Chapter 2:Paglipat

4997 Words
Drei’s Pov: Maganda ang gising ni Drei dahil ngayong araw ang kaniyang paglipat sa kaniyang bagong lilipatan na bahay inayos niya na agad ang mga gamit niya. Naligo na siya pati si roa ay pinaliguan niya nag impake na siya ng mga gamit niya. Hay sa wakas di na tayo maghohotel roa Bahay na talaga titirahan naten at permanente na hindi na tayo palipat lipat. Sobrang saya ko talaga, itetext ko nga si Cenia sasabihin ko sakanya na ngayon na ang paglipat ko sa Bahay na titirahan ko. “Good morning Ceniaaa!!! Lilipat na ako ng bahay ngayooon” -masayang pagbabalita ni drei kay cenia. “Good morning dreii, wala ka bang klase nagyon?” -tanong ni cenia “Wala akong klase, free day ko ang Tuesday sakto nga e buti nalang” -masayang sagot ni drei. “Ahh okay ingat ka ha alam mo ba papunta doon sa bahay?” -nagaalalang tanong ni Cenia. “Oo medyo alam ko naman kasi sobrang lapit lang ng university na pinagaaralan ko doon sa bahay na lilipatan ko isang tricycle lang tapos nandoon na ako” sagot ni drei “Nag almusal ka na ba?” -tanong ni cenia “Hindi pa nga e baka mamaya nalang magaayos pa ako e pero si roa napakain ko na siya” -sagot ni drei “Namiss ko na yan si roa mamaya usap tayo ulit ha video call, papasok na ako e may klase ako today, Goodbye and Good luck sa bagong bahay love you dreii”. Masayang sagot ni Cenia,. “Sige Cenia ingat at good luck din sa klase mo love you more Cenia byee babalitaan nalang ulit kita mamaya ha mwa.”-sagot ni drei na tuwang tuwa. Drei’s Pov: Tapos na ako mag impake at magayos ng mga gamit ko wala na ba akong nakalimutan? Check ko nga muna lahat. Mukha naming wala na kaya tara na roa check out na tayo dito sa hotel tapos lipat na tayo sa bagong bahay naten ha, sabi ko sayo ha pakabait ka wag ka mangaaway tar ana roa kumpleto na gamit naten wala na tayong nakalimutan. Good Mood ka roa ha mukhang hindi ka masyadong masungit today ha. Dapat ganiyan palagi roa ha wag ka mangaaway. Natutuwa ako kay Roa alam niya at ana sa bahay na kame titira at hindi na sa hotel. Sana mababait mga kasama ko sa bahay sana hindi sila masusungit para di ako mahirap na makisama sakanila. Andrea wag ka kabahan, eto na yon lilipat na kayo ni roa sa totoong bahay at di na hotel matuto tayong makisama pilitin natin ha fighting! Kaya naten to ay saglet message naten ung may ari para alam niya na papunta na tayo at lilipat na tayo ngayon roa. Lets go fighting! Have a nice and beautiful day saatin roaaa. Message na natin. “Good Morning po, on the way na po ako sa address, dala ko na din po ang mga gamit ko hehe.” -masayang message ni Drei. “Ah sige po, Ingat tol. Mag doorbell ka nalang doon may tao naman diyan”-reply ni Sanha kay drei. “May doorbell po”-pagtatanong ni Drei. “Wala HAHAHAHH, katok ka lang kalampagin mo ung gate ganon”-sagot naman ni Sanha. “Ahh sige po, Ano po pala pangalan niyo nakalimutan ko po itanong hehe” -nahihiyang pagreply ni drei. “Sanha, Sanha Yoon ang pangalan ko”-sagot naman ni Sanha. “Ahhh, ung pinagsendan ko po ng bayad, kasama po bay un sa bahay?”-nagtatakang tanong ni drei. “Opo kasama siya sa bahay.”-sagot ni sanha. Drei’s POV: Dahil biglang kinabahan si drei nung nalaman niya ang pangalan ni Sanha, napatanong ito siya sa sarili niya, “May babae naman na pangalan Sanha diba?”