GUSTO kong isipin na needy lang ako, na sobrang lungkot ko lang, o nami-miss ko si Mig kaya nagiging weird ang heartbeat ko 'pag nagkakalapit kami ni Gabriel. Hindi isang beses lang na paulit-ulit kong kino-convince ang sarili ko na wala akong dapat ikatakot sa feelings ko. Na ang nararamdaman ko, connected lang din sa parehong mukha ng lalaking mahal ko at ng lalaking kasama ko ngayon sa unit—kaya may hindi ako maipaliwanag na pakiramdam. Pero pagkatapos ng isang kiss na iyon, pagkatapos ng ilang minutong nag-stay si Gab sa room ko nang araw na dumating si Myca—'yong titig niya, 'yong hawak niya, 'yong mga sinabi niya, lahat naiwan sa isip ko. Mas naguluhan ako nang habang tumatagal, parang mas nakakalito na lalo ang mga nararamdaman ko. Si Myca. Ang pagdating ni Myca sa unit, nakatulo

