Chapter 3: Simula

4556 Words
“Good Morning Roa, inumin mo ang milk mo ha, bakit ang tahimik nila mga tulog pa ata sila.” Saad ni drei. Drei went down the kitchen para magluto ng almusal niya pero narealized niya na wala pala siyang stocks ng foods kaya naman ay nagtimpla nalang siya ng kape para ayun nalang ang almusalin niya. “Kailangan ko na palang mag grocery mamaya.” Bulong ni drei sa sarili. She turned her head sa refrigerator and tinignan ang mga schedules nan aka lagay sa refrigerator. Everyone’s schedule was there. Si kuya Jinwoo na nagtratrabaho, 7 ng gabi ang usual na uwi niya kapag hindi ito nag oover-time. Si kuya Eunwoo naman ay 6 ng gabi ang uwi kapag ka hindi din ito nag over-time. Si Rocky, Bin at Sanha naman, halos magkakaiba iba ang oras dahil sa schedule ng mga klase nila. Pinakamalapit na schedule sakanya ay si Sanha at Bin. “Kay Sanha nalang ako laging sasabay, Mukhang mabait yon e, yung Bin di man lang nangiti tsaka ang sungit nakakatakot.” -Bulong niya muli sa sarili niya. “Sinong hindi ngumingiti?” -Napalingon agad si drei ng marinig ang boses sa likod niya. Napatigil siya sa pahigop ng kape niya ng marinig ang boses na yon. Humarap siya para tignan kung sino ito. Si Bin. Ang masungit na Bin na parang laging gustong manakit sa sobrang sungit. “Ah eh w-w-wala po.” -Sabi ni drei at akmang lumakad palabas ng kusina. “Bakit mo kinakausap ung sarili mo? May nakikita ka bang hindi naming nakikita at sila lang kinakausap mo? Pag kinakausap ka namin, di ka naman nagsasalita.” -Napayuko nalang si drei sa sinabi ni Bin. “Tsk!” -Bin just shrug and pass by her pagkatapos nito kumuha ng tinapay sa kusina. Naiwan siyang nakatayo habang sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya na para bang hihiwalay na sa katawan niya sa sobrang kaba niya. “Uy drei, papasok ka na ba? Tara na?” -tanong ni Sanha at lumapit sa kaniya. “Ah o-o-oo. Saglit lang ha huhugasan ko lang tong mug ko mabilis lang wait.” -ngumiti naman sa kaniya si Sanha habang hinihintay siya nito. Drei’s POV: Ang dami ng nangyari, palipat lipat ako ng hotel na matutuluyan at mag iisang buwan nako dito sa Manila pero first time ko na pumasok sa university na may kausap at kasabay pumasok. Ang saya ko sobra as in friends naman na siguro kami ni Sanha noh? Nagkwekwentuhan na kami dito kahit na parang ewan ako kausap puro po at opo lang nasasabi ko sakanya nahihiya padin kasi ako, nag aadjust pa ako pero buti nalang may kaibigan na ako. May advantages din naman pala yung misunderstanding naming sa pag-inquire ng bahay. May bahay na ako na matutuluyan, may kasama pa akong papasok at pag-uwi na rin I guess? Instant Kuya na rin since wala ako non. Pero syempre need ko muna sila kilalanin ng mabuti lahat. Hirap pa naman magtiwala ngayon. Ah basta ang mahalaga hindi na ako mag-isang na papasok sa university at magmumukhang ewan na palakad lakad ditto hehe. Sanha’s POV: Kasabay ko pumasok si drei ngayon dahil ibinilin siya saakin ni kuya Jinjin, mahiyain siguro talaga siya, kasi ang hirap niya kausapin puro po saka opo lang ang sinasagot sakin, pero okay lang atleast nakikinig sa mga kwento ko. Baka nag aadjust pa talaga to. Pero siguro naman as time passes we’ll be more comfortable, soon siya na rin ang magkukuwento hehe. Mukha naman siyang interesado sa mga kwento ko e. First time lang na may nakinig sa mga random na kwento ko ha. Salamat sa pakikinig drei. Nakapasok na silang