KATABI ni Lara ang mahigit tatlong buwan nang buntis na si Myca. Mrs. Jack Rheus Benitez na ang kaibigan. Pagkatapos malaman ni JR ang dahilan kung bakit tutol ang ina ni Myca sa relasyon ng mga ito, nagpakasal sa huwes ang dalawa. Nagulat na lang silang lahat na mag-asawa na ang mga ito. Naka-set na rin ang kasal ng dalawa sa simbahan anim na buwan pagkapanganak ni Myca. Nasa condo ngayon umuuwi si Myca. Naaasar ang babae kay JR. Napaglilihihan yata ang asawa. Ayaw makita at laging inaaway pero sumama naman sa kanya sa bar kasi nami-miss daw. Naaaliw si Lara sa dalawa. Si Lara ang kakanta sa last set ng Heart's Limit pero may changes bigla. In-inform siya ni Hugh na may guest singer sila. Requested daw ng isa sa mga VIP na nasa audience. Hindi na inalam ni Lara kung sino ang VIP at sino

