CHAPTER 15

1786 Words
CHAPTER 15: His plan RAIZER JACK’S POV “RAIZER! Raizer saan ka pupunta?” tanong sa akin ng isang babae, ngunit hindi ko makita ang mukha niya. Songs labo para makita ko pa siya. Hindi ko lang alam kung bakit. “Uuwi ako sa Pilipinas,” sambit ko. “What?! Are you insane?! Hindi ka babalik doon!” sigaw niya sa akin kaya hindi na ako nakapagtimpi pa. “Who do you think you are?! You’re just nothing to me, bítch! Wala kang karapatan para hadlangan ako!” sigaw ko sa kanya. Sino ba siya? Sino ba siya para sabihin sa akin iyon? “Do you think ba ay hahayaan ka na ng Mommy mo na umuwi ka na sa Pilipinas? You need to stay here!” sigaw niya at dahil sa inis ko ay agad na dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Wala akong pakialam kung babae siya at masaktan ko pa. Naiinis na nagagalit lang ako sa kanya. “This is your fault, Catherina! This is your fault, kaya ako nandito ngayon! Kaya naiwan ko roon ang babaeng mahal na mahal ko. Nang dahil iyon sa ’yo!” sigaw ko at ramdam na ramdam ko ang paglabas ng ugat sa leeg ko. Ang babaeng mahal na mahal ko... Ang babaeng mahal na mahal ko... Ang babaeng mahal na mahal ko... Ang babaeng mahal na mahal ko... Sandali lang... “Daddy! Daddy! Daddy, wake up!” Napabalikwas ako nang bangon at habol-habol ko ang hininga ko. “What the fvck is that?” mura ko at sinapo ko ang ulo kong kumikirot. Anong klaseng panaginip naman ’yon? Ang babaeng mahal na mahal ko? I-Iniwan ko? Teka lang, sino? Sino naman iyon? “Daddy!” Nanigas naman ako nang makita ko ang mukha ni Jecky. “J-Jecky? Ano’ng ginagawa mo rito?” naguguluhan kong tanong at naalala ko naman ang nangyari kanina. Daddy... Talaga bang anak ko siya? Totoo ba ang sinabi kanina ni Mommy? Ang triplets na ito. “Daddy, kailangan ka po ni Mommy...” nakikiusap na sabi niya sa akin. Mommy? Hindi ba si Quinna ang Mommy nila? At totoong...anak namin sila? Shet, naguguluhan ako. Gusto kong malaman ang totoo. Gusto kong malaman ang lahat. Kung ano ba talaga ang nangyayari at bakit masyado na ring magulo? “A-Anak ba talaga kita, Jecky?” sa halip ay tanong ko sa kanya. “O-Opo. Iyon po ang...sabi sa akin ni Mommy,” sagot niya at yumuko pa. Parang nahihiya pa siyang sabihin iyon sa akin. “What? Sinabi talaga iyon ng Mommy mo? Na ako talaga ang Daddy ninyo? Pero bakit...bakit wala naman siyang sinasabi sa akin?” “Noong pumunta po kayo sa bahay namin ay kinausap ko po ang Mommy ko. Na kung kayo po ba ang Daddy namin and Mom telling the truth,” he said. But why? Bakit hindi sinabi sa akin ni Quinna? Bakit nilihim niya ito sa akin? Ano ba talaga? Balak niya bang itago sa akin ang mga anak ko? Kaya naman pala... Kaya naman pala iba ang nararamdaman ko para sa mga bata na ito. Iyon pala... Fvck... Mataman ko namang tinitigan ang mukha nya. Kaya ganoon din ang naging reaksyon ng mga kaibigan ko noong nakita nila si Jacky. Hinawakan ko ang mukha niya. Naluluhang niyakap ko si Jecky. “I’m sorry... I’m sorry, Jecky... Walang alam...si Daddy na anak kita...na ako pala ang Daddy ninyo... Wala man lang akong kaalam-alam,” Paulito na saad ko at hindi ko