dalawa sa university at nakarating na sa mga classrooms nila. “Drei pag sasabay ka sakin umuwi, text mo nalang ako ha. 4pm tapos ng klase mo diba? Parehas lang tayo.” -text ni Sanha “Ahh sige po” -sagot naman ni drei “Okay” -dagdag ni sanha “Okay po”-sagot naman uli ni drei na nahihiya. “HAHAHAHHAAH, wala ka bang alam na ibang isasagot bukod sa po at opo?” -natatawang pangaasar ni Sanha. “Meron naman po hehe, nahihiya lang po kase talaga ako.” Nahihiyang reply nito. “Bakit ka naman nahihiya? Hindi ka ba kumakausap ng tao sa Baguio?” nangaasar na sagot ni Sanha “Grabe ka naman” -sagot ni Drei “Joke lang HAHAHHA, pero wag ka na mahiya saakin kasi friends na tayo e” -masayang sagot ni Sanha. “OMG tama ba pagkabasa ko sa text ni Sanha? Friends na kami?!” masayang sabi ni Drei sa kanyang sarili at hindi niya mapigilang ngumiti. “Hala totoo baaaa?” -nagulat na sagot nito “Hala bakit naman hindi?” -nagtatakang tanong naman ni Sanha. “Kasi wala pa akong kaibigan kahit isa dito sa Manila” -malungkot na saad ni Drei. “Eh yung mga blockmates mo?” -tanong ni Sanha “Hindi naman nila ako pinapansin e, parang multo lang ako sakanila e parang hindi nila ako nakikita.” -malungkot na sagot ni Drei. “Hala ka??? almost one month na kayong magkakasama hindi pa rin kayo magkakaibigan? Or wala ka pa ring kaclose kahit isa lang? Grabe naman yang mga blockmates mo e paano nalang kapag ka may groupings kayo?” -nagaalalang sagot ni Sanha. “Wala pa namang groupings e.” -sagot ni Drei. “Kaya nga paano e. Hayst, dapat ngayon pa lang makipag-usap ka na rin sa kanila para pag may mga groupings na kayo, hindi ka na mahirapan. Hilig pa man din ng mg prof sa choose your own members.” – sabi naman ni Sanha Naging mahaba haba pa ang usapan nila tungkol sa kung bakit hindi siya pinapansin ng mga blockmates ni drei, sinabi ni Sanha na hayaan nalang ang mga blockmates nito at sabay na sila palagi umuwi at pumasok para hindi na mafeel lonely si drei at di na siya nagiisa, malaking pabor naman ito kay Drei at tuwang tuwa siya dahil sa tagal niya nang nasa Manila ay ngayong lang ito nagkaroon ng kaibigan at kasama pumasok at umuwi kaya naman pumayag siya sa sinabi ni Sanha, sinabihan din ito ni Sanha na wag na mag po at opo sakaniya dahil magkaedad lamang sila. Nagkulitan sila sa text na para bang close na talaga sila at bigla naman itinigil ni Sanha ang kulitan nila sa text dahil dumating na ang kaniyang prof ganun din si Drei. Sinabihan ni Drei si Sanha na mag aral ng mabuti, ganun din si Sanha. Habang break ni drei sa klase ay nagmessage si Mj sa group chat nila. “Drei, yung pusa mo bumaba. Nandito siya sa may Sala.” -text ni Mj. “Ay hala kuya, Baka naubos niya na yung cat food na iniwan ko sa sakanya doon sa kwarto ko, sorry po kuya Mj pero pwede po bang pakibigyan nalang po si Roa ng pagkain hehe” -nahihiyang saad ni Drei. “Halaaa teka ano ipapakain ko dito?” -tarantang tanong ni Mj. “Pakakainin mo siopao kuya HAHAHHAHAH” -pang asar na sagot ni Rocky. “Gago ka talaga Rocky HAHAHAHHA”-natatawang sagot ni Mj. “Kahit ano po. Wala na kasi siyang cat food. Bibili pa po ako mamaya after po ng klase ko e” -saad naman ni drei. “Ahh okay sige ako na bahala” -sagot naman ni Mj. “Sige po, Salamat po.” -masayang sagot ni Drei. “Halaaa, teka dreii ang attitude ng pusa mo ha HAHAHAHHA” -natatawang sabi ni Mj. “Parang si kuya Bin” -pangaasar naman ni Rocky. “Ay baka mas mauna ko pang mapaamo tong pusa