. Pero teka teka tekaaaa ung pinagsendan ko ng pera, pang lalaki ang pangalan, bat ngayon ko lang narealize??? Self kalma baka naman ganon lang talaga pinangalan sakanila kahit babae sila??? Perooo may babae bang Jinwoo Park ung pangalan??? Ahhh meron naman siguro diba, baka nga ganon lang talaga ung trip na ipangalan sakanya sige hayaan nan ga natin wag na natin masyado isipin babae naman siguro ung mga kasama ko sa bahay at ung kausap at pinagsendan ko ng pera. Baka ganon lang talaga pangalan sige eto na pala ung bahay “Manong sa tabi nalang po, Salamat po” ayan roa nandito na tayo sa bahay naten teka lang message uli naten sabihin naten na andito na tayo. “Hello po, Andito na po ako nakatok po ako pero wala po kaseng nasagot”-text ni drei “Lakasan mo, kung pwede mo ibalibag ung gate gawin mo HAHAHHAHAHA” -sagot ni sanha kay drei “Hehe mahina po kasi ang boses ko” -nahihiyang sagot ni drei. “Ahh ganoon ba sige saglet lang ha itetext ko nalang.”-pagmamadaling sagot ni Sanha kay drei dahil nasa klase ito. Kinakabahan si drei, para bang kakawala na ang puso nito sa katawan nya dahil sa sobrang kaba niya na hindi niya maintindihan dahil para bang nararamdaman niya na may kakaiba talaga at maling mangyayare paulit ulut siya sa sarili niya kung tam aba ang mga naging desisyon niya sa buhay niya. Pagkatapos mag-usap ni sanha at drei ay agad niya chinat ang mga kuya niya sa groupchat dahil nasa klase siya at magkakaroon sila ng pagsusulit. “Kuya andiyan na daw sa may labas yung bagong titira sa bahay.” “Nahihiya daw siya kumatok, tulog pa ba si kuya Mj?” “Pasimple lang ako na nagchat dito kase nagtetest na kame, naawa lang ako dun sa bagong housemate natin e” “Mukhang mahiyain ung housemate e” “Kuyaaaaa Mjjjjjj gising naaaa nagtetest pakoooo” “Pag nabasa mo to puntahan mo na sa labas ng bahay ha magtetest nakooo” -tadtad na chat ni sanha dahil ito ay nagmamadali at nagtetest pa siya. “Tawagan ko nalang si Kuya Mj” -sagot naman ni Jinjin sa nagmamadali na si Sanha “Sige kuya Jinjin Salamat test na ako.” -mabilis na sagot ni Sanha. “Gising na ako eto na papunta na ako sa gate”-sagot ni mj na wala pa sa sarili. Mj’s POV: Kakagising ko lang nagising ako dahil ang ingay ingay ng cellphone ko, tunog ng tunog pagkatingin ko ay andameng chat ni sanha at tawag ni Jinjin nandito na daw ung lilipat. Lalaki naman yun sabe ni Sanha di na ako magdadamit naka boxer naman ako baka kanina pa yun nagaantay at nagkakatok nakakahiya sige eto na nga labasin ko na para makapasok na dito. Pagkatapos magusap ni Sanha Jinjin at Mj sa group chat nila ay agad na pumuslit ulit ng chat si Sanha kay drei upang sabihin na palabas na si Mj at pagbubuksan na siya ng gate para makapasok na sa bahay. “Ayan na daw palabas na siya pre.” “Gising na pala siya pre. Kita nalang tayo mamaya sa bahay pre may quiz kame e sige bye na pre maya nalang sa bahay” -nagmamadaling text ni sanha dahil nagsasagot ito ng test. Tuloy tuloy at mabilis na naglakad palabas si Mj para buksan ang gate dahil paniguradong kanina pa naghihintay ang bagong lilipat sa kanilang bahay. Nasa pinto na siya ng makarinig siya ulit ng katok sa gate. Luh sandale lang pre, ito na nga bubuksan na oh, pwede mag