Chapter 19
“BUHATIN mo na lang siya papasok sa kuwarto niya,” kalmadong sabi ng lalaki at mabilis na sinamaan ko siya nang tingin.
“Gàgo ka ba? Nahimatay na nga siya tapos sa kuwarto ko pa siya dadalhin?! Hindi ba dapat sa hospita?!” pagalit na tanong ko sa kanya at tinaasan niya ako ng kilay.
“Pigilan mo ako, Pearls. Pigilan mo akong suntukin ang kolokoy na ito.”
“Ayoko, calm down, Sanchez. She will be fine.”
“Fvck! Ano’ng maayos lang siya, eh hinimatay na nga siya!” natatarantang sigaw ko.
“Calm down, Raizer Jack Sanchez. She’s just sleeping. That’s the main reason why I need to hide her from you and others,” sabi naman ni Aurora. Ano ba talaga ang mayroon?
“Pero bakit...siya hinimatay?”
“Three or four times in a day siya nawawalan ng malay. Thankful lang kami kung sa loob lang ng isang araw ay hindi siya nagco-collapse. Don’t worry, pina-check up na namin siya and she’s fine naman. Normal na raw iyon sa kanya lalo pa na naaksidente siya at na trauma sa nangyari one year ago,” paliwanag pa niya na ikinagulat ko lalo. Naaksidente?
“Dalhin mo na siya sa kuwarto niya at dahan-dahan lang sa pag-aalala. Baka kasi ikaw ang dalhin namin sa hospital, eh. Aalis na ako kung magigising na siya. Alagaan at bantayan mo siya nang mabuti. Sa oras na malaman ko na iniwan mo na naman siya...magtago ka na,” banta sa akin ng lalaki.
“Right, this is the last time na pinagbigyan ka namin, Sanchez. Naawa lang ako talaga ako sa ’yo, eh.”
“Thank you, then,” sabi ko at maingat na binuhat ko na lang si Quinna.
“Nasa left side ang kuwarto niya,” sabi ni Aurora.
Maingat na ibinaba ko sa kama si Quinna at inayos ko pa ang pagkakahiga niya. Kinumutan ko siya pagkatapos at umupo ako sa gilid ng kama.
I caressed her cheek and stared at her face. I felt relief and happy at the same time, when I finally seeing her alive and she’s now in front of me.
Mahimbing na natutulog na siya. Nakaramdam din ako ng kaba at takot kanina ng nalaman kong madalas siyang hinihimatay at nangyayari ito sa kanya araw-araw.
“Sweetheart, I miss you...” I whispered and I leaned my head to kiss her lips.
Tears falling down on my cheek. Sa loob ng dalawang taon na nakalipas without her in my life ay hindi na ako naging maayos pa. Ni hindi na ako nakakatulog pa sa gabi sa kaiisip sa kanya.
To think that she’s gone and I can’t hug her again, but right now... I'll assure that, hindi na siya mawawala pa sa akin. Hindi ko na hahayaan na masaktan pa siya nang ganito.
“Good night, sweetheart.” I kissed her forehead.
QUINNA AMERA’S POV
I woke up one morning at hindi na pamilyar sa akin ang kuwarto. A color white, dark brown and black wall. A big room and if I am not mistaken ay kuwarto ito ng isang lalaki.
Babangon na sana ako nang maramdaman ko na may mabigat na bagay na nakapatong sa bandang tiyan ko.
Hinawakan ko ito at akmang tatanggalin na sana ito nang matanto kong isang braso pala ito.
“W-What the...” I was shocked when I saw him, Raizer.
B-Bakit siya narito? At nasaan naman ako? Magkatabi ba kaming nakahiga, siguro ganito kami magdamag?
Nagulat din ako sa biglaan niyang pagdating sa penthouse ni Pearls at hindi ko inaasahan iyon. Akala ko kasi ay ukod kina Levi at Pearls ay sila na lang ang nakakaalam tungkol sa akin.
Oh, my children too...
I was about to removed his arms when he suddenly hug me tightly. Napalunok ako nang maramdaman ko ang mainit na paghinga niya na tuma-tama sa leeg ko. Oh, dàmn...
Tinignan ko siya at mahimbing ang tulog niya. Inangat ko ang kaliwang kamay ko para sana hawakan ang kanyang pisngi.
“I missed you, Raizer...” bulong ko at sa gulat ko ay bigla siyang nagmulat ng mga mata.
“I missed you too, sweetheart,” aniya at hinalikan pa ako sa noo. Nag-init naman ang magkabilang pisngi ko dahil sa ginawa niya.
“Good morning...”
My heart skip a beat, heto na naman ang pamilyar na pakiramdam. Ganito lang ito sa tuwing nandiyan siya at nasa tabi ko lang.
Dàmn it, Raizer ni hindi ka kinalimutan ng puso ko.
“Daddy!” Napatingin naman ako sa pintuan nang bigla itong bumukas at napangiti ako nang makita ko roon si Quinne.
“My daughter...” mahinang wika ko at gumalaw sa tabi ko si Raizer. Inalalayan pa niya akong bumangon.
“Oh my, God! It was true that you’re here na, Mommy!” gulat na saad ng anak ko at patakbong lumapit sa amin saka siya sumampa sa kama.
Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula kay Quinne at narinig ko ang mahinang paghikbi niya. I hugged her back...
“Quinne...”
