Chapter 1
Chapter 1 : The CEO
Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago tuluyang pumasok sa loob ng isang napakaganda at napakatayog na gusali sa harapan ko. Hindi ko maiwasang mamangha sa elegante at napakakintab na mga letrang RGC sa itaas mismo ng entrance, iyon ay pagpapaikli ng kahulugang Rivera Group of Companies.
Iisang tao lang ang kanina pa paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko. Isang tao na hanggang ngayon ay pilit ko pa ring ibinabaon sa limot, and all I could do right now was nothing, but to hope na ang may-ari ng kumpanyang ito ay walang kinalaman sa taong iniisip ko, pinanghahawakan ko ngayon ang katotohanang marami namang tao ang magkakahalintulad ng apilyedo.
Ilang minuto na rin siguro ang nakalipas simula ng makapasok ako sa loob, ngunit heto ako, parang isang batang ligaw na nakatayong nagmamasid lang sa mga empleyadong dumaraan sa harapan ko. Kinikilatis ko muna nang mabuti ang kanilang kilos at galaw, naghahanap kasi ako ng taong pwedeng mapagtanungan, 'yun sanang taong mukhang matino at hindi namimilosopo para hindi masira ang araw ko.
"Ma'am excuse me, pwede po bang magtanong?" Mabilis kong nilapitan ang isang babaeng mukhang nasa mid-40's na, kababakasan kasi ito nang magaang awra kumpara sa iba kanina.
"Ano ba iyon hija?" Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin, kasing amo ng kaniyang mukha ang kaniyang tinig.
"Curious lang po kasi ako kung sino po ang company owner?" I asked her shyly, baka kasi isipin niyang chismosa ako. Ewan ko ba naman kasi sa sarili ko kung bakit naisipan kong mag-apply ng hindi man lang nangalap ng impormasyon sa kumpanyang papasukan ko, para tuloy akong sumabak sa isang digmaan na walang dalang armas.
"Ang pamilya Rivera iha. Nakikita mo ba 'yung gwapong lalaki na iyon? Isa sya sa anak ng may ari nito at siya ang kasalukuyang CEO." Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang ituro nito ang malaking litrato hindi kalayuan sa pwesto namin. I gasped dramatically, I should have known! Bakit ba kasi sadyang napakatanga ko?
Nakaramdam ako bigla ng kaba at panlalamig, dapat ay nahinuha ko nang mangyayari ito. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na magkikita pa rin kami, but I never expected it to be this early, hindi pa ako handa! Mukhang tadhana na ata ang kumilos para muling magtagpo ang landas namin ng taong minsan ng dumurog sa akin.
"Gwapo nga po." Bahagya akong napatigil sa sinabi ko, wait, what? Hindi ko talaga alam kung bakit parang minsan ay may sariling isip na ata itong bunganga ko, "salamat po," naiilang na dagdag ko. Hindi ako makatingin sa mata ng ginang nang makita ang nanunudyong tingin nito, panigurado namang narinig niya yung sinabi ko.
"Walang anuman hija," nakangiting tugon nito. Mabilis akong umalis duon para mawala ang hiyang bigla na lang gumapang sa sistema ko.
Muli akong naupo sa may waiting area para pakalmahin muna ang sarili ko. Ilang minuto na akong parang tanga na nakatunganga lang nang napagdesisyonan kong tumayo na sa wakas at magtanong sa isa sa mga empleyadong dumaraan.
Sa sobrang pagiging lutang ko ay nakalimutan ko ng itanong kanina sa ginang ang talaga sanang itatanong ko. Wala akong balak magtanong sa front desk dahil mukhang nasalo ng empleyadong nakapwesto doon ang lahat ng sama ng loob sa mundo. Hindi sa pagiging judgemental pero mukha kasi talagang bubugahan niya ng apoy ang sinumang lumapit sa kaniya base sa pagkakasalubong ng makapal na kilay niya.
Malawak akong napangiti nang may nakita akong isang napakaganda at palangiting babae, she's probably in the same age as mine. Mukha namang mas mabait ito kaysa sa nasa front desk so I decided to approach her without any hesitation.
"Hi ma'am, pwede po bang magtanong?" I asked formally nang makalapit na ako sa kaniya. I even gave her my brightest smile, yung ngiting pang toothpaste commercial.
"What can I do to help you po ba ma'am?" She smiled back making the size of her high cheekbones double, hindi ko alam kung gutom na ba ako dahil nagmukha pa iyong siopao sa paningin ko.
"San po ba yung location HR department dito? I have a scheduled job interview po kasi today," nakangiti pa ring tanong ko. Mag-aapply pa rin ako kaya bahala na! Eh ano naman kung siya ang magiging boss ko? Kung sakali mang matanggap ako ay masiyado namang malaki ang kumpanyang ito para magkita kami araw-araw.
"Iyon lang ba? Just go straight to that elevator ma'am." She pointed the elevator behind me na di naman gaanong kalayuan, "15th floor, sa may huling pinto sa corridor, just knock at least three times then may lalabas na employee para mag-asikaso sayo." She explained clearly na agad ko namang nakuha.
"Thank you so much ma'am. Ako nga po pala si Monica Castillo," pagpapakilala ko sa kaniya at inilahad ang kanang kamay ko na mabilis naman niyang tinanggap.
"No problem, it's my job anyway. I'm Cheradee, Cheradee Castillo," ani niya na mas lumawak pa ang pagkakangiti, hula ko ay siya yung uri ng taong natural na palakaibigan at masiyahin, yung tipong pati makakasalubong na langaw ay babatiin.
"Ayos mag-kaapelyido pa pala tayo," natatawa na may halong pagkagulat na sambit ko sa kaniya.
"Hahhahaha, Oo nga eh kapag may kailangan ka or natanggap ka na rito 'wag kang mahihiyang lumapit sa akin. Di hamak naman na mas approachable ako dun kay Bea," pabulong niyang sinabi ang mga huling kataga, pasimple rin niyang inginuso 'yung babaeng nakapwesto sa may front desk na agad kong ikinatawa, hindi ko itatangging may katotohanan iyon.
"Salamat uli. Nice meeting you po." I smiled at her genuinely, nararamdaman kong magkakasundo kami.
"No problem, and please drop the po. Mukhang hindi naman ata nagkakalayo ang edad natin. Nakakatanda pakinggan," nakangusong bulalas niya, "sige na baka kanina ka pa hinihintay sa HR." She said as a matter of fact.
"Oo nga pala! sige na, see you when I see you." Binigyan ko muna siya ng maliliit na kaway bago tuluyang tumungo sa elevator.
I sighed, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na kaya ko to, kahit pa nga ex-boyfriend ko ang magiging boss ko. I badly needed a job right now at kung matatanggap man ako dito ay gagawin ko na lang talaga ang best ko para iwasan siya. Nakakapanghinayang din kasing pakawalan ang magandang salary offer at kumpletong benefits na inaalok ng kumpanya niya.
Gaya ng nakagawian ko ay bumuntong hininga muna ako para mawala ang kaba sa sistema ko. Lumabas na ako ng elevator at sinunod ko ang mga sinabi ni Cheradee, kumatok ako ng tatlong beses sa pintong nakita ko sa may dulo ng corridor at maya-maya pa'y lumabas ang isang maganda at may makurbang katawan na babae.
"Hi po." I smiled shyly. Bigla ay hindi ko alam ang dapat sabihin, nakakaintimidate naman kasi ang awra ng babae kaya muling bumalik ang kaba ko.
"Mag-aapply ka ba?" Sa halip na pagbati pabalik ay masungit niyang tanong ang sumalubong sa akin.
"Ahhh-- ehhh, opo?" Napapahiyang tugon ko, may kutob ako na katropa nito 'yung nakapwesto sa may front desk kanina eh, pareho kasi silang naninindak ang itsura. Mahirap na bang maging mabait?
Pero seryoso, ano kayang problema ng kumpanyang ito? Bakit kaya 'yung mga mukhang sumalo ng isang katerbang sama ng loob ang mga iniatas nila sa mga posisyong madalas humarap sa maraming tao?
"Just sit over there and wait for my call." She pointed the waiting area inside. Napagtanto kong marami rin pala kaming mag-aapply kaya mukhang mapapatagal pa akong nakaupo lang dito. Pabalang niyang iniabot ang isang maliit na piraso ng papel sa akin at nagmamagandang tinalikuran ako. Napakamaattitude naman nu'n, pwede namang iabot ng maayos eh.
Ilang oras at segundo na ang lumipas pero sitting pretty pa rin ako. Halos tubuan na nga ng ugat ang paa ko sa tagal ko ng naghihintay ay nakakaramdam na ako ng antok dala ng pagkainip.
"Number 36?" Biglang sigaw nung babaeng maattitude.
"Ako po yun!" Mabilis ako napatayo dala ng pagkagulat nang matawag ang numero ko, bigla ay nagising ang inaantok kong diwa.
"Pumasok ka na," masungit na saad niya, nakataas pa ang nga ang kanang kilay na pinasadahan niya ako ng tingin.
I mentally rolled my eyes, hindi maikakailang napakasungit nito. Maganda at sexy nga pero kung makapagsungit akala mo siya ang nagmamay-ari ng kumpanyang ito. Nakakainis! Ang sarap lang hampasin ng dos por dos para magpantay ang kilay niya.
"Hello po, magandang hapon po." I smiled cheerfully at her pero isang irap lang ang isinukli niya sa akin.
"Ma'am Kim, call me ma'am Kim," mariing sambit niya. Naiiritang iniabot ko sa kaniya ang folder na naglalaman ng requirements ko.
Iinom na sana ako mula sa bottled water na binaon ko nang mapukaw ang atensyon ko ng isang puting sobre sa loob ng bag ko. Bigla ay nagtalo ang magkabilang bahagi ng utak ko, nalilito kung dapat ko bang ibigay o hindi.
Last week kasi ay nawalan ako ng trabaho dahil nagsara na ang bangkong pinagtatrabahuhan ko. Then, just yesterday bukod sa electrical at water bill nakita ko rin ang sobreng ito sa mailbox. Nakapangalan ito sa akin at nakalagay naman ang Rivera Group of Companies bilang sender. Ang laman ng sulat? Job offer.
Sa huli ay pinili ko na lang na ibigay iyon sa kaniya, may kasama kasing memo sa loob ng sobre na nagsasabing ipakita ko iyon sa mag-iinterview sa akin. Her brows furrowed while scanning the piece of paper, "What's your name?" She asked suddenly that made me curious, kanina pa siya nakikipag-staring contest sa curriculum vitae ko pero hindi niya manlang pala pinagtuunan ng pansin ang pangalan ko? I mentally face palmed, this woman is impossible!
"Monica Castillo," mabilis kong tugon. She stood up from her swivel chair and phoned someone before sitting back.
"Tanggap ka na." She rolled her eyes but I was too happy para punahin pa iyon, hindi na ako nagtanong pa kung bakit wala ng interview na naganap. May trabaho na ako and it's all that matters. Bakit ko kukwestiyunin ang isang biyayang gaya nito? I was really upset for the past few weeks dahil kataka-takang sa kabila ng accomplishments ko sa dati kong workplace ay walang tumatanggap sa akin and it was awfully frustrating beyond measure! Sa sobrang panlulumo at desperasyon ko nga ay pumasok pa sa isip ko ang ipakat sa mga poste ang kopya ng CV ko!
"Pero next week pa ang start mo. According to the CEO kagagaling mo lang daw kasi sa sakit," malumanay niyang pahayag ngunit hindi pa rin nawawala ang katarayan sa tinig niya, siguro ay in born na iyon.
Curiosity hit me, paano kaya nalaman ng lalaking iyon? I wanted to ask her, pero mas pinili ko na lang ang manahimik, naiimbyerna na kasi ako sa katarayan niya, kotang-kota na siya.
"Leave, marami pa akong interviewhin." Ipinatong niya ang folder ko sa kanang bahagi kung saan nasa limang piraso pa lang ang nakalagay. Sa tingin ko ay 'yun ang folder ng mga aplikanteng natanggap. Nakita ko kasing bitbit iyon kanina nang mga nauna sa akin.
Lumabas ako ng napaka-saya, hindi lang dahil sa katotohanang natanggap ako, iyon ay dahil na rin sa isiping inaalala pa rin niya ang lagay ko kahit na hindi naging ganoon kaganda ang paghihiwalay namin.
Sa sobrang saya ko nga ay hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa gawi ko si Cheradee.
"Monica diba?" She asked and I nodded with a smile as a reply.
"Pwede ka bang sumama sa akin?" magalang na tanong niya na agad ko namang pinaunlakan kahit na may pagtataka pa ako kung bakit.
Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero patuloy ko lang siyang sinusundan, nagulat na lang nga ako ng huminto kami sa tapat ng isang pinto na may isang pilak na placard ang nakakabit kung saan nakaukit ang isang pangalang napaka-pamilyar sa akin. Mabilis na naningkit ang mga mata ko sa nabasa, Anthony Nash Rivera.
"Pasok ka na lang sa loob, kakausapin ka raw kasi ni sir after his meeting. No worries, patapos na rin naman 'yun," tila kinikilig niyang sambit, na ikinaawang ng bibig ko. Ano daw? Bago pa ako muling makapagtanong ay taas baba ang kilay na tinalikuran na niya ako.
Hindi ako tanga para hindi mapagtantong opisina ni Anthony ang nasa harapan ko, ang hindi malinaw sa akin ay kung ano ang dapat naming pag-usapan. Namalayan ko na lang nga na ang kaninang saya na nararamdaman ko ay napalitan na pala ng kaba, at excitement? Hindi ko sigurado kung anong nararamdaman ko o kung ano ba ang dapat kong maramdaman. I heavied a deep sigh bago nakangiwing pinihit ang seradura, bahala na nga.