ni Drei sa akin kesa kay Bin.” – asar ni Mj Tapos na ang break ni Drei kaya naman nag-klase na ito muli habang ang mga kuya niya ay naguusap padin sa group chat nila, sinend naman ni Mj ang picture ni Roa sa group chat nila. Natuwa naman ang lahat at nacutan sila sa pus ani drei. Inasar naman ni Jinjin si Bin na kamukha daw nito ang pusa ni Drei, nakisali naman ang iba sa pangaasar, nabadtrip naman si Bin dahil ang ingay daw ng phone niya dahil sa patuloy na pagnonotif ng messages ng OT5. Tapos na ang klase ni Sanha at Drei kaya naman naalala agad ni Sanha si Drei na isasabay niya sa paguwi dahil nagaalala ito dahil sa mga nakwento ni Drei sa kaniya kanina nung magkausap sila. Kaya naman pagkatapos ng klase ni sanha ay agad niyang minessage si Drei. “Tapos na klase mo?” -pagtatanong ni Sanha “Uy hellooo Sanha, oo sakto kakatapos lang din ng klase ko.”-sagot naman ni Drei “Ayun sige, wait lang puntahan na kita diyan. Sabay tayo uuwi.” -masayang sagot ni Sanha “Okayyy sigeee ingat ka” -masayang sagot ni Drei Ang saya ko talaga na may kasabay nako pumasok saka umuwi grabe first time ko ito. -masayang bulong ni drei sa sarili niya. Ang saya ko talaga na may kasabay nako pumasok saka umuwi grabe first time ko ito. -masayang bulong ni drei sa sarili niya. Naglalakad na at papunta na sana si Sanha sa classroom nila Drei, pero bigla naman nagmessage sakaniya ang kaibigan niya na si Sevi, “Tol, biglaang gig daw sa The Barbs 7pm daw pre ano G ka ba?” natuwa naman si Sanha nung nabasa niya ito, pero naalala niya na nangako siya kay Drei na sabay sila uuwi kaya naman sinabihan niya ito agad na hindi sila makakapag sabay sa pag-uwi at tinext na rin si Rocky para ibilin si Drei. “Drei, okay lang ba di muna tayo sabay umwi ngayon?” – paalam ni Sanha kay Drei “May biglaang gig kasi ako or kung gusto mo sumama ka nalang?” -nagaalalang tanong ni Sanha. “Ay hala hindi na, Pupunta rin kasi akong grocery ngayon.” -saad naman ni Drei “Ahh ganoon ba, saglit itetext ko si Rocky, para masamahan ka.” -saad naman ni Sanha. “Hala wag na, nakakahiya Di pa naman kami close ni Rocky e.” -nahihiyang sagot ni Drei. “Para nga maging close na kayo e, yon ang purpose non. Paano kayo magiging close kung hindi kayo magsasama diba?” Reply naman ni Sanha “Sa bagay may point naman siya”bulong ni Drei sa kanyang sarili. Mabait naman yon medyo baliw baliw lang, tapos minsan hindi mo maintindihan kung ano ano mga pinagsasabi kaya intindihin mon a lang kung sakali. HAHAHAHAH” – dagdag na pangaasar naman ni Sanha “Grabe ka HAHAHAH” -sagot naman ni Drei “Natext ko na si Rocky, wait mo na lang siya dyan. Sorry talaga Drei, bawi ako next time hehe. ” – Reply ni Sanha “Huy hindi okay lang ano ka ba, galingan mo sa gig mo!” – sagot naman ni Drei Drei’s POV: Hala hindi ko daw makakasabay si Sanha sa paguwi okay lang naman pero sabi niya ibibilin niya daw ako kay Rocky, kinakabahan naman ako nag aadjust pa nga lang ako kay Sanha tapos ipinasa naman ako agad kay Rocky. Hindi naman nangangagat si Rocky noh? Hehe. Hala andito na si Rocky okay drei kalma ka lang wag kang mahiya, si Rocky lang yan mabuti din to para sayo para maging close mo sila at di na mahiya pag nasa bahay. Ang lakas naman ng dating nito ni Rocky nagkagulo at nagsilingunan ang mga blockmates ko. “Uy Drei!” -Pasigaw na tawag ni Rocky sa pangalan niya habang naglalakad ito papunta sa kinatatayuan niya. Sobrang lakas ng dating ni Rocky