wait? Ay joke kanina ka pa pala naghihintay. - Sabi ni Mj sa kanyang sarili. “Ahh sige po, Narinig ko na po ung gate na pabukas na Salamat po” -– reply ni drei kay sanha “Yown sige sige” - sagot ng lalaki sa kanya. Agad naman niyang itinago ang phone niya dahil baka mahuli siya ng kanyang prof na ginagamit ito hang nag eexam. Masayang binubuksan ni Mj ang gate para masaya ang bungad niya sa kanilang bagong housemate. Nang mabuksan ni Mj ang gate agad niya etong binati. “Welcome pa--” Drei’s POV: Hala! Ay hello po ay nakakahiya po hehe, sige pasok ka drei kunwari wala ka nalang nakita. tandan mod rei all is well ha all is well. Hala tekaaa tekaa tekaaa ano to bat parang lalaki mga nakatira dito okay drei kalma lang baka mahal na mahal niya kaibigan niya kaya may picture frame sila dito sa bahay. Kalma lang self baka naman mali ang nasa isip mo behave muna tayo dito sa sala roa ha wag kang attitude sa mga nakatira dito kalma lang tayong parehas itago ang sungay hehe. Mj’s POV: Nagmamadali ako na buksan ang gate dahil baka mamaya kanina pa nagaantay at nakatok to sa gate nakakahiya naman sa bagong housemate okay na to naka boxer lalaki naman to. Hala ka tekaaa babaeeee?! Hala nakakahiya naka boxer lang ako lupaaa kainin moa ko ay jusmeyo ka Sanhaaaa. Naka boxer lang ako nung binuksan ko ung gate tapos gantooo babae ang bungad saakin Hayop ka sanha, humanda ka saken mamaya malilintikan ka talagang bata ka sinasabe ko sayo ha. Di mo gugustuhin na umuwi ka dito yari ka samin sumbong kita kay Jinjin. Tapos na ang klase ni Sanha at ang kaniyang pagsusulit di niya alam kung bakit kanina pa nagvivibrate ang cellphone niya kaya naman agad agad niya itong tinignan at baket andami niyang text na narecieve sa mga kuya niya kinabahan naman ito ng makita niya ang mga kuya niya ang nagtetext sakaniya ng marami at tadtad kaya naman agad niya itong binasa. “SANHA YOOON!!!” “ANONG GINAWAA MOO” “UMUWI KA NGAYON DIN.” “LAGOT KA KAY JINWOO” “AY HINDI MALI, LAGOT KA SAMIN LAHAT” -tadtad na text ni mj na naiinis at nahihiya dahil sa nangyari sa kaniya. “UMUWI KA NA SANHA PARA MAKOTONGAN NA KITA HA” -naiinis na text ni Bin “Gago yari ka, Tapos na ba klase mo? Dadaanan kita diyan sabay na tayo umuwi awit sayo HAHAHHAH” -nangaasar na text ni Rocky. “Umuwi ka na pagtapos ng klase mo may paguusapan tayo Sanha” -seryosong text ni Jinjin. Sanha’s POV: Hala bakit ganito mga text nila saakin anong nagawa ko? Anong ginawa ko? Bakit parang lagot talaga ako pag uwi ko. Kabado bente ako ha pwede bang hindi nalang ako umuwi jusmeyo sanha yoon anong nagawa mo. Nalaman ba nila kuya na bagsak ako sa quiz paano naman nila nalaman yon patay lagot talaga ako pag uwi ko. Magaaral na talaga ako jusq seryoso si kuya Jinjin nakakatakot talaga lalo na si Kuya Bin patay lagot talaga, kay kuya Mj di naman ako natatakot ng ganon mukhang nanggagago pag galit HAHHAHA pero jusmeyo Lord kayo na po bahala sakin paguwi ko sasabay ako kay Rocky para medyo kalmado ang kaba ko. Drei’s POV: Hala sabi ko nan ga ba may maling mangyayare tama ang kutob ko akala ko masiyado niya lang mahal mga kaibigan nya hehe, aba puro lalaki nga sila na nakatira dito paano na to kailangan ko sabihan si Cenia tungkol dito. Anlaking problema neto pano na