R-18 (warning) Rozel SA KAUNA-unahang pagkakataon makakasamang mamasyal ni Rozel ang asawa niya. Maaga silang umalis ng bahay. Hinayaan siya ni Arc na magpasya kung saang lugar niya gustong mamasyal. At ang napili niyang lugar ay sa amusement park sa tagaytay. Narinig niya ang tungkol dun kay Roan. Maganda raw doon. Hindi pa niya iyon napapasyalan. Isa pa, unang araw iyon na nakasama niya ito sa labas kaya gusto niyang maging memorable iyon para sa kanila bilang mag asawa. "Pwede bang sa rollercoaster na lang tayo unang sumakay?" Masayang tanong niya sa asawa na bigla na lang sumungit ang mukha habang nakatingin sa kanya. Nakagat naman niya ang ibabang labi. "Kung ayaw mo okay lang naman." May kabang aniya na ikinabuga nito ng hangin. "Bakit dun mo gustong sumakay? Hindi naman 'yon p