kaya naman habang naglalakad ito palapit kay Drei ay hindi maiwasan ng mga tao na mapalingon kay Rocky dahil sa kaniyang cozy aure na para bang wala kang choice kung hindi ay mapapatingin ka talaga. Campus Heartthrob ba itong si Rock? Halla baka isipin nila girlfriend ako neto tas api-apihin ako ng mga mean girls. Shhhh! Wala tayo sa w*****d Drei kumalma ka dyan. “ah u-uyy h-hello” Mahinang bati ni Drei kay Rocky. Ngumiti naman si Rocky dahilan para lumabas ang mga dimples nito. “Tara na?” Tumango na lamang siya at saka sumunod kay Rocky. “Mag-go-grocery ka noh? Ano ba gusto mo mag jeep o lakarin nalang natin papunta?” -Tanong muli sakaniya ni Rocky. Napahinto naman si Drei para makapagisip kung lakarin nalang ba nila o sasakay sila ng jeep papunta sa grocery. “Wag ka na mag-isip diyan. Tara na nga, lakarin natin para maging pamilyar ka din sa mga lugar lugar dito.” Rocky said, tapos hinawakan ang kamay ni Drei, nagulat si drei dahil hinawakan ni Rocky ang kanyang kamay pero wala naman siyang ginawa kung hindi sumunod nalang kung saan papunta si Rocky. Rocky’s POV: Kasama ko ngayon si Drei para samahan siya mag grocery dahil ibinilin siya saakin ni Sanha dahil may biglaang gig daw siya at hindi niya ito masasamahan pumunta ako sa room nila drei at pinagtitinginan ako ng mga blockmates niya kaya naman agad ko siyang tinawag para samahan ko na siya mag grocery. Napaka mahiyain talaga ata niya dahil ang iikli lang palagi ng sagot niya sa mga tanong ko sakanya at sa mga sinasabi ko. Ang tamlay naman neto ni Drei, bilihan ko kaya to ng enervon para naman mareach niya den ung pagka hyper ko dito dib asana umabot siya sana kaya natin today Drei de joke lang pero baka di lang talaga siya sanay at mahiyain nga. Nag-aadjust pa lang talaga siguro, baka first time niya makasama ng tao hahaha. Habang naglalakad sila papunta sa grocery, hindi tinigilan na kausapin si Drei para naman hindi maging tahimik ang paligid na nilalakran nila. Nang nakarating na sa grocery sila Rocky at Drei at mukhang naging close na sila dahil mahaba ang naging lakaran nila papuntang grocery, andami nilang pinamili at pinagusapan naging komportable na den si drei kay rocky dahil mabait nga talaga si rocky at madaldal habang namimili sila ay bukambibig ni rocky ang kaniyang mama dahil lagi daw siya nitong pinaglulutuan. Kumuha ng banana milk si rocky para sa sarili niya. “Lagay ko muna dito sa cart mo ha, babayaran ko yan mamaya pramis” – sabi ni Rocky “Hala sige lang, libre ko na yan sayo sa pagsama sa akin ditto.” – sagot naman ni Drei “Huy talaga ba? Nakakhiya naman pero sige di ako tatangi sa grasya hehe.” – pabirong sagot ni Rocky Nakuha na nila Drei at Rocky ang mga dapat nilang bilhin at pumila na sila sa counter para bayaran ang mga napamili. Gabi na at tapos na mamili ang dalawa. “Pauwi na kayo?” -tanong ni jinjin sa groupchat nilang OT6 “Ako nasa bahay lang naman ako HAHHAHAH” -sagot ni Mj “Pauwi na ba kayo?”