“I-I really missed you, Mommy. B-Bakit ngayon ka lang po?" naiiyak na tanong niya sa akin at hinaplos ko ang buhok niya.
“I’m sorry, baby...”
“Mommy! Mommy!” Isang malakas na sigaw ni Jacky na naman ang narinig ko at papasok na sa loob ng kuwarto. “Mommy!” Tulad nang ginawa ni Quinne kanina ay patakbo itong lumapit sa amin. Nakita ko ang mga luha niya sa kanyang pisngi. Minsan ko lang nakikitang umiiyak ang anak kong si Jacky. “M-Mommy...”
Niyakap ko rin si Jacky at mula sa nakabukas na pintuan ay naroon naman si Jecky. Nakatayo lang siya at seryoso ang mukha.
“What are you waiting for Jecky? Hug your Mom,” sambit ni Raizer at dahan-dahan itong naglakad palapit sa amin.
“Welcome home, Mommy,” mahinang bulong niya na sapat na upang marinig namin.
Tears fell down on my cheek and I felt... complete again. But suddenly dark wrapped me again...and everything went black.
RAIZER JACK’S POV
NANG makita ko ang panghihina ni Quinna ay mabilis ko siyang inalalayan. Bago pa siya mawalan ng balanse mula sa pagkakaupo niya.
“Quinna...” I uttered her name.
“D-Daddy... What happened to my Mom?” kinakabahan na tanong ni Quinne sa akin nang makita ang Mommy niya na nawala ng malay.
Dahan-dahan ko munang inihiga ang Mommy nila. “Nag-sleeping beauty lang si Mommy, baby,” sagot ko sa anak namin.
Nang tingnan ko naman sila ay mukhang naguguluhan sila sa nangyayari.
“She’s okay lang po ba, Dad?” nag-aalalang tanong sa akin ni Jacky.
“Yes, she need to rest, son. Iwan na muna natin si Mommy,” sambit ko at bumaba na sa kama. Inalalayan ko silang makababa pero mas pinili naman ni Jacky ang titigan ang Mommy niya. “Come on, son,” tawag ko sa anak niya at saka lang siya gumalaw.
“She will be fine right, Daddy?” seryosong tanong nito sa akin at tumango lang ako.
Tuluyan na kaming lumabas mula sa kuwarto at dumiretso sa kusina. Kaninang madaling araw ay dinala ko si Quinna rito sa condo ko.
Natutulog pa siya nang bumiyahe kami kanina at hindi man lang nagising. Hindi naman puwedeng manatili rin ako sa islang iyon. Eh, nandito pa ang mga anak namin. Hindi sila puwedeng iwan dito.
“I will cook for our breakfast,” sambit ko at isa-isa ko pa silang inalalayan na makaupo.
“Daddy, can I ask you something?” tanong ni Quinne at napatingin ako sa kanya. Nakaupo ito at nangalumbaba sa table.
“Ask away, honey,” sabi ko at lumapit ako sa refrigerator para tingnan ang puwede kong lulutuin ngayon.
“Hindi na po ba aalis si Mommy?” tanong niya sa malungkot na boses.
“Hindi na, anak,” sagot ko at sinulyapan ko siya para ngitian.
“Talaga po, Daddy? Hindi na po siya aawayin ni Grandmommy?” tanong naman ni Jacky at natawa ako.
Hinarap ko ang tatlo at ngumiti sa kanila. “We’ll protect your Mom,” sabi ko.
“I’ll protect my Mom,” mariin na sambit ni Jecky.
“Me too po!” malakas na sigaw ni Jacky.
“Oh me too, Daddy!” segundo naman ni Quinne.
“What’s going on here? Bakit sumisigaw kayong lahat?” Sabay-sabay na napatingin naman kami sa pinanggalingan ng boses na iyon.
“Mom...” sambit ko at bigla akong kinabahan. Hindi lang siya nag-iisa. May kasama pa siya.
“Hi, honey,” bati kaagad sa akin ni Myrah at mabilis siyang lumapit sa akin.
Bago pa man niya ako mahalikan sa labi ay mabilis na dumistansya na ako.
“What are you doing here, Mom?” malamig na tanong ko sa aking ina.
“We’re here to announce you na malapit na ang kasal ninyo ni Myrah, son,” sabi nito at nawala ang ekspresyon ng mukha ko.
“Ano’ng kasal na naman, Mom?” pagalit na tanong ko sa kanya.
Ano naman kaya ang kahibangan na naisip ni Mommy at may kasalan na namang magaganap?
Sinabi ko na sa kanya year ago na hindi ako magpapakasal kahit kanino mang babae at kumakalas na ako sa relasyon namin ni Myrah.
“Son, you can’t stop me. Ako ang Mommy mo at ako lang ang pakikinggan mo,” sabi pa niya.
Napamura na ako sa isip-isip ko. Wala na nga sa katinuan si Mom. Palagi na lamang niya akong kinokontrol.
“Honey, naka-schedule na ang wedding day natin. All you have to do is to prepare yourself, alright?” masayang saad ni Myrah at napatiim bagang ako.
Kalokohan ang magpakasal sa babaeng hindi ko naman mahal.
“Sinabi ko na sa inyo na hindi ako magpapakasal sa kahit na sino riyan! Mom, hindi ko pakakasalan si Myrah! Tigilan ninyo na lamang po ako!”