kaya ang mangyayare lilipat ba ako ng bahay sayang naman tong offer na to kung di pa matutuloy ang paglipat ko. Kaya ko naman siguro tumira kasama sila mukha naman silang mababait e kaso inaantay pa nila ung Sanha at Rocky para mapagusapan ang plano nila kung paano nila aayusin ang problemang ito jusq nakakahiya talaga roa behave ka lang magiging ayos den to. Text ko na nga si Cenia para alam na niya. “Ceniaaa may problema anlakii.” -kinakabahang text ni drei. “Hala bakit? Na-scam ka ba? Magkano nabayad mo?” -nagaalalang sagot ni Cenia “Hindi, hindi naman ako na-scam, pero kasi ano nagkaroon ng misunderstanding.” -kalmadong reply ni drei. “Bakit?”-tanong ni Cenia “Kala ko kasi babae sila” -sagot ni Drei,. “Eh ano ba sila?” -pagtatanong uli ni Cenia. “Lahat sila lalaki Cenia. Huhu” -sagot ni Drei. “Hala weh wait, e bakit ka nila tinanggap. Lalaki naman pala sila???” -tarantang sagot ni Cenia. “E kasi ang akala nila e lalaki daw ako. Drei ba naman pakilala ko. Kaya siguro akala nila lalaki talaga ako. Huhu.” -sagot naman ni drei. “E paano nayan ano na plano mo? Anong plano nila?” -tanong ni Cenia “Di ko din alam Cenia teka andito na silang lahat maguusap usap na muna ata sila kasama daw ako huhu kinakabahan ako pero sige bahala na.” -kabadong sagot ni drei. “Don’t be, basta message mo ko ha balitaan mo ako ha mwa”-sagot naman ni cenia. Pagkauwi ni Sanha at Rocky ay nakita niya na may babae doon sa sala nila na nakaupo at nakitang may dalang pusa kaya naman nagets niya na ang nagawa niya kaya nagalit at nainis ang mga kuya niya sakanya. Kaya naman agad itong pumunta at sa mga kuya niya at umupo sa sa sala nasa harap nila si drei. Napasabi si Sanha na akala niya ay tungkol sa quiz niya kaya galit ang mga kuya niya, Sinagot naman siya ni Rocky “Awit ka na HAHAHAH pray ka na boi” pang-aasar na sagot ni rocky kay sanha. Rocky’s POV: Ok serious mode silang lahat dito dahil sa nagawa ni Sanha pero gusto ko lang sabihin na ang cute ni ate hehe parang nakita ko na siya somewhere. Sanha’s POV: Ang cute nung pusa na alaga ni ate, gusto ko hawakan pero ang sama ng tingin nila kuya Jinjin sa akin parang pag nakipagtitigan ka mamamatay ka e ung tipong gusto kang kainin. Gusto ko talaga hawakan ung pusa kaso baka pag gumalaw ako dito bigla nalang ako hampasin nila kuya. Lord pwede po bang mag time travel, tatanungin ko na po kung lalaki or babae yung katext ko pramis. Kung hindi man po pwede, Lord take me now. Patayin niyo na lang po ako huhu. Mj’s POV: Ang sama pa rin ng loob ko dahil sa nangyari kanina nung pinagbuksan ko ng gate si ate aba naka boxer lang ako pero mas malala pa pala ung kay Sanha awit, pinatayo ba naman sa harap ng wall tapos sabay pinag squat makulit kang bata ka ha di ka man lang nagtanong HAHAHAHAH. Eunwoo’s POV: Naaawa ako kay Sanha dahil sa pinagawa sakanya ni Kuya Jinjin na parusa dahil sa nagawa niya pero at the same time natatawa ako dahil para siyang batang pinaparusahan kulang nalang pati sa asin paluhudin to tapos may dala dalang libro sige sanha keep it up squat ka lang diyan habang face the wall HAHAHAHAH. Bago maparusahan si sanha ay nagusap usap sila kasama si Drei kung paano na at anong mangyayare sa kanila. “Edi ibalik mo nalang ung binayad niya kuya” -despite being quiet, nagsalita si Bin para matapos na ang problema nila. Naiirita na rin kasi siya kase gustong gusto niya na matulog. “I can’t di ko maibabalik” Sagot ni Jinjin sakanila na napakamot sa ulo. “Naibayad ko na kase kanina sa mga bills natin, nagastos ko na ung binayad niya. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayare.” Napasampal sa noo ang lahat. Including Sanha. Kaya naman tinignan nanaman siya ng masama ng mga kuya niya na akala mo ay may pagbabanta sa buhay ni Sanha. “Kasalanan mo to”- Mj mouthed Sanha. Nakaupo padin si drei sa sofa habang hawak hawak niya ang pusa niyang si roa at nakayuko lang ito. “Teka paano ba gagawin natin? Ano na plano naten?” -saad ni Eunwoo at biglang umupo sa sofa. “Since nagastos na naming ang per ana binayad mo, kailangan naming yun ibalik yun sayo babayaran namin yun.” -tumango naman si drei sa sinabi ni Eunwoo “Kaso wala pa kaming pera e” -dagdag ni Eunwoo kay drei. “Pero ikaw na rin naman ang nagsabi na wala kang matuluyan dahil wala kang mahanap na dorm at puro puno na wala ka din mahanap na mura at malapit lang sa university mo diba?” -Tanong naman ni Rocky kay Drei at tumango lang si Drei sa sinabi ni Rocky. “Pipe ba to?” -Bulong ni Rocky sa katabi niyang si Mj at umiling naman si Mj as a sign of No. Sa nangyaring paguusap nila ay nakapag desisyon na si Jinjin kung anong balak at gagawin nila, habang si bin ay naiirita padin dahil kanina niya pa gustong matulog at magpahinga. Napagdesisyunan ni Jinwoo na tuloy lang doon na mag stay si Drei sa bahay nila total ay may sarili naman daw itong kwarto at sinabe din ni Jinjin na wag mag-alala dahil mababait naman sila at hindi silang masamang tao kaya wala dapat ikabahala si drei sakanila. “May mga tanga lang dito.” -bulong ni Mj sabay tingin kay Sanha. Napa ngiti ng pilit naman si Sanha at sabay peace sign. “Kung okay lang sayo, hintayin mo nalang mga next month para mabalik at makuha mo yung binayad mo saamin dumito ka muna for the meantime total wala ka din naman mahanap na matutuluyan” -dagdag naman ni Eunwoo. Matagal bago magsalita si Drei. Hindi dahil sa ayaw nya kung hindi ay nahihiya siya dahil hindi ito sanay na napapalibutan siya ng mga lalaki dahil sa Baguio ay nakasanayan niya na puro babae lang ang kaniyang mga nakakasama at nakakahalubilo. Pero hindi niya malaman kung bakit ung feeling niya ay comfortable siya sa mga ito. Ramdam na ramdam niya na mababait na tao talaga ang mga ito at alam niya na super safe siya na kasama ang mga ito. “s-s-sige po” – nauutal at mahinang sagot ni Drei kaya naman lumapit sa kanya ang lahat dahil hindi narinig ang sagot nito sa sobrang hina. “Nagsasalita pala siya”-singit ni Rocky at napangisi “Okay halika ituturo ko sayo yung kwarto mo para maayos mo na ang mga gamit mo at makapagpahinga ka na. Pasensya na ulit.”