-dagdag na banggit ni Mj “Ako malapit na, Bibili ba ako ng lutong ulam o magluluto ka Rocky?” -tanong ni Jinjin “Magluluto ako mga kuya” -sagot naman ni Rocky. “Yoowwwwnnn gusto ko yan” -masayang sagot naman ni Eunwoo. “Sakto kasi nag grocery kami ni Drei kaya ayun tutulungan niya daw ako magluto.” -saad ni Rocky. “Wow close na kayo Rocky?” -pagtatanong ni Mj. “Medyo palang kuya e” -sagot naman nito ni Rocky. “Nagsasalita siya?” -pagtatanong ni Bin na para bang nangaasar. “Grabe ka naman Bin HAHAHAHA” -sagot ni Jinjin “Oo kuya nagsasalita naman siya HAHAHAHHAHAH, mahiyain lang po talaga kasi siya.” -Banggit ni Rocky. “Mahiyain na nga si Drei Bin tas tinatakot mo pa, paano kayo magiging close niyan hayst hayst” – sabi naman ni MJ “Sino ba nagsabi na gusto ko siya maging close?” – reply naman ni Bin “Di mo sure Bin. Walang matigas na tinapay sa mainit na kape.” – Pang-aasar naman ni Eunwoo “Di mo sure Bin. Walang matigas na tinapay sa mainit na kape. (2)” - Mj “Di mo sure Bin. Walang matigas na tinapay sa mainit na kape. (3)” - Rocky “Di mo sure Bin. Walang matigas na tinapay sa mainit na kape. (4) ako na po para kay sanha” – dagdag pa Rocky “Di mo sure Bin. Walang matigas na tinapay sa mainit na kape. (5) Ay teka lang, oo nga, akala ko ba si Sanha ang kasabay ni Drei pauwi ha?” -nagtatakang tanong ni Jinjin. “Nasa gig si Sanha kuya, pinapasabi niya din po pal ana malalate daw po siya ng uwi” -sagot ni Rocky. “Ingat kayo pauwi ha” -singit ni Mj Drei’s POV: Tapos na kami mamili sa grocery ni Rocky at nagsabi ako sa kaniya na tulungan ko siya magluto mamaya. First time ko nalang ulit magluluto simula nung lumipat ako dito sa Manila. Sana magustuhan nila ung ihahanda at iluluto naming ni Rocky mamaya para sa kanila kinakabahan ako baka mamaya pumalpak luto ko pero gagawin ko ang best ko para masarap ung luto ko. Nakauwi na si Drei at Rocky sa bahay at nagbihis muna sila bago sila magluto, nalauwi na din sila Jinjin kaya naman inaantay nalang nila sila Rocky at Drei na magluto para sabay sabay silang kakain ng hapunan. Nagsimula na magluto sila Rocky at Drei para sa hapunan nila. “Hala tekaaa ambango ng niluluto ni Drei at Rocky haa” -masayang saad ni Mj. “Naeexcite naman ako. First time ko nalang ulit makakatikim at makakakain ng luto na di galing kay Rocky.” -masayang banggit ni Eunwoo. Natuwa naman si Jinjin kay Drei dahil nakita niya na marunong ito magluto. Ikinagulat naman ni Sanha nang malaman niya na nagluluto si Drei dahil nabasa niya ito sa message ng mga kuya niya sa group chat nila. Masaya din naman si Bin dahil sa wakas ay meron na din na isang marunong magluto sa bahay nila hindi lang si Rocky. Bigla naman dumating si Sanha sa bahay nila habang nagluluto si Drei at Rocky. Agad naman tumulong si Sanha sa dalawa magluto at maghanda ng pagkain nila. Tapos na silang magluto at maghanda kaya naman tinawag na nila ang iba para sabihin na kumain na kinakabahan si Drei dahil ngayon nalang uli ito nagluto. Kaya sana daw ay magustuhan ng mga ito ang luto niya. Agad namang nagsipuntahan ang mga ito sa hapag kainan nila at umupo para sabay sabay na sila kumain. Ikinatuwa naman ni Drei dahil nakita niya na nasarapan ang mga ito at napadami ng kain. Nginingitian naman siya ni Eunwoo dahil sobrang sarap daw ng luto niya. Nagbigay ng thumbs up sign si Eunwoo kay Drei para sabihin na nagustuhan niya ang luto nito. Si Bin din ay nasarapan din naman kaso hindi niya ito pinakita naka poker face lang ito as usual kaya naman napaisip si Drei na sana daw ay nagustuhan din ni Bin ang kaniyang niluto. Tahimik lang na kumakain si Drei habang ang mga kasama niyang mga lalaki ay maingay at nagkwekwentuhan. “Dating gawi tayo ha? Bato bato pick ang matatalo sa laro ay siyang maghuhugas ng mga pinagkainan ha, walang ligtas points dito ano deal ha?” -Mj suggested na sinang ayunan naman ng liman lalaki. “Wag na natin isali si Drei dito siya na