya sa Bar at saktong birthday yun ng pinsan ko matagal na akong may gusto kay Bin, at alam ko rin naman Drei na matagal ka na din na may gusto kay Sanha dahil natatandaan mo nung inabutan ka ni Sanha ng pagkain nagtago ka pa sakin e kitang kita ko ngiti mo abot hanggang langit so ayun na nga ituloy ko na ang kwento.
Matagal na akong may gusto kay Bin ng palihim at natuwa naman ako na naging kaklase kagrupo sa research at naging kaibigan kita Drei, dahil bukod sa mabait ka ay hindi ko naman akalain na close na close mo pala si Bin pero wag mo isipin na kinaibigan kita dahil kay Bin ha, sisimulan ko na nag take advantage ako nung lasing si Bin, Hindi ko siya tinigilan at hindi ko siya iniwan na mag isa doon sa bar kaya naman ginising ko siya sabi ko ay ihahatid ko na siya pauwi, pero ayaw nya sinungitan niya ako hindi niya daw ako kailangan pero wala siyang magagawa gusto ko siya e kaya naman hindi ako nagpatalo, sinabi ko talag naihahatid ko siya at lasing na lasing siya hindi ko siya hahayaan na umuwi na magisa, hanggang sa napa payag ko siya at sinabi niya na ayaw niya nga daw muna umuwi.
Dinala ko siya sa lugar na tahimik at walang masiyadong tao doon din kasi ako pumupunta kapag malungkot ako nag uusap lang kami, nag kwento siya saakin tungkol sa babaeng gusto niya at nalungkot ako sa mga kwento niya at di ko naman akalain na ikaw pala ung babaeng tinutukoy niya habang nagkwekwento siya ay nakatulog siya saakin kaya naman inantay ko muna siya magising kaso antagal na namin naka upo doon at hindi pa din siya nagigising kaya naman inalalayan ko siya pasakay ng kotse at inihatid ko siya dito.
Sa totoo lang nakita ako ni Kuya Mj non siya ang nagalalay kay Bin kaya namumukhaan ko si kuya Mj.
“Ah ikaw pala yun kaya naman pala nung nakita kita kanina familiar ka saakin sige tuloy nyo na pano kayo napunta sa ligawan” – sambit ni Mj
Ayun po pagkatapos po nung araw na yun ay hindi naman po kami agad nakapag usap ni Bin, pero po lagi ko po siya minemessage kung okay na po ba siya kung ano na pong lagay niya, nung una nga po parang ako ung lalaki sa amin e kasi ako nagaaya na lumabas sa kaniya.
Nung mga araw na nasa Baguio si Sanha at Drei ay lagi rin kaming nalabas ni Bin at nagpupunta ng mall para magikot ikot lang at hanggang sa naging close nga po kami tapos nung umuwi naman na po si Sanha galing Baguio yun din po ang araw na umamin si Bin saakin na gusto niya na din daw po ako akala ko nga po kami na e, pero sabi niya po ay worth it daw po akong I-pursue kaya naman po liligawan niya daw po ako kaya ayun po hanggang ngayo ay nasa ligawan stage pa din po kami.
“Ang cute naman natutuwa naman kami na finally nasira na ang pader ni Bin at hindi na nga yan masiyadong masungit ngumingiti na at nanggago na” – Sambit ni Mj
“Kayo diyan Rocky at Cenia baka mamaya malaman nalang namin nagliligawan na den kayo ha sobrang dikit niyo na den” – dagdag na pangaasar ni Mj
“Hindi malabo kuya Mj ilang araw ko palang nakakasama si Cenia pero ansaya niya kasama e kayo kuya Mj jinjin at kuya Eunwoo tanda niyo na wala parin kayo lovelife ha” – pangaasar ni Rocky.
“Teka teka teka hindi malabo so may balak ka Rocky nako haaa boto ako sayo Rocky parehas kasi kayo ng ugali ni Cenia kaya sure ako na magwowork kayong dalawa” – singit ni Drei sa nagaasaran na si Mj at Rocky.
“Alam niyo ba kung bakit wala pang jowa si Eunwoo kasi mahal niya pa ex nya na si Camilla HAHAHAHAH” – pangaasar ni Mj kay Eunwoo
“Hoy Mj di mo ba alam na pinopormahan niyan ni Eunwoo ung officemate ko na si Gayoung” – saad ni Jinjin
“Wow ha parang inde mo din pinopormahan officemate ko na si Sireen ha” – pangaasar ni Eunwoo kay Jinjin
“Kawawa ka naman kuya Mj lahat kami dito lumalablayp na tapos ikaw diyan wala pa din” – pangaasar ni Sanha kay Mj
“Si Roa nalang sayo kuya Mj try mo halikan sa lips baka maging tao, malay mo mala fairy tale pala ang love story mo HHAHAHAH” -pangaasar ni Rocky kay Mj.
Nagtawanan ang lahat dahil naging taya si Mj sa asaran nila tuloy tuloy silang nagkwekwentuhan tungkol sa mga buhay nila tungkol sa mga love life nila nagtatawanan sila ng malakas, ng matapos ang kwentuhan at nakakawawa na si Mj dahil sa asaran ay nag aya nalang ito na manood nalang daw sila ng movies para matigil na ang pangangawawa sa kaniya sa love life nya.
