Rozel MAAGANG nagising si Rozel para maghanda sa pagpunta sa bahay ng mga magulang niya. Noong nakaraang linggo pa ang mga ito umalis ng mansion at bumalik sa bahay ng mga ito. Nang malaman niya na buntis siya. Agad niya iyong ipinaalam sa mga magulang. Kaya naman nagpumilit ang ina niya na subukan daw niyang magpaalam sa asawa niya—na kung maaari mag stay siya sa bahay ng mga ito kahit isang linggo lang. Noong una hindi agad pumayag si Arc. Baka daw makasama sa kanya ang bumiyahe pauwi sa kanilang probinsya. Sinabi pa nga nito na mas mabuting ipasundo na lamang niya ang mga magulang niya para doon na lang mag stay sa mansion. Pero dahil may trabaho ang itay niya kaya hindi ang mga ito makaluluwas. Sabi rin ng inay niya, makabubuti para sa kanya ang klima sa probinsya. Kaya naman kahit