ang nagluto para saatin e.” -Jinjin said at sabay nginitian si Drei. “Lah nagluto din ako ha” -protesta naman ni Rocky para makatakas sa paghuhugas. “Lah nag gisa ka lang naman ng sibuyas at bawang eh wag nga kami Rocky HAHAHHAAH” -Pangaasar naman ni Mj “Dali naaa, Game naaaa para makapagpahinga na ako pagod na ako galing trabaho e” -Eunwoo said at inilahad na nila ang mga kamay nila para magsimula nang maglaro nang bato bato pick. “Waw sure na sure na di matatalo yan Eunwoo?” - pang-aasar ni Mj “Syempre” – sagot naman ni Eunwoo “Gaano ka sure yan?” – pangaasar ni Mj “101% ako matatalo sa bato bato pick?” – sagot ni Eunwoo kay Mj sabay tawa. Namangha naman si Drei sa kung paano nagkasundo sundo ang anim sa kanilang usapan. Kaya naman napaisip ito na siguro ay matagal na nilang ginagawa ung ganito. “Okay talo ka Bin, pati kawali hugasan mo ha, ayusin ang paghugas ha.” -sabi ni Mj habang napapatawa na para bang nangaasar. “Salamat sa pagbovolunteer kuya Bin” Sanha said sabay tingin kay Brie. “Akyat ka na Drei sa kwarto mo, Kaya na naming tong paglilinis ng mesa.” Drei smiled awkwardly dahil nahihiya siya na hindi man lang siya tumulong sa paglinis. Nasanay kasi Siya sa Bahay nila sa Baguio na laging tumutulong sa gawaing bahay. Tinutulungan niya kasi dati ang kaniyang lola sa mga gawaing bahay, at lagi siya pinagsasabihan at pinapangaralan ng kaniyang lola na dapat ay marunong siya makisama sa mga tao, dapat din daw ay marunong siya sa mga gawaing bahay dahil babae siya at nakakahiya na hindi siya tutulong sa mga gawaing bahay. Bago pumanaw ang lola niya ay tinuturuan din siya nito magluto sinasama siya palagi kapag namamalengke at nagluluto ang lola niya kaya naman natuto siya sa mga gawaing bahay at sa pagluluto. Mahal na mahal niya ang kaniyang lola. Kaya naman natutunan niya ang mga special recipe ng kaniyang lola. “Hindi ako sanay ng hindi kumikilos pagkatapos kumain e.” -Sabi niya sabay napa kamot siya sa kaniyang ulo. “Okay lang Drei ikaw naman na ang nagluto para saamin e”. Singit naman ni Eunwoo habang nagliligpit ito ng mga plato sa mesa. Drei’s POV: Hala ang awkward dapat pala umalis na ako dito sa kusina kanina paa, dapat talaga umalis na ako kanina pa. Tanungin ko ba siya kung gusto niya ng tulong sa paghuhugas ng pinagkainan??? Sige na nga baba ako ulit nakakahiya din naman kase kaso ansungit non e pero hayaan na atleast tutulong naman ako. “Bat andito ka pa?” -Tanong ni Bin na siya namang ikinagulat ni Drei. “H-h-haa p-poo?” Nauutal utal na sagot ni Drei kay Bin dahil hindi ito mapakali sa kinalalagyan niya. “May defect ka ba sa pagsasalita mo? Bakit ba lagi kang nauutal kapag ka ako ung kausap mo?” Sabi ni Bin sabay suot ng apron sa katawan niya para hindi siya mabasa sa paghuhugas nito ng plato. “t-t-t-tulong p-poo?” – napakunot naman ng noo ni Bin dahil hindi nia naintindihan ang utal utal na sinabi ni Drei sa kaniya. “Ang ibig ko pong sabihin ay gusto niyo po ba ng tulong?” There she said it smoothly at hindi na nautal sa harap ni Bin. “Di na kailangan, Ikaw na nagluto kanina e” -Bin said pero biglang dumulas ang hawak na plato ni Bin dahilan ng pagkabasag nito. “Oops. Kailangan mo nga ata talaga ng tulong nakabasag ka na baka ievict tayo ni Kuya dito sa bahay lagot tayo niyan, nako kung nandito si kuya Mj natalakan tayo non para kasi siyang nanay e si kuya Jinjin naman pansin ko hindi marunong magalit HAHA” Kahit kabado bente si Drei