-Eunwoo said in a sweet tone, tinulungan niya din buhatin ang mga luggage ni drei. “Anon ga ulit ang pangalan mo?” -tanong ni Mj bago umakyat si drei. “d-d-drei p-po” -sagot ni drei habang nakayuko ito dahil nahihiya. “Andrea Lee po”. “Andrea? Hehehe sige, nga pala kalimutan mo na lang yung kanina. Sorry di ko naman alam e.” bilong ni Mj kay Drei. “P—po? Opo sige po, wa-wala po akonhg nakita. Hehehe.” Sagot naman ni Drei Ngumiti lamang si Mj kay drei pagtapos nito sumagot habang si Sanha ay pasimple na tumakbo papuntang kwarto niya para di na mapagalitan pa at maparusahan ulit nanakit ang mga legs nito dahil sa squat na pinagawa sakanya ni Jinjin. Pumasok na ang lahat sa kanilang kwarto para magpahinga at ang buong akala ni Sanha ay nakatakas na siya, Biglang tumunog ang cellphone niya at nakita ang message ni Jinjin sa group chat nila at hinahanap siya. “Nasaan si Sanha?” -pagtatanong ni Jinjin “Lumabas ka ng kwarto natin Sanha, kala mo ba naka ligtas ka na ha” -pangaasar ni Rocky. “Wag mo na asarin Rocky, di niya rin naman alam e.” pagtatanggol ni Eunwoo kay Sanha “Kahit na, chineck niya dapat kung lalaki ba o babae ung nag iinquire sakanya” -sagot naman ni Mj “Ang laking hassle or adjustments kaya ng may babae dito sa bahay akala niyo ba”-dagdag ni Bin. “Bin wag ka naman magsalita ng ganiyan.” Sagot ni jinjin” “Totoo naman e, bakit sa tingin niyo ba makakapaglakad pa kayo sa bahay ng naka hubad lang? o diba hindi na natin yun magagawa” -dagdag ni bin “Yan nga din ung naisip ko kanina e.” -pagsang ayon ni Rocky kay Bin. “Wala naman tayo choice. Kailangan din natin ung pera kaya nagastos na natin” -sagot naman ni Eunwoo. “Kasalanan ko rin naman. Dapat chineck ko ang senders name. Naexcite din kasi ako kasi may pambayad na tayo ng bills natin lalo na sa kuryente at tubig” -sagot ni jinjin “Okay na yon. Mukha din naming wala talaga siyang matutuluyan na iba.” -pagaalalang sagot ni Eunwoo. “Sorry na talaga mga kuya, kasalanan ko po ito e. E kasi naman ung pangalan niya pang lalaki e.” -singit ni Sanha “Sabihan niyo nalang ung bagong housemate tungkol sa mga rules dito.” -attitude na sagot ni Bin. “Oo ako ng bahala” -sagot ni Jinjin “Matutulog na ako mga kuya ha” -sagot ni sanha na maluwag na dahil hindi na galit sakanya ang mga kuya niya. “Nope, Sanha you need to talk to drei. Feeling ko naman same age lang kayong dalawa kaya kausapin mo siya after niya mag ayos ng mga gamit niya understood sanha?” -sagot ni Jinjin. “Pero kuyaaa” -nagaalangang sagot ni Sanha “No buts, kasalanan mo to remember?” -sagot ni Jinjin. Sumulsol naman si Mj at Rocky para asarin si Sanha. “No buts, kasalanan mo to remember? (2)” -pangaasar ni Mj “No buts kasalanan mo to remember? (3)” -dagdag ni Rocky “No buts kasalanan mo to remember? (4)” -dagdag na pang aasar din ni Eunwoo kay Sanha. Walang nagawa si Sanha at hindi na siya nakapalag dito dahil si Jinjin na ang nagsabi sakanya kaya naman napa oo nalang ito kahit na kinakabahan at nahihiya siya kay drei. Drei’s POV: Hayst buti nalang talaga settled na ang problema, may titirahan na talaga kami ni roa, pero grabe ung parusa doon sa nakausap ko pinagalitan siya ng mga kuya niya. Grabe face the wall tapos squat tapos ang sama ng tingin sakaniya ng lahat ng kuya niya panigurado siya ang bunso sakanilang anim. Pero ang cute niya ha kahit na pinapagalitan na siya tapos pinapa squat hindi siya umaangal nakakatuwa lang. kailangan ko muna ito ikwento kay Cenia baka mamaya nagaalala pa din yon sabihin ko na sakanya na okay na at settled na may matitirahan na talaga kami ni Roa. “Ysaaa, settled na dito na muna ako for a month”-masayang pagbalita ni Drei. “Are you sure? Okay ka lang? Puro sila lalaki dyan Drei. Will you able to feel comfortable?”-nagaalalang si Cenia “I think I will be okay naman don’t worry Cenia.” Sagot naman ni Drei. “Picturan mo nga silang lahat tapos isend mo saakin para you know pag may nangyari sayong masama, alam ko ang mga pagmumulha nila masesend ko agad sa mga pulis.”- pagaalalang sagot ni Cenia. “Cenia naman, pano ko hihingiin pictures nila e kanina ko palang sila nakilala hibang ka ba ghorl, saka dama ko naman na mababait sila e hihi” -sagot ni Drei. “Mas maganda ng sigurado tayo para safe ka, lalaki pa rin yang mga yan. Basta ha, Drei i-update mo ko palagi. So anon a ganap diyan ha” -masayang sagot ni Cenia. “Kinausap ako nung isa kanina ung napag-inquire-an ko.”-ani ni Drei. “Ano sabi niya? -pagtatanong ni Cenia “Nagtatanong lang kung estudyante baa ko, kung saan ako nagaaral ganon. Alam mo ba Cenia, Napagalitan siya kanina ng mga kuya niya feeling ko siya ung pinaka bunso sakanila, kawawa nga siya e HHAHAH” -masayang kwento ni Drei. “Kasi siya may kasalanan kung bakit andiyan kayo sa sitwasyon na ganiyan?” sabi ni Cenia. “Oo HAHAH pero ang cute lang kasi di siya umaangal na pinagagalitan siya.” -natatawang sagot ni Drei. “Baka nga siya ang bunso, magkakapatid daw ba sila?” -tanong uli ni Cenia “Hindi ko alam e, nakakahiya naman magtanong.” Sagot ni Drei sa nagaalalang si Cenia. “Pero deserve naman, kung di naman dahil sa kanya wala kayo sa sitwasyon na ganyan ngayon” reply naman ni Cenia. Mahaba pa ang naging usapan ni Drei at Cenia dahil sobrang daming tanong ni Cenia hindi maitago ni Cenia na nagaalala siya para sa kaibigan niya dahil si Drei lamang ang babae at puro lalaki ang kasama niya sa iisang bahay, pero napanatag naman na ito dahil nagtiwala siya sa mga sinasabi ni Drei sakaniya at ramdam naman ni Cenia na mababait at walang masamang balak ang mga ito kay Drei dahil sa mga kwento ni Drei sa kaniya. Pero sinabihan niya si Drei na kapag may nangyari kay Drei ay sabihan agad siya, kinamusta din naman ni Cenia si Roa na alagang pusa ni Drei, at sinabi nito na feel at home nga daw ang puso niya na si Roa. Nagpaalam na muna ito kay Cenia dahil magaayos pa daw siya ng mga gamit nila ni Roa. Pagkatapos niya magayos ng gamit nila ni Roa ay bigla niya na lamang narinig na ang iingay ng OT6 sa baba kaya naman napasabi siya ng “Luh bakit ang ingay sa baba?” tanong ni Drei. “Nagaaway away ba sila?” nagtatakang tanong ni Drei dahil hindi niya malaman kung bakit ang iingay ng anim sa baba. “Ganito ba talaga kapag may kasaman lalaki sa bahay? bakit nagiingay ang anim. Pagkatingin niya ay may malaking insekto sa bintana at sinusubukan nila itong hulihin pero lahat sila ay takot pagkasilip niya ay isa pala itong cricket na Malaki kaya naman takot na takot ang anim na akala mo kinakatay kung magsigawan. Natawa nalang ito habang bumalik sa kwarto niya. Sanha’s POV: Hala may cricket daw sa bintana tapos tinawag ako agad nila kuya Jinjin para kunin yun e takot nga ako sa mga insekto e jusq naman bless me Lord nalang huhu nanginginig na tuhod ko. Ahhhhh anlaki naman nito kuya e, Putek naman kasi bakit ako ung pinakuha nung cricket anlaki pa kakaibang cricket, ako lagi e porket ako ung pinakabata errrr. Narinig naman ni mj