Chapter 18: Amera
“CHEERS!” sabay-sabay na itinaas namin ang wine glass at ininum ang laman nito.
Maingay sa paligid dahil sa malakas na tugtog ng DJ at ang sigawan at tawanan ng mga customer na nagsasayaw sa dance floor.
“Whoa! Ang tapang nang lasa nito!” komento ni Mazeke.
“So, kumusta Raizer?” tanong sa akin ni Jersyn.
“Never been better,” wala sa sariling sagot ko at tumawa naman siya.
“Seriously, bro? Try to move on kasi minsan,” suhestiyon naman ni Miles. Hindi naman ganoon kadali ang mag-move on. Kung alam mo rin na kasalanan mo.
“It’s hard,” sambit ko at naramdaman ko na tinapik ni Miles ang balikat ko.
“Subukan mo pa rin.”
“If I will trying to move on, does it mean ay kakalimutan ko na talaga siya? No way! Sobrang nasaktan ko siya noong iniwan ko siya noon tapos kalilimutan ko nga siya and then now? No way to hèll,” sambit ko at tumayo ako. .
“Raizer! Where are you going?!”
“We’re still drinking, bro!”
“Let him go, he need to be alone, again...”
Naglakad lang ako patungo sa exit at nang tuluyan na nga akong nakalabas ay umupo ako sa isang sulok.
“Quinna...sweetheart... Where are you, love? Magpakita ka naman sa akin, oh! Alam ko naman na...buhay ka pa, sweetheart... love...” Heto na naman ako umiiyak na naman ako. Palagi na lang eh... Bakit ba kasi ang bilis nang pangyayaring iyon? Ni hindi pa ako nakakapagpaliwanag sa kanya ay bigla na lamang siya mawawala? “Quinna...”
“Minsan kasi kausapin mo muna ang tao at magplano kayo ng maayos. Hindi iyong ikaw lang ang nagpaplano sa lahat, kaya hayan bye-bye agad.” Napaigtad ako sa gulat nang may biglang nagsalita at umupo sa tabi ko.
“W-What the fvck?! You scared me!” sigaw ko at narinig ko ang tawa niya.
“Funny, eh? Long time no see, Sanchez. Kumusta ang mga inaanak ko?” tanong niya sa akin at napakunot-noo naman ako. Man makilala ko na kung sino ang babaeng bigla na lamang sumulpot.
“Same to you, where have you been? You know, he’s looking for you,” sambit ko at ngumiti siya sa akin nang mapait.
“Somewhere far away from him? Sometimes we need to be alone, lalo na kung sobra na tayong nasasaktan. We need to be selfish muna,” malamig na sambit niya.
Nalaman ko ang nangyari sa kanya a year ago, and I know she was in pain. Sobra-sobra rin siyang nasaktan at nag-give up din siya.
“For what? Being alone is fvcking hard you know,” I said.
“Uh-huh, but at least nakapagpahinga tayo. So, kumusta ka? Ang triplets? You need a mother? What if I volunteered to be your wife?”
natatawang sambit niya. Alam kong nagbibiro lamang siya.
“Funny? You have twins and a husband who waited for you. Just go home. Matuto ka ring magpatawad sa taong naging tangá rin sa pag-ibig,” sambit ko na parang may pinaghuhugutan pa.
“And how about you? Do you think she can forgive you, knowing that you left her?” makahulugang tanong niya at mabilis na napatingin ako sa kanya.
“Tell me, may alam ka ba?”
“What if, I’ll say yes? Do you think I’m going to tell you the truth, Sanchez?” Kinikilabutan talaga ako sa malamig niyang boses. No doubt that she’s dangerous, a ruthless and powerful business woman.
“Best friend mo iyon, eh. Dapat may alam ka,” sabi ko.
“Yes of course. Let’s have a deal,” nanghagamon niyang sambit.
“What deal?”
“Hindi mo sasabihin sa iba ang nalalaman ko at hindi mo rin sasabihin sa ‘kanya” na kung nasaan ako sa mga oras na ito,” sabi niya at napangisi ako.
“Updated, eh? You’re still love him?" I asked her.
“Shut up! How about you? You’re still love her kahit na wala na siya?” balik na tanong naman niya sa akin.
“She’s still the one I love at hindi pa siya pàtay. Alam ko iyon dahil nararamdaman ko pa rin siya,” I uttered. Humalakhak lang siya sa narinig.
“Fvcking seriously, Sanchez? Ang sakit, ’di ba? Ang sakit pala magmahal. Minsan nga ay mas gugustuhin mong huwag na lang umibig pa pero that’s life and life is full of surprise. Come on. I’ll take you somewhere,” pag-aaya niya sa akin.
“What?” gulat na tanong ko.
“Deal? Can you trust me?”
“Deal, yes, how about you?”
“Deal,” aniya at nakipagkamay pa siya sa akin. Nakasuot siya na puro black lahat at may facemask pa.
“Takot kang makita niya?” nakangising tanong ko habang naglalakad na kami.
“Bàstard, baka siya ang matakot sa akin,” natatawang sagot niya.
“Naka-move ka na ba? Are you okay now?” curious kong tanong.
“Never been better,” walang emosyon na sagot niya. Nagulat naman ako sa isinagot niya. I guess we’re same situation.
“Why? I thought, it’s better to be alone like what you said,” saad ko.
“Yes, but... may kulang pa, eh,” sagot niya at nagkibit-balikat.
“What is it?”
“None of your business,” mahinang sambit niya. “Hop in, Sanchez, and prepare yourself, okay?”
Kinabahan ako sa tanong niya kaya tumango na lang ako. Hindi ko naman kasi alam kung para saan pa ang paghahanda ko.
Sumakay ako sa kotse niya at mabilis naman siyang pumasok saka siya nagmaneho.
Ilang minuto kaming tahimik sa loob ng sasakyan at nakakakilabot talaga ang aura niya. Pero alam ko na naging matalik na kaibigan siya ni Quinna.
“She’s alive,” she said out of nowhere.
“W-What?” gulat na tanong ko sa kanya at bumilis ang t***k ng puso ko.
“Amera, she's alive.”
“H-How? I know, s-she’s alive but... Itinago mo siya?” gulat na tanong ko sa kanya.
“I need to, Sanchez, because of your mother and someone else, I guess?”
“W-Where is she?” nauutal na tanong ko.
“Paradise Island,” she replied.
“Fvck.. don’t tell me. Doon ka nagtago kasama siya?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Funny? No, hindi naman ako nagtatago, eh. I’ll just want to be alone, tss, and of course Amera need to hide Hersey too. She’s injured, Sanchez,” mariin na sabi niya at kumalabog ang kaba sa dibdib ko. Bigla akong natakot.
“What?”
“She lost her memory at sensitive ang kalagayan niya ngayon, kung may pamilyar man sa kanya ay bigla siyang hihimatayin. So, sa case mo? Hindi mo dapat sabihin sa kanya kung sino ka at kung sino rin siya. Dahan-dahan lang,” paliwanag niya sa akin. Fvck! Gaano naman kalala ang injury niya?
“So, isang estranghero na lamang ako sa kanya kung ganoon?!”
“Yes, so her name is Annique.”
“Annique...”
“Hayaan mo na lang siya makaalala, Sanchez.”
Fvck! Okay lang, okay lang sa akin kung nawala iyong alaala niya at least buhay siya. Iyon ang mas mahalaga sa akin.
“But...”
“Ikaw ang bahalang lumapit sa kanya, just be careful, please...” pakiusap niya.
“Thank you, Aurora...”
***
Paradise Island
Pagdating namin sa Paradise Island ay sandali ko muna itong pinasadahan nang tingin saka ako bumaba sa kotse.
“Sa loob lang ng isang taon ay rito mo siya itinago?” tanong ko sa kanya habang naglalakad na kami.
“Yes, so... are you excited to see her?”
“Of course,” mabilis na sagot ko.
“In that way, you have a personal doctor para matingnan siya?” she asked me.
“Malaki ang binayad mo rito dahil matagal kayong nakatira,” sabi ko.
“Tama ka, ibinenta ko na ito last year,” sabi niya na sinabayan pa nang pagtango.
Sa sinabi niya ay automatikong napatingin naman ako sa kanya.
“Kung ganoon, sa ’yo ang islang ito?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Yes,” she answered and shrugged her shoulder.
“B-Bakit mo naman ibinenta ito?” interesadong tanong ko.
“Alam mo, ikaw. Masyado kang madaldal, ha. Tss.” Tumahimik na lamang ako. Ang sungit niya, ah.
Pagpasok namin sa hotel ay tinungo namin agad ang floor ng penthouse ni Aurora.
“Bakit nasa penthouse ka pa rin?”
“Ibang penthouse na ’yan.” Pinindot muna niya ang doorbell bago niya binuksan gamit ang spare key. May susi naman siya pero bakit pa siya nag-bell? “Come in,” pag-aaya niya sa akin at mabilis din akong sumunod sa kanya.
Tiningnan ko ang kabuuan ng kuwartong ito, malaki siya at maganda ang pagkakadesinyo nito.
“Pearls, ikaw na ba ’yan?” Pakiramdam ko ay huminto ang oras nang marinig ko ang malambing na boses niya. Ang boses ng babaeng mahal ko na noon ko pa gustong marinig. “Pearls...”
My heart skip a beat when I saw her. Nakatayo lang siya at parang maayos lang naman ang kalagayan niya.
“Quinna...” sambit ko sa pangalan niya at gulat agad ang rumehistro sa maganda niyang mukha nang makita niya rin ako.
“R-Raizer? A-Ano’ng...ginagawa mo rito?” gulat na tanong niya sa akin pero hindi na ako nakasagot pa. Dahil mabilis na lumapit ako sa kanya at ikinulong ko siya agad sa mga bisig ko.
“B-Buhay ka... Buhay ka, Quinna... T-Thanks God, buhay ka, sweetheart...” Hinayaan ko na lang ang mga luha kong tumulo at niyakap na lang ng buong pagmamahal si Quinna. “Buhay ka...”
“R-Raizer, I...can’t b-breath...”
“Raizer?” sambit ko sa pangalan ko at mabilis na kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tiningnan siya. “Raizer? Kilala mo ako kung ganoon? N-Naaalala mo ako, sweetheart?” tuwang-tuwa na tanong ko sa kanya.
“Ano? Ano ba ang pinagsasabi mo?” naguguluhan na tanong naman niya sa akin.
“Quinna... ang sabi sa akin ni Aurora ay m-may amnesia ka. Paanong...”
“Sinabi na naman niya iyon? Pearls...”
“I forgot to tell him that I’m just kidding. Joke ko lang naman ang amnesia, Sanchez,” nakangising saad niya at napaawang ang mga labi ko.
“K-Kung ganoon...” Ikinulong ng mga palad ko ang mukha niya tiningnan ko siya sa mga mata niya. “Nakakaalala ka talaga?”
“Biktima rin ako riyan.” Bigla namang may sumulpot na isang lalaki. Siya ’yong... lalaking nakasama ni Quinna sa hospital.
“Mapaglaro talaga itong kaibigan namin,” aniya at inakbayan pa niya si Aurora.
“Surprised,” Aurora uttered.
“N-Natakot na ako, akala ko...nakalimutan mo na ako...” Kinakabahan na sambit ko.
“Ano siya, ikaw? Nagkaroon ng amnesia and then nakalimutan ang nakaraan tapos binuntis mo pa ang kaibigan ko?” malamig na sambit ng lalaki sa akin.
“Shut up, Levi. As if hindi mo rin ginawa iyon?” ani Aurora.
“Oh? Ikaw rin naman, ah,” laban pa nito.
“Gàgo ’to, babae ako kaya huwag ninyo akong itulad sa inyo. Tss...”
“Quinna, ayos ka na ba? Wala ka bang sakit o ano?” tanong ko sa kanya.
“Okay lang naman ako---” hindi niya natapos ang sasabihin niya nang bigla na lamang siyang nawalan ng malay at mabuti na lamang ay mabilis ko siyang nasalo. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko.
“Quinna! A-Ano’ng... Quinna, hey wake up! Sweetheart... fvck! What happened to her? Quinna...”