"LARA?" Napapitlag siya sa boses ni Gabriel. Narinig niya ang tunog ng pagbukas ng pinto kasunod ang mga yabag nito palapit sa kama. Hindi siya tuminag, pasimple lang na pinunasan ang basang pisngi. Naramdaman niya ang pag-upo ni Gabriel sa gilid ng kama niya. Nakatalikod si Lara sa direksiyon ng pinto. Hindi nito makikita na umiiyak siya. "Lalabas kami ni Myca," sabi ni Gabriel. "Gusto raw mamasyal. Ngayon lang nakalabas ng Tarlac. Sasamahan ko muna," paalam nito sa kaswal na tono. "Babalik ako ng lunch. 'Wag ka nang magluto. Ako na'ng bahala sa lunch natin. "Okay. Thanks..." Dapat pala, hindi na siya sumagot. Tunog galing sa pag-iyak ang boses niya. Naramdaman niya ang mas paglapit ni Gabriel. "Are you crying?" "No..." "No?" ulit nito, nakalipat na sa kabilang bahagi ng kama. Nasa