ang pagrereklamo ni Sanha kaya naman inasar niya ito. “Ay umaangal oh Jinjin” -pangaasar ni Mj “Bakit naman kasi may ganitong nilalang dito sa loob ng bahay natin HAHAHAHHAH kaya mo nay an Sanha” -pangaasar ni Rocky “Sobrang ingay naman ng mga to kunin niyo nalang yan”-attitude na sagot ni bin na nagpapahinga at nakatingin lang kay Sanha. “Oh e kung ikaw na lang kaya kumuha nito Bin?” – dagdag ni Eunwoo “Baket ako? Si Sanha yung inutusan ni Kuya Jinjin.” – sagot naman ni Bin “Hayaan niyo na si Sanha dyan, malaki na siya kaya na niya yan. Tyak dagdag yan sa parusa niya.” – saad ni Jinjin Patuloy nilang inaasar at tinatawanan si Sanha sa pagkuha at paghuli ng insekto, tawang tawa sila sa reaksyon ni Sanha, nabalot ng tili, sigaw at tawanan ang buong bahay dahil sa cricket na hinuhuli nila. Hindi rin naman nagtagal at nakuha na nila ito, hindi naman nila ito pinatay kundi pinalipad nila ito sa bintana para makalabas at hindi na bumalik pa sa loob. Pagkatapos kunin at hulihin ni sanha ang cricket ay agad na nagbalikan sila sa mga kwarto nila. Agad naman na kinuha ni Jinjin ang kaniyang cellphone upang gumawa ng group chat na kasama si Drei para kapag may kailangan ito sabihin o may emergency si Drei ay agad malalaman ng lahat at di na mahihirapan imessage isa isa. “Hi drei, gumawa kami ng gc kasama ka para just incase may mga kailangan ka sabihin o di naman kaya ay may emergency ka pwede mo kami imessage dito.” -sabi ni Jinjin “Naka save naman ang mga number namen sayo diba?” -pagtatanong ni Eunwoo. “Opo” – nahihiyang sagot ni Drei. “Welcome to the family Drei!!! Kalimutan na natin yung nakita mo kanina ha hehe” -masayang text ni Mj. “Ay opo wala naman din po akong balak na alalahanin yon hehe” -natatawang sagot ni Drei. “Hello Drei wag ka mahihiya samin ha Mga walanghiya naman kami e” -dagdag ni Rocky “Pero mababait naman kami.”-singit ni Sanha “Kayo lang.” -attitude na sagot ni Bin. “Ang alin bin? Kami lang walanghiya o kami lang yung mabait? HHAHAHAHAH” -pangaasar ni Mj. “Both yan.” -dagdag na pang asar ni Rocky. “Wag niyo i-op si Drei, ay onga pala Drei minsan ibaba mo naman si Roa, Gusto ko maging close ung alaga mong pusa e” -saad ni Sanha “Ay sige po try ko po attitude po kasi ito minsan.” -sagot ni drei “Ay meron din kaming ganyan, May pus ana attitude den” -pangaasar uli ni Mj “Sino?” -pagtatanong naman ni Eunwoo “Si kuya Bin” -pangaasar din na sagot ni Rocky. Bigla naman sumingit si Jinjin sa usapan nila at pintol ang pangaasar nila Mj at Rocky kay Bin at sinabi kay Drei na if ever na may gusto sya sabihin ay ichat lamang sa group chat nila o di naman kaya ay mag direct message nalang sakanila. Sumang ayon naman si drei at nagpasalamat sa mga ito. Tinanong naman ni Jinjin kung may pasok ito kinabukasan, sumagot naman si Drei na may pasok siya ng 7 ng umaga. Alam ni Jinjin na ang pasok ni Sanha ay 7 din ng umaga kaya naman pinapasabay n ani Jinjin si Drei kay Sanha. Pumayag naman si Sanha at sabing siya na nga daw ang bahala kay Drei. Sinabi rin ni Jinjin na pwede nya idikit ang schedule niya sa may ref para alam nila kung anong oras ang pasok at uwi nito. Sinabi din ni Jinjin na maari siya maglagay ng mga pagkain niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD