Rozel NAPANGANGA si Rozel sa narinig niyang sinabi ni Arc. Nahinto siya sa sanay pagpahid dito ng gamot. Nakatingin siya sa asawa niya na seryosong-seryoso ang tabas ng mukha. Gusto sana niyang isatinig kung nagbibiro lang ba ito. Pero hindi niya magawang ibuka ang bibig. Nakatingin lang siya sa kanyang asawa na matiim namang nakatitig sa mga mata niya. Ang kamay nito ay marahan pa ring humahaplos sa pisngi niya. Pero wala doon ang atensiyon niya kundi sa pagbuka ng bibig nito. "Gusto ko ng magka anak tayo. Pumapayag ka ba Rozella? Naitikom niya ang nakaawang na labi at malalim na lumunok. "S-Seryoso ka ba? Kasi..Ahm..Ano..Ahm." Para siyang timang na hindi alam ang gustong sabihin. Paano ba naman kasi siya makakapagsalita, gayong kung titigan siya ni Arc, tagos na tagos. Tila nais din