sa harap ni Bin ay sinimulan niyang ayusin ang mga plato. “Marunong ako maghugas ng plato haa.” -Bin said defensively. Napangiti at para bang natatawa naman si Drei kasi she find it cute nung sinabi ni Bin yun in defensively way. Minutes passed by at natapos na rin nila ang mga hugasin. Tahimik lang silang dalawa dahil na rin sa personality nila si bin ay masungit at si Drei ay likas na mahiyain talaga. Pero maayos naman nilang natapos at nagawa ang mtask nila sa paghuhugas ng mga kinainan at pinaglutuan. “Okay tapos na din aakyat na ako” – Nagmamadaling sabi ni Drei nang makita niya ang oras. Marami pa kasi siyang tatapusin na mga gawain tulad ng mga homeworks niya. Kaya naman halos patakbo na siya habang umaakyat sa hagdan. “Salamat pala Drei sa tulong mo,” – Napahinto siya ng bahagya ng marinig niya ang boses nito. Ngumiti naman si Drei kay Bin at umakyat sa taas. Hours passed by ay natapos na gawin ni Drei ang mga gawain niya sa school. Bigla naman tumunog ang cellphone nito kaya naman agad niyang tinignan kung bakit tumunog nakita niya na nagtext sa kaniya ang kuya Jinjin niya. “Hi Drei! Tulog ka na ba???” –tanong ni Jinjin. “Uyy hello po kuya Jinjin, gising pa naman po ako. Bakit po?” -sagot ni Drei na nagtataka. “Wala lang naman drei, I just wanna check you and I just want to ask na din. How was it so far? May nagawa ba kami na di mo nagustuhan or do we make something to make you feel uncomfortable?” -nagaalalang saad ni Jinjin. “Uhmm sa totoo lang pooo kuya Jinjinnn…” -sagot ni Drei. “Go on Dreii tell me don’t hesitate to tell me everything haa.” -Jinjin said na kinakabahan na baka ay may nagawa sila. “Actually kuya Jinjin wala po,wala po kayong nagawa. Napaka bait niyo po saakin lahat, kahit unang araw ko palang po dito sa bahay na kasama niyo, para bang ramdam ko na napaka tagal ko ng kasama kayo super comfortable po.” Masayang saad ni Drei. “Talagaaa??? Wow masayang masaya ako kung ganon. Basta Drei ha pag may concerns ka kahit ano sabihin moa gad saamin o di naman kaya saakin. O di naman kaya kapag may problema ka sa school mo or sa buhay basta sa kahit ano, wag na wag ka mag dalawang isip na sabihin sakin o ishare saakin andito lang kame o ako para tulungan ka ha.” -masayang sagot ni Jinjin. “Halaaa kuya Jinjin naman e, Salamat pooo superr.”-maiyak iyak na sagot nito, dahil natouch siya sinabi ni Jinjin. “No worries Drei always remember ha ung mga sinabe ko sayo andito lang ako or kami sa tabi moo, Yung pera mop ala, ibabalik din naming agad yon once na sumahod na next month.” -dagdag ni Jinjin “Sige poo kuya Jinjin, hindi din naman po ako nagmamadali e.” -sagot ni Drei dito. “Okay Dreii, good night pahinga ka naaa!” -Jinjin said. “Good night din po kuyaa thank you po uli.” -sagot ni Drei. Drei’s POV: Hala bat naman ganoon ambabait talaga nila saakin, siguro ito na ang sign ni Lord na wag na ako mahiya sakanila hehe, siguro nga time na para hindi na mahiya sakanila. Charooot lang hehe baka mamaya pag di na ako nahiya ay itakwil nila ako dito sa bahay HAHAHAHAH ingay naman neto ni Roaa kanina pa nagmameow meow ng nagmameow meow aww nagugutom na ata ang baby sige na itoo na papakainin na kita baby ko HAHAHAH mas attitude ka pa sa amo mo e noh. San ka ba nagmana kay Bin? Parehas kayong attichona joke lang baka mamaya marinig tayo non. Aray nangangalmot ka ito na nga e papakainin ka na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD