Chapter 2 : Surprise Visit
"Hi." We both greeted in unison dahilan para makaramdam ako ng bahagyang pagkailang. Pakiramdam ko tuloy ay napakatagal na simula ng makihalubilo ako sa tao, I literally don't know what to say to him after a hi!
"Ikaw na muna." Hindi ko na naiwasan pang mapakunot noo ng magsabay na naman kami, kailan pa nagdugtong ang mga dila namin?
"It's fine, you can talk first. Sabi nga nila ladies first 'di ba?" He smiled at me, 'yung tipo ng ngting makalaglag panty. I smiled akwardly at him habang pasimleng pinagdikit ang mga hita ko para masigurong walang panty na malalaglag sa sahig ng opisinang ito.
"Bakit mo po ba ako pinatawag sir?" I asked eyeing him. Damn! Bakit parang mas lalo ata siyang gum'wapo?
"Nothing, I honestly don't know either." Nahihiyang sumandal siya sa kaniyang upuan dahilan para mapangiwi ako, aba't tarantado to ah? Kung hindi ko lang boss amg mokong na to ay nasapatos ko na siguro siya.
"Wala naman pala mukhang tanga ampota," bubulong-bulong na sambit ko, crossed fingers na lang na sana hindi niya narinig, " so would it be alright, if aalis na po ako ngayon din mismo sir? wala naman po pala kayong kailangan sa akin." Nakanguso ngunit magalang pa ring sambit ko sa kaniya.
"Wait." Hinawakan niya ang pulso ko na mabilis din niyang nabitawan na tila ba napaso siya. "I have something to ask."
"What is it po ba?" Nangingiting tanong ko sa kaniya, forgive me my dear arm. Mukhang 'di muna kita mahuhugasan ng isang linggo.
"Can I ask you out sometimes? It's been a while since we both saw each other," nag-aalangang tanong niya. I hissed, aba'y dapat lang mag-alangan siya dahil hindi naman ata kasama sa trabaho ko 'yun!
At sino sa akala niya ang marupok na papayag sumama sa kaniya? Ako papayag? Syempre, oo!
"It's a bit awkward pero why not diba? You're right matagal-tagal na nga 'yung huli nating pagkikita." Bukod sa matagal na masakit pa, gagong to, first love ko na nga, first heart break pa. Edi siya na, sa kaniya na ang korona.
"Really? Walang halong biro 'yan ha?" tila nagdududang tanong niya sa akin. As if naman lolokohin ko siya? Eh role niya 'yun?
"Oo nga, ano bang tingin mo sa akin paasa? Ikaw yun no, hindi ako." I said bluntly, medyo mayabang pa nga ang tono ko. Pero ng marealize kung ano ang nasabi ko ay napatutop agad ako sa bibig ko, opps pasmado.
Natahimik siya at hindi na nakapagsalita, dahil na-aakwardan ako ay kinuha ko na ang oportunidad na ito para takasan siya at nagmamadaling umuwi, kinaya ko na ngang sumabit sa jeep kahit pa nga nakapencil skirt ako para lang makauwi agad.
I couldn't help but to grab a pillow and bury my heated face on it. Gago kinikilig ako!
Para na tuloy akong isang teenager na sinagot ng crush niya dahil sa tindi ng pagtili at pagtatalon ko ngayon sa kama dulot ng matinding kilig. Damn! It's been a few years already pero ganito pa rin pala ang epekto niya sa akin? Parang hindi naman ata tama 'yun?
Ang kaninang saya at kilig na nararamdaman ko ay bigla na lang nilipad ng hangin. Mahinang tinapik-tapik ko ang aking magkabilang pisngi dahilan para lumikha iyon ng kakatwang ingay.
"Ano ba Monica! 'wag kang marupok! Kapag ex na dapat nasa past na lang, dapat 'di mo na dinadala sa present 'yung feelings na dapat ay matagal ng wala." Tila nababaliw na pagkausap ko sa aking sarili.
Pota, maayos na 'yung buhay ko niyayanig na naman ng Anthony na 'yan.
Hindi ko maiwasang maglakad na tila isang zombie papunta sa kusina. Matapos kasi ng mahabang pakikibaka kung babangon ba ko o hihilata na lang ako ay nanalo ang sikmura ko. Puyat na puyat kasi ako sa dami ng walang kwentang bagay na ginugulo ang utak ko. Wala na tuloy akong energy para maglakad pa ng maayos, pero mas wala na akong energy para magutom.
Napahinto ako sa akmang pagkagat ko sa sandwich kong sing lamig ng yelo sa may freezer ng tumunog ang doorbell. Teka, may bwisita ako?
Nanlulumong nilakad ko ang pinto at binuksan. I tilted my head, huh si Anthony ba talaga ang nasa harap ko? I poked his nose twice at tila nagising ang diwa ko ng kumislot ito. Luh pota, siya nga!
Nanlalaki ang mga matang pabagsak na isinara ko ang pintuan. Poncio pilato o santo, santo! halos ihampas ko na ang pagmumukha ko sa salamin nang makita ang itsura ko. Para tuloy ang sarap na lang maglaho bigla.
Mabilis akong naligo, wala ng hilod-hilod! Ang importante ay basa ang buhok ko. Mabilis kong isinuot ang pink lace dress na una kong nakita at tinerno ko ang pink plumps na una kong nadaklot. Tamang suklay, kaunting pulbo at lip gloss lang ay fresh na uli akong tignan.
"Naks ang ganda naman ng date ko." Nagulat pa ako nang makakita ng kabute sa maliit kong couch. Sakto lang naman ako duon pero bakit kapag siya nakaupo lumiliit tignan?
"Hindi ako meatballs kaya 'wag mong bilugin ulo ko, basagin ko bola mo gusto mo?" Sa halip na mainis siya ay natuwa pa ang loko.
"You didn't changed at all! sadista ka pa rin," naiiling na wika niya.
"You didn't change at all! pa-fall ka pa rin," mahinang bulong ko na nasisiguro kong ako lang ang nakarinig.
"Teka nga, paano mo nalaman bahay ko?" Nakakagulat naman kasi talaga ang biglang pagbisita niya dito, subukan lang talaga niyang sabihin na napadaan lang siya at talagang makakatikim siya ng hampas ng dos por dos mula sa akin mismo.
"Secret. I'm here to fetch you, magdadate tayo remember?" ngiting-ngiti na sambit nito na animo'y nasa commercial ng toothpaste.
"SIR sigurado po ba kayong masarap dito?" nakangiting pambubwisit ko sa kaniya.
"Aba'y oo naman! Siguradong-sigurado akong masarap dito MA'AM MONIC." Kababakasan ng sarkasmo at pagkainis ang boses niya na siyang nagpangiti sa akin, pikon pa rin pala siya gaya ng dati.
Pumasok na kaming dalawa sa loob at bahagya pa akong napahinto sa gitna ng paglalakad namin ng kumati ang dulo ng ilong ko. I scratched it carelessly.
"Hoy MA'AM Monic, tara na. Mamaya mo na kamutin 'yan, kamukha mo na tuloy si rudolf." Nagpipil ng tawang sambit ng binata.
"Pasensya ka na ha? Tae ka, kung 'di lang talaga kita boss 'di talaga kita pagtitiisan." Nakabusangot na sumunod ako sa kaniya, I even make faces behind him.
He brought me to a stake house kung saan dapat prim and proper ka lagi at 'di pwedeng ilabas ang taglay na kasibaan. Nanggigil na nga ako sa paghiwa sa depotang stake sa plato ko. Nanlalaban pa kasi ang hinayupak at dahil nga may balat ata ako sa pwet ay kitang-kita ko pa ang paglipad ng kapirasong karne na nahiwa ko sa ere, sapul sa noo ang babaeng puro ginto sa katawan na nakapwesto di kalayuan sa amin.
I averted my gaze and pretend like nothing happened, napapangiwi pa ako habang dinig na dinig ko ang nanggagalaiting sigaw ng ginang na mabuting hindi nakita ang pinagmulan ng karne. Poor her.
Bumubungisngis na kinuha ni Anthony ang plato ko at siya na mismo ang naghiwa ng karne para sa akin.
"How did you know na galing ako sa sakit ng mag-apply ako? Pati bahay ko alam mo. Stalker kita no?" Pinaningkitan ko siya ng mata habang sunod-sunod ang subo. Wala siyang pakealam kung para akong patay gutom dahil gutom talaga ako.
"I saw you in a coffee shop. Tapos sinundan kita, I was the stanger who helped you when you passed out at your doorway. I was also the stranger who brought you medicines and food daily hanggang sa gumaling ka, and I was also the one who dropped the envelope in your mailbox when I found out you lose your job." Mahabang paliwanag niya na ikinaawang ng bibig ko. Ano raw? I really owe him that big?
"Hala! True ba? Thank you Sir, it really means a lot," nakangiting pasasalamat ko sa kaniya. What does it mean? Do he still care about me?
"No prob, but Monic may I ask kung bakit naisipan mong umalis sa bahay niyo?" nahihiyang tanong niya sa akin.
"Me and my mom's new family doesn't get along kaya napilitan akong umalis para iwas na rin sa gulo at samaan ng loob." Kibit balikat na tugon ko sa kaniya.
Nginitian ko siya na sinuklian naman niya pabalik. Matapos naming mamasyal at maglaro sa arcade sa mall ay hinatid na rin naman niya ako pauwi. Parang nakalimutan ko tuloy lahat ng bigat na dinadala ko kahit sandali nang dahil sa kaniya.
"Thank you." I gave him a genuine smile.
Binalot niya ako sa isang mainit na yakap bagay na ikinangiti ko. That day made me realize na hindi pa rin pala talaga siya nagbabago sa mga lumipas na taon. A part of him is still the man that I once loved.