SINUBUKANG umalis ni Rozel sa bahay ng ninong niya ng araw na iyon. Natatakot man siya sa kanyang gagawin. Nangingibabaw naman sa kanya ang kagustuhan na makita ang kanyang mga magulang. Ilang araw na magmula ng mapunta siya sa poder ng ninong niya. Nangungulila na siya sa mga magulang niya. Gusto niyang alamin sa kanyang ama kung may katotohanan nga ba ang sinasabi ng ninong niya. Pero ang inaakalang pagtakas ay hindi rin niya nagawa. Dahil nakakailang hakbang palamang siya palabas ng bakuran ng harangin siya ng dalawang naka unipormadong lalake. "Bawal po kayong lumabas Miss Rozel. Magagalit po si Sir." Napalunok siya dahil sa sinabing iyon ng isang lalake. Hindi niya alam kung paano magsisinungaling para lang payagan siya ng mga ito na makalabas. Pero kailangan niyang umisip ng pa

