CHAPTER 14

1659 Words
CHAPTER 14: The Truth “W-WHAT, Mom? What are you---” “Raizer!” sigaw ko sa pangalan niya nang bigla na lang siyang hinimatay at bumagsak sa sahig kaya mabilis ko siyang dinaluhan. “Raizer, wake up!” Tinapik ko ang pisngi niya para gumising siya. Pero nakapikit lang ang mga mata niya. “Mommy!” tawag sa akin ni Quinne at nang sulyapan ko siya ay nangingilid na ang mga luha niya. “She’s not your ]Mom, baby,” sita ni Madame Sanchez sa anak ko. Sino siya para sabihin iyon na hindi ako ang Mommy ng mga anak ko! Wala naman siyang alam, eh! “No! She’s my Mom! Mommy!” Pilit na kumakawala si Quinne sa pagkakahawak sa kanya ng tauhan ni Madame Sanchez pero ayaw nilang bitawan ang bata kahit nagwawala na ito. “Mommy ko!” naiiyak na tawag niya sa akin, sensitive talaga siya pagdating dito at mabilis siyang umiyak. “Kunin niyo ang anak ko at ilayo siya sa babaeng iyan,” utos nito. “Raizer!” Napatayo ako nang kunin na nga ng tatlong lalaki ang walang malay na si Raizer at imbis na dalhin nila ito sa ER ay inilabas pa nila. Nag-aalala ako sa kalagayan niya. Alam kong nagulat siya sa nangyari. Kung bakit ba kasi walang pag-iisip ang kanyang ina at padalos-dalos siya. “Impostor! This is all your fault!” sigaw sa akin ng Mommy ni Raizer. Mas kumukulo lang ang dugo ko sa kanya. “Hindi ako impostor, baka ’yung kasama mo ang peke! Tauhan mo siya at sino ka para paratangan ako sa bagay na iyan?!” sigaw ko sa kanya. Wala na akong pakialam pa kung mawalan na ako ng galang sa kanya. Nakagagalit lang siya dahil dinadamay niya ang mga batang walang kamuwang-muwang. “Oh? May pruweba ako na si Catherina ang tunay na ina ng mga apo ko," nakangising sabi niya. Nababaliw na talaga siya. “How sure you are, Madame? Wala kang alam tungkol ss buhay ko,” paghahamon ko sa kanya. “Ikaw!” Tinaasan ko ng kilay ang babaeng kamukha ko dahil sa biglaan niyang pagturo sa akin. “Kinuha mo sa akin ang mga anak ko, Quinna! Dinukot mo sila! Hindi ba ay ikaw ang doctor ko noong ipinanganak ko ang triplets?! Ikaw iyon, hindi ba?! Walang hiya ka talaga!” Nanigas naman ako mula sa kinatatayuan ko kaya nang sinabunutan niya ako sa aking buhok at hindi ako agad nakagalaw. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. What the fvck she’s talking about? Ang galing niyang mag-drama, ah! “Bitawan mo nga ako!” sigaw ko at pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa buhok ko. “Walang hiya ka talaga!” “Pareho na talaga kayong baliw ni Madame Sanchez!” sigaw ko pa. “Mom! Mommy, please help us! Mommy!” Naririnig ko ang mga pag-iyak nila. Shet talaga itong lola nila. Ang sarap tadyakan, oh. “Quinne... Jecky.” Paulit-ulit na sampal ang natanggap ko sa babae, mabuti na lamang ay hapon na at wala ng masyadong tao rito sa OR. “Mommy, that’s enough.” Napahinto naman ako nang marinig ko ang boses ni...Jecky. “J-Jecky?” gulat na sambit ko sa pangalan niya. Bakit...b-bakit ang babaeng ito ang tinatawag niyang Mommy? Don’t tell me... naniwala siya agad? “Let go of her, Mom. Sasama na po kami sa inyo,” sabi pa ni Jecky at parang sinaksak lang ako ng patalim sa dibdib ko. “Oh, tama ’yan, apo. Catherina is your biological mother not that Quinna!” sigaw pa ni Madame Sanchez. Napaka-hopeless na niya. “What did you say, Jecky? She’s not our Mom!” saad naman ni Jecky na halos mamula siya sa sobrang inis na nararamdaman niya. Kapag galit talaga siya hindi niya tinatawag kuya si Jecky, sa pangalan lang talaga nito. “Enough, Jacky. She’s really our Mom not her,” pagtanggi pa ni Jecky. Mariin akong napapikit dahil sa pagsikip ng dibdib ko. What the héck? Naniwala agad siya sa demonyang ina ng Daddy niya? Isang malakas na sampal pa ang natanggap ko ulit at napapikit ako sa hapdi nito. Wala talaga akong nagagawa kapag nasasaktan pati ang puso ko. “Hindi pa tayo tapos, Dra. Quinna. Let’s go home, babies,” natatawang pag-aya pa niya sa mga anak ko. Alam ko naman na nasisiyahan dahil napaniwala niya ang mga bata. Oh, God! She has a mental disorder. I’m sure of that, halata sa mga kilos at bawat galaw niya. Kailangan na nga niyang magpagamot bago pa lumala ang sakit niyang iyon. Pss. “Mom! Mommy, no!” umiiyak na sigaw nina Jacky at Quinne. I’m sorry, babies, I’m so sorry... Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko ang taong makakatulong sa akin. “H-Hello?” Napahinto naman ako nang sinagot niya ang tawag pero ang boses niya ay parang kagagaling niya lang sa pag-iyak. “What happened to you, Levi?” nag-aalala kong tanong sa kanya. “Quinna...” “What? May nangyari ba?” Kinakabahan ako sa kanya, ah. Hindi naman siya iyakin na tao, eh. “Quinna, I already found her,” he replied. Alam ko na kung sinong ‘her’ ang tinutukoy niya. Iyon ang babaeng matagal na niyang hinahanap. “Then bakit yata malungkot ka pa kung nahanap mo na nga siya?” tanong ko at umupo ako sa bench. “She’s... may mga anak ako sa kanya, Quinna,” he said. Mga? Hindi lang ba isa ang anak niya? “What do you mean by that?” I asked him again. “N-Nag kaanak kami at kambal, a boy and a girl but...pareho silang may sakit, Quinna. B-Bulag ang anak kong si Deno at si Denny... she need to undergo surgery as soon as possible. Quinna, ang tanga tánga ko... This is my karma, I guess... This is my fault...” Ramdam ko ang sakit at poot ni Levi para sa sarili niya. Sinisisi niya ang sarili niya dahil sa ginawa niya. “Calm down, Levi. Hindi ndi mo ’yan kasalanan, okay?” pag-aalo ko sa kanya dahil naririnig ko ang pag-iyak niya mula sa kabilang linya. “Quinna, what should I do now?” he asked. “Bawiin mo sila, bawiin mo ang mag-iina mo, Levi. May pagkakataon ka na itama ang pagkakamali mo sa nakaraan, Levi. This time ay bumawi ka na sa kanila at bawiin mo rin silan kailangan ka nila, kailangan ka ng mag-iina mo,” sambit ko. Iyong tipong may problema rin ako ay heto ako ngayon. Nagbibigay pa ako ng advice para sa best friend ko. Eh, ang mga anak ko ay na kay Madame Sanchez ngayon. “Thank you, Quinna, gagawin ko iyan at bakit napatawag ka?” tanong niya sa akin. “Si Raizer kasi, nalaman na niya na may mga anak siya at sa akin pa na hindi naman niya naaalala kung sino ako,” sagot ko at bumuntong-hininga. “Oh... I know that feeling, Quinna. I know that, sobrang sakit na malaman mo na may mga anak ka na tapos hindi mo pa alam. Kaya sabihin mo na rin sa kanya ang totoo at magpaliwanag ka sa kanya,” sabi niya. “Ano ba ito advice para sa isa’t isa?” natatawang sambit ko. “Yeah, I guess.” Narinig ko rin ang pagtawa niya. “I’ll hang up this phone, Levi. Balitaan mo na lamang ako kung mabawi mo na ang mag-iina mo,” ani ko. “Baka mahihirapan ako kasi galit siya, but I’ll do my best mabawi ko lang ang mag-iina ko.” Napangiti ako sa tibay ng kalooban niya. Nasa boses niya rin na handa siyang gawin ang lahat para sa mag-iina niya. “That’s good to hear, Levi. Okay, bye goodluck.” “Thank you.” Binaba ko na rin ang tawag. Hindi ko na muna guguluhin pa si Levi may problema rin ang isang iyon at alam kong mahihirapan talaga siya. Pero kayang-kaya niya iyon. Hindi naman siya agad sumusuko ng ganoon-ganoon lang. Pinindot ko naman ang numero ng isang tao pang makakatulong sa akin. Aside from Levi ay may kaibigan din ako na puwedeng tumulong sa akin. Kung ruthless at heartless man kung tawagin si Levi ay sobra-sobra rin ang isang ito. Dangerous business woman. “Hello?” malamig na sagot niya mula sa kabilang linya. “This is Quinna, where are you?” I asked her. “I’m here in the hospital, why?” Ang lamig talaga ng boses niya kahit over the phone pa. “Bakit nasa hospital ka?” nagtataka kong tanong sa kanya. “May sakit kasi si Papa, eh,” sagot niya. “Wrong timing ba ako?” “Nope, what’s your problem, Amera? I sense that you need me.” Grabe ang talino ng isang ito, eh. Wala pa akong sinasabi ay malalaman na niya agad. “Kinuha ni Madame Sanchez ang mga anak ko and you know her too, right?Katulad mo ay marami ka ring connection at dinamay pa niya ang anak niyang may amnesia,” paliwanag ko sa kanya. “Oh, mukhang mabigat ’yan?” tanong niya na sinabayan pa nang halakhak. “Mas mabigat ang problema ng kaibigan nating si Levi ngayon,” ani ko. “Oh, that fvcker too? Nagising na ba siya sa pagkababaero niya at dumating na si karma?” natatawang sabi niya. “Ang harsh mo naman. Hindi naman siya playboy, eh,” ani ko. “Magkita tayo tomorrow at babawiin natin ang makulit mong triplets.” Napangiti ako. One call away talaga siya. “How about you? Nagising na ba ang asawa mo?” nakangising tanong ko naman sa kanya. “Natulog ulit,” she replied. “Thank you sa help mo, Pearls,” ani ko. “You’re welcome, Amera.” “Bye, Pearls.” Si Aurora Pearls Crizanto at si Levi ay kami talaga ang matatalik na magkaibigan. Well, masasabi kong kakaiba nga ang friendship naming tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD