Prologue
Isang napakagandang umaga! Sa sobrang excitement ko, hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Maya-maya akong nagigising dahil akala ko ay umaga na.
Kaagad akong tumayo sa kama ko at tumalon-talon na animo ay isang batang paslit. Wala akong pakialam. Basta masaya ako!
"Wuhuuuu!" sigaw ko habang wala pa ring tigil sa pagtatatalon.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Dahil nagulat ako, namali nang lapag ang talampakan ko sa kutson, kaya naman dire-diretso ang pagbagsak ko sa sahig.
"Yaya naman, eh!" reklamo ko habang hinihimas-himas ang balakang ko. "Pakiramdam ko tuloy, nagka-stiff neck ang balakang ko."
"Puro ka talaga kalokohan, oo. Anong oras na? Mag-ayos ka na at handa na ang agahan." Nilapitan niya ako at tinulungang tumayo. Pero dahil sa matanda na si Yaya Maribel at isa naman akong dakilang pasaway, hinila ko siya at kapwa na kami nakasalampak sa sahig.
"Santisima!"
Tanging pagtili ni Yaya Maribel at ang pagtawa ko ang siyang pumuno sa kabuuan ng kwarto ko. Niyakap ko siya at hinalik-halikan sa pisngi niya. "Amoy baby talaga ang yaya namin!"
"Hay naku kang bata ka, oo! Umakto ka nga na ayon sa edad mo," saway niya sa akin at tinulungan ko naman siyang makatayo.
"Yaya... kahit anong sabihin mo, ako pa rin ang nag-iisang anak na babae ng mga Monorovia." Nakapameywang akong hinarap siya. "Ako si Maria Carla Monorovia, ang huling steel wool!"
"Santisima kang bata ka, oo! Kailangan mo nang magseryoso, Carla. Isa ka ng ganap na psychologist. Baka mas lalong mabaliw ang mga pasyente mo niyan sa iyo," sabi niya at hinila na ako papunta sa banyo na narito lang din sa loob ng kwarto ko.
"Eh, 'di bongga!"
Umiling-iling si Yaya Maribel at sinarado na ang pinto ng banyo.
Kaagad naman akong naghubad at pakanta-kanta pa. Nagsimula na akong maligo at napapangiti pa dahil dumadaan na naman sa isipan ko mga mangyayari mamaya.
Yesterday was our graduation day. I finished Psychology as our batch magna c*m laude. Dapat talaga ay Business Management ang kurso ko. Dahil ako ang magmamana ng Casa Hermana— a chain of hotels and resorts, bilang panganay sa limang magkakapatid.
Pero hindi para sa akin ang pagnenegosyo. Hindi ako tulad ng ibang anak-mayaman na sanay sa luho at nabubuhay nang marangya.
Gusto ko ng isang simpleng buhay. Mabuti na lang din at hindi ako nabibilang sa isang matapobreng pamilya. My parents are the best human being that God created. Hindi nila ako pinilit na hawakan ang buong kumpanya namin. Hindi nila kami pinipilit sa isang bagay na hindi kami masaya.
Kaya nang hilingin ko sa kanila na mangibang bansa ay hindi nila ako kinwestyon. Matagal ko nang plano na tumira sa ibang bansa at mamuhay ng isang simpleng buhay roon. Malayo sa kung anong buhay ang mayroon ako rito sa Pilipinas.
Kilala ang pamilya namin sa industriya. Na kahit saan ako magpunta ay may nakakakilala sa akin. Pakiramdam ko sa t'wing lumalabas ako ng bahay ay nalulunod ako sa mga tingin at atensyon na binibigay sa akin ng mga taong nasa paligid ko.
And for a person with anxiety, feeling suffocated with my surrounding is not healthy for my mental health. That's why I studied psychology, because I want to cure my sickness before I could help others. Isa rin iyan sa mga rason kung bakit gusto kong mamuhay sa ibang bansa, dahil walang nakakakilala sa akin. I can move freely without someone looking at me.
Ang nakakatuwang parte pa ay hindi ako nag-iisa na gusto ng isang simpleng buhay lang. Makakasama ko ang long-time boyfriend kong si Rad.
Mamaya, magkakaroon kami ng party at i-a-announce namin sa buong batch namin that we are leaving and will start our new life together abroad. We are in a relationship since we are in high school. We are planning to get marry but not now. Gusto muna naming libutin ang buong mundo at magsawa sa piling ng isa't isa.
Suportado kami ng pamilya namin and I couldn't ask for more. I am so blessed with the kind of life I have, despite of my anxiety.
Matapos maligo ay kaagad na akong nagbihis. Inayos ko ulit ang mga gamit ko sa maleta at mga importanteng bagay na dadalhin ko. Pagkatapos kasi ng party ang flight namin. Gusto naming sulitin ang bawat oras na mayroon kami.
Pagkatapos ay bumaba na ako at naabutang kumpleto na sila sa dining room.
"Good morning!" I exclaimed as I walk near the table and sat down on the chair provided for me.
"Nariyan na naman ang ate naming nakalunok ng isang speaker," sabi ni Marcus Christoff— ang sumunod sa akin, he is twenty years old. Like me, he's not also into business. Gusto niyang maging doktor.
"At isang drum ng vitamins," dagdag naman ni Marvin Cairus— ang pangatlo sa amin, he's seventeen years old. He's not also into business. He wants to be a pilot.
"At charger, laging full-charged, ehh!" sabi naman ni Marjun Cross— ang pang-apat sa amin. He wants to be a celebrity. Oo, gusto niyang pasukin ang larangan ng showbiz. Aba, artistahin kaming lahat. Sa edad na katorse ay marami na siyang naging project sa mga kilalang brand ng mga damit at perfume.
"Ahmm... wala na akong masabi dahil nabanggit na yata ninyo lahat ang p'wedeng malunok ni Ate," sabi pa ng bunso namin— si Mark Christian na nasa sampung taong gulang pa. At siya ang hahawak sa buong Casa Hermana kapag nakapagtapos na siya. He's the copycat of our beloved father. Siya ang bukod tangi sa aming magkakapatid na interesadong pamahalaan ang aming mga negosyo.
Nakasimangot akong umupo at kunwari ay nagtatampo. Napuno na lang ng tawanan ang buong hapag.
I'm so blessed enough, no... more than enough.
Matapos ang agahan namin ay hinatid nila ako sa labas ng bahay namin. Naghihintay na ang sasakyang maghahatid sa akin sa venue ng party.
"Ba't hindi ka sinundo ni Kuya Rad?" tanong ni Mark. Malapit sila sa isa't isa. Mas mukhang magkapatid pa silang tingnan ni Rad, eh.
"Nasa malapit sa kanika kasi ang venue," sagot ko naman.
"Mag-iingat kayo roon anak." Niyakap ako ni Mommy. "Always remember you have a home here."
I hugged her back. "Salamat sa lahat, Mommy. Salamat sa inyo ni Daddy."
Kumalas si Mommy sa pagkakayakap sa akin at si Daddy naman ang yumakap sa akin. "Baka pag-uwi mo, may apo na kami ng mommy ninyo."
"Daddy..." nahihiya kong sabi. Kahit na may namagitan na sa amin ni Rad, wala pa sa plano naming magkaanak. Gaya nga ng sinabi ko, gusto muna naming sulitin ang oras at panahon. Hindi rin isang biro ang pagkakaroon ng anak. Ang gusto namin, kapag nagkaanak na kami, dapat may sarili na kaming bahay.
Sa ngayon kasi, nag-iipon kami para sa kasal namin.
Matapos ang ilang minutong pamamaala ay kaagad na akong sumakay sa kotse. Kaagad kong tiningnan ang cellphone ko at wala akong makitang message or missed call galing kay Rad.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko. Baka nasa venue na at naging abala na sa pakikipag-usap sa mga batch mate namin. Nakatingin lang ako sa tanawin na nadadaanan namin. Puro nagtataasang mga building ang makikita. Pinangarap ko noon na manirahan sa probinsya. Gusto kong bumili ng property at magpatayo ng bahay roon.
Kaso...
