"KASAMA n'yo ba si Gab, Hugh?" tanong ni Lara sa kaibigan at kabanda. Lampas alas nuebe na nang gabi, wala pa si Gabriel. Hindi naman nagpaalam na matatagalan sa labas. Kung hindi man makakauwi ng maaga, magti-text o tatawag ito. Wala siyang natanggap na kahit ano mula nang umalis ang lalaki. Nasanay na si Lara na kapag may lakad sa labas si Gabriel, ang pinaka-late nitong uwi ay seven thirty. Kung lumampas sa oras, magti-text o tatawag na. Nang gabing iyon, mag-aalas diyes na, wala pa si Gabriel at wala rin kahit text o tawag! Sinong hindi mag-aalala? Seven PM, nagsimula nang mag-alala si Lara. Seven thirty, kinabahan na siya. Eight PM, hindi na niya nagawang umupo. Palakad lakad na lang siya habang naghihintay ng text o tawag. Nine PM nagtatawag na siya sa mga kaibigan nila. Tinawaga

