7

1727 Words

NAKAAWANG ang bibig na napapatig na lang si Lara kay Gabriel. Walang tigil sa pagbanat ng kanta ang lalaki. Nakatatlong kanta na ng Linkin Park, halos mapatid na ang litid sa leeg. Siya ang nahirapan sa ginagawa nito. Ngayon naman, si Bon Jovi na ang hinahamon. Mas sumisigaw kaysa kumakanta. Ang kutob ni Lara, may problema si Gabriel. Pawis na pawis na ang lalaki. Napailing siya. Sa mga buwang nakasama niya ito, alam na ni Lara kung kailan maganda ang mood at kung kailan may problema. Dalawang bagay lang kasi ang ginagawa ni Gabriel kapag may gumugulo sa isip o may inaalala—tumatawa sa hindi nakakatawang topic at bumanat ng kantang matataas. Para lang may excuse ang pagsigaw. Kapag wala sa stage ang Heart's Limit, hindi niya naririnig si Gabriel na kumakanta ng mabibilis ang beat at maka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD