Rozel TULAD ng inaasahan ni Rozel. Nagbago sa nakalipas na araw ang pakikitungo sa kanya ni Arc. Mas malamig pa ito sa yelo kung pakiharapan siya. May mga oras na hindi siya nito hinaharap o kinakausap. Kahit anong pilit niya na kausapin ito upang makahingi ng tawad sa mga sinabi niya, na alam niyang nakasakit sa damdamin nito. Hindi pa rin siya nagkaroon man lang ng pagkakataon. Lagi kasi itong umiiwas. Sa laki ng bahay, magkasalubong man sila. Hindi naman siya nito tinatapunan man lang ng kahit saglit na sulyap. At aminin man niya o hindi. Alam ni Rozel na nasasaktan siya ng labis sa pambabaliwala ni Arc sa kanya. Para bang bumalik na naman sila sa simula. Noong mga panahon na hindi rin siya nito pinapansin. Noon, halos araw-araw nagdarasal siya na sana magbago ang pakikitungo ni Arc