Pumayag naman ang lahat at nagluto na ng popcorn si Mj at Jinjin naghanap naman na ng palabas sila Drei, true beauty ang palabas na napagkasunduan nila sinabi ni Drei na hindi daw iyon movie at isa daw iyon na k-drama at patok na patok daw yun ngayon sa social media dahil maganda daw ang kwento nito.
Pumayag naman silang lahat at seryoso na sila na nanonood ng kdrama. Sinusulit nila ang oras at araw habang wala pang pasukan dahil ilang araw nalang ay magpapasukan nanaman sila at napagkasunduan ng anim na lagi silang sabay na papasok at sabay sabay din silang uuwi.
Habang nanonood ay si sanha at drei ay naghaharutan, naka akbay si Sanha kay Drei naka sandal naman si Drei kay Sanha, lumipas ang oras at nangalay ang braso ni Sanha kaya naman ibinaba niya ang kaniyang kamay at naka hawak sa bewang ni Drei. Nagulat naman si Drei at bigla naman siyang nakaramdam ng init sa katawan at para bang may mga butterflies sa loob ng tiyan ni Drei. Nagkatinginan naman ang dalawa at hinalikan ni Sanha si Drei sa Noo at sinubuan ng popcorn natawa naman silang dalawa.
Habang si Bin naman at Hannah ay parehas ng ugali at mas maharot silang dalawa kaysa kay Sanha at Drei nakayakap din si Bin kay Hannah pero si Hannah ay nakakandong kay Bin at si Bin ay nakayakap kay Hannah habang hinahawi hawi ni Bin ang buhok ni Hannah at sinusubuan naman ni Hannah si Bin ng popcorn at nag aasaran ang dalawa dahil pati ang daliri ni Hannah ay kinakagat ni Bin at dinidilaan hindi sila napapansin ng iba dahil madilim sa pwesto nila at sila ay nasa dulo at seryosong nanonood ang iba. Bigla naman din hinalikan ni Bin si Hannah sa labi nito dahil may popcorn na tumalsik sa buhok ni Bin kukunin sana ito ni Hannah pero pagkatingin niya kay Bin ay bigla siyang hinalikan nito.
Si Cenia at Rocky naman ay magkatabi normal lang na nanonood at hindi maitatanggi ni Rocky na unti unti niya na din nagugustuhan si Cenia dahil parehas sila ng trip sa buhay parehas din sila na mahilig mangasar parehas na parehas sila ng ugali, magkatabi silang nanonood at nagkakadikit ang kamay nila kaya naman pasimpli si Rocky na ibunggo ng ibunggo ang kamay niya sa kamay ni Cenia at ang huling bunggo ng kamy nila ay dahan dahan na hinawakan ni Rocky ang kamay ni Cenia, nagulat naman si Cenia sa ginawa ni Rocky pero nilamig siya at kinilig dahil alam niya na nagugustuhan niya na din si Rocky kahit na mamas boy si Rocky nagkatinginan ang dalawa at ngumiti sa isat isa.
Sobrang saya nilang lahat a day well spent nanaman para sa kanilang lahat at nagkaroon na nga ng love life ang tatlong binata.
Si Eunwoo naman ay patuloy na pinopormahan si Gayoung habang nanonood sila ng movie ay inuupdate niya ito at magkatext sila naghaharutan din sila sa text kinukwento niya kay gayoung kung gaano kaproud si Eunwoo na natuto nagbago at nag improve na si Bin. Kwinento niya din kay Gaypung kung gaano naging matured ang dalawang bunso nila na si Rocky at Sanha at masaya daw ito dahil nakikita niya na masaya na ang tatlo at wala ng gulo na nangyayari at nakahanap na sila ng mga para sa kanila, bigla namang bumanat si Eunwoo kay Gayoung.
“Buti pa yung mga bunso namin dito sa bahay malapit na sagutin ng mga nililigawan nila ikaw kaya kailan mo mararamdaman na gusto kita hehe” – Banat ni Eunwoo.
“Hay nako Eunwoo dapat ikaw ang tinatanong ko niyan e kailan mo rin mararamdaman na gusto kita matagal na.” – sagot ni Gayoung
“Hala sooo pwede na kita ligawan Gayoung? Can I court you Gaypung and I promise I will give you all the love that you deserve, I like math that’s why I will give you the value that you deserve, Corny man pakinggan pero My feelings for you are not Rational, but I think that you could be my better half hehe.” – Eunwoo said na kinikilig at abot hanggang langit ang ngiti neto habang nagrereply kay Gayoung
“Daming baon pareng Eunwoo ha,” – Sagot ni Gayoung
“Awit naman sa pare mas cute pag baby kasing cute ko hihi” – sagot ni Eunwoo kay Gayoung
“Ay nauna pa ang call sign kaysa sa label ganon na pala talaga uso ngayon no diba baby Eunwoo” – Reply ni Gayoung na kinikilig den dahil matagal niya ng gusto si Eunwoo at hindi niya inaasahan na aabot sila ni