Hindi ko alam kung saang probinsya. Laking Manila kami lahat. Kahit sina Mommy at Daddy. That's why I don't have any idea what it feels to live in a place where you can see trees and wild flowers all around. Hindi ko rin alam kung anong pakiramdam na makalanghap nang sariwang hangin.
Ano ba itong mga iniisip ko?
It was just part of my dreams in the past. Dahil ngayon, iba na ang mga plano ko kasama si Rad.
Hindi ko alam pero hindi ako mapakali. Sa sobrang excitement lang siguro ito. Tiningnan ko ang cellphone ko, walang kahit isang message galing kay Rad. Hindi naman siya ganito. Lagi siyang may message. Kada minuto nga siguro.
Huminga ako nang malalim. I need to be matured. Hindi lang sa akin umiikot ang mundo niya. Kaya kahit anong gusto kong i-message siya ay pinigilan ko. Ayaw kong maramdaman niyang kinukulong ko siya sa mundo ko.
Shet mengmeng!
Ganito ako kapag nag-iisa at tahimik ang paligid. Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip ko. Kaya kilala talaga ako bilang maingay at palatawa. It's my way of escaping the reality of what really I am.
Hindi ko namalayang nasa harap na kami ng venue. Nagpalinga-linga ako at hinanap ang sasakyan ni Rad. Ang plano kasi namin, kotse nila ang gagamitin papuntang airport. Kaya dala ko na lahat ng gamit ko para ililipat na lang sa kotse nila.
Nilingon ko si Kuya Baste. "Kuya, pakihintay muna rito Hahanapin ko lang sa loob si Rad."
"Sige, Ma'am. Magyoyosi lang ako sa labas."
Kaagad na akong bumaba at sa hindi ko malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kaba nang dumampi sa balat ko ang pang-umagang hangin.
This is weird.
Nakita ko ang mga kotse ng mga close friend namin. Iba na talaga ang nararamdaman ko.
Kuyom ang mga palad ay kaagad akong pumasok sa lobby ng isang sikat na hotel. Sa pagkakaalam ko ay sa garden ng mismong hotel na ito gaganapin ang venue.
Malayo pa lang, naririnig ko na ang ingay na nagmumula sa garden. Dahan-dahan ang ginagawa kong paghakbang. Tumigil ako sandali dahil hindi na ako makahinga nang maayos. Kinalma ko muna ang sarili bago nagpatuloy sa paglalakad. I don't have any idea what's going on with me right now.
Natigil ang paghakbang ko nang marinig ang isang pamilyar na boses.
"Will you marry me?"
Tears started to well up in my eyes. Hindi ko pa man nakikita ang totoong nangyayari, para na akong sinasaksak sa puso ko. I need to know what's going on.
Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa b****a ng garden. The moment I stepped in, all the attentions were drawn on me.
Bakit ganoon?
Bakit parang kasalanan ko pa? The way they evaded their gazes on me, it was like I'm the one to be blamed. Where in fact, I'm the victim here!
Nakatingin lang ako sa dalawang taong nasa pinakagitna ng garden. My best friend standing in front of my boyfriend— nakaluhod at may hawak na singsing.
Umiling-iling ako.
This is not happening.
Magsasalita pa sana ako pero kaagad akong nilingon ni Rad. And all I can see in his eyes were grudge and pain.
Anong nangyayari?
"Yes!" sigaw ng best friend kong tinuring kong kapatid.
Bigla na lang nagpalakpakan ang mga nanonood na mga malalapit kong kaibigan.
I can't stand this any longer.
Kaya tumakbo ako papalabas ng hotel hangga't kaya ko pang ihakbang ang mga paa ko. My sight began to blur and I can't see clearly.
Wala na akong pakialam.
I just want to run away.
Pero...
Isang malakas na pagbusina ang narinig ko. And before I could think, a car hit me.
Tumilapon ako sa malayo nang dahil sa lakas ng impact. Nagsimulang mag-ingay ang paligid ko. Nakatulala ako sa asul na kalangitan habang nararamdaman ko ang unti-unting pananakit ng ulo ko. I can smell my own blood.
I thought my life was perfect. Akala lang pala ang lahat. Dahil...
Hindi totoong happy ending ang lahat ng fairytale.