maiwasan ang sisisihin ang sarili ko. Lumalaki na sila pero wala man lang ako sa tabi nila? Wala rin akong idea na may anak na ako, na hindi lang naman isang anak. T-Tatlo pa sila. “It’s okay po, Daddy...” “Nasaan na sina...Quinna at Jacky? Nasaan na sila?” nag-aalalang tanong ko. Dahil si Jecky lang ang nasa loob ng kuwarto at hindi ko makita ang dalawa. “Daddy, please! Puntahan na po natin si Mommy! Ang Mommy ko po!” Boses ’yon ni Quinne at umiiyak siya. Bago pa lamang ako makabangon nang pumasok na siya na punong-puno ng mga luha ang pisngi niya. “Quinne...” I uttered her name. Lumapit din siya akin si Quinne at sinalubong ko siya nang mahigpit na yakap. Mga anak ko ba talaga sila? Hindi ba ako nananaginip lang? Parang ang hirap din paniwalaan. Ang puso ko...ay sobrang lakas nang kabog nito. Napatingin naman ako sa pintuan. “Jacky, come here,” tawag ko kay Jacky dahil nakatayo lamang siya sa hamba ng pintuan. Bakit ayaw niyang lumapit sa amin? Bakit latang nag-aalangan siya? “Jacky...” Galit ba siya sa akin? “Jacky! Daddy is calling you!” sigaw sa kanya ni Jecky. Tinatamad pa siya nang lumapit sa amin. Ang akala ko ay galit na talaga siya sa akin. Pero siya ang kusang yumakap sa akin. Namilisbis ang mga luha ko sa aking pisngi. Kaya pala, kaya pala ganito ang nararamdaman ko sa kanila. Lukso ng dugo na nga ang nararamdaman ko. Hinalikan ko sila isa-isa sa noo at niyakap nang mahigpit. Masaya ako dahil tanggap nila ako agad. “I’m so sorry, kids. I’m sorry...” Si Catherina? Sino naman siya? Bakit galit na galit ako sa kanya kahit parang ngayon ko lang din siya nakita? At ang mukha niya... At sino ang naiwanan ko sa panaginip ko? Si Quinna kaya pero bakit ang sabi ni Mommy sa akin hindi naman si Quinna ang Mommy ng triplets? Bakit may kamukha rin si Quinna? Totoo bang dinukot niya lamang ang mga bata dahil obsess siya sa akin? But it’s impossible. Halatang hindi naman ganoon ang nararamdaman sa akin ni Quinna. Mas nararamdaman ko nga ang galit niya sa akin kahit wala akong idea kung bakit at para saan talaga ang galit na iyon. *** “Raizer, come back here! Raizer! Raizer!” tawag sa akin ni Mommy nang palabas na ako sa bahay. Nagmamadali pa siya para lang makahabol siya sa akin. “Raizer Jack!” “What now, Mommy?! Gusto ninyo po ba talagang masaktan ako?! Nagsinungaling na nga ako sa babaeng mahal ko! Kaya ano pa?! Ano pa ba ang gusto ninyong gawin ko?! What is it?!” Hindi nakasagot si Mommy sa akin kaya tumakbo na ako palabas. Dahil sa nalaman ko na gustong mangyayari ng sarili kong ina ay parang gusto ko na lamang maglaho bigla sa mundong ito. Nakagagalit lang ang mga ginagawa niya sa akin. Palagi niya akong kinokontrol. Ang gusto niya ay siya na lang ang magdedesisyon para sa sarili ko. Kahit may sarili na akong pag-iisip! Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa pagbuhos ng mga luha ko. Napahinto naman ako nang makarinig ako nang tunog ng sasakyan na patungo sa direksyon ko. Sa halip na iwasan iyon ay hindi ako umalis mula sa kinakatayuan ko. Hinayaan ko lang iyon at wala akong ginawa. Ipinikit ko ang mga mata ko at kasabay na tumilapon ako sa sementadong daan. Malakas akong dumaing nang nauntog nang malakas ang ulo ko, na siyang dahilan ng pagkawalan ko nang malay pero bago ako nilamon ng kadiliman ay may isang pangalan akong sinambit. “Quinna...” Naalimpungatan ako nang may malamig na dumampi sa pisngi ko. Sa pagmulat ko ay mukha niya agad ang bumungad sa aking paningin. Si Quinna... “Quinna?” Yayakapin ko na sana siya ng hindi man lang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi siya si Quinna, alam kong hindi siya ito. Hindi siya iyong Mommy ng triplets. “S-Sino ka?” “Catharina, ako si Catharina, baby. Nawalan ka nang malay kanina habang kayakap mo ang mga anak natin. Raizer...” naiiyak na sambit niya. Ang bilis naman niyang umiyak dahil lang doon. “Ikaw ba talaga ang tunay na Mommy nila o nagpapanggap ka lamang?” walang emosyon na tanong ko. “Oo, m-may litrato ako, Raizer. Here it is, tingnan mo, ako talaga ’yan at ito ang tunay na mukha ng Quinna na ’yon,” sabi niya at isa-isa niyang itinuro ang mga litrato na iyon. Right! Totoo nga, mahigpit na kumuyom ang kamao ko. “Where is she now?” malamig na tanong ko at kitang-kita ko ang gulat na rumehistro sa mukha niya. “N-Nasa labas siya ng mansyon, hindi siya pinapasok ng Mommy mo,” sagot niya sa akin. Tinanggal ko ang kumot sa katawan ko at agad akong umalis mula sa kama. Paglabas ko mula sa kuwarto ko ay si Mommy naman ang sumalubong sa akin. “Raizer?” Hindi ko sinagot si Mommy. Dire-diretso lang ang lakad ko. Nang hindi pa ako tuluyang nakalabas ay naririnig ko ang sigaw niya. Alam kong si Quinna iyon. “Madame Sanchez, ibalik ninyo na po sa akin ang anak ko! Madame!” “Umalis ka riyan, Amera. Sisipain ko ang gate nila!” “Pearls!” Sisipain na sana ng babaeng kasama niya ang gate namin pero binuksan ko na ito at hinarap ko si Quinna. “Raizer!” she uttered my name. “Go away, Quinna. I know the truth!” sigaw ko na ikinagulat naman niya. “What’s the truth?” tanong ng babae sa malamig na boses. “You kidn*pped my children at pinaniwala mo ang mga anak ko na ikaw ang Mommy nila!” malamig na sigaw ko. “What?! No, no! That’s not true, Raizer! Sino ang nagsabi sa ’yo ng kasinungalingan na ’yan?!” naiiyak na sigaw ni Quinna. Hinawakan niya ako sa braso pero tinabig ko lamang iyon. “Raizer...” “Huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa akin, sa amin ng mga anak ko. Kung ayaw mong idemanda pa kita, Quinna,” banta ko at tinalikuran na siya. “Raizer! Raizer, hinding-hindi ko iyon magagawa! Raizer, please hear me out! I’ll explain everything! I’m so sorry!” Mahigpit kong ikinuyom ang kamao ko at pumasok na ako sa loob ng bahay namin. I saw my mother smirking... Sa oras na malaman ko ang totoo, baka makalimutan ko kung sino siya sa buhay ko. Nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. Plano na naman ito ni Mommy. Alam kong may ginagawa naman siya na hindi maganda. Gusto kong malaman kung bakit iniwan ko si Quinna noon. Iyong aksidente lang ang naaalala ko at si Quinna... She’s my first love at naiwan ko siya pero hindi ko pa alam ang dahilan. Malabo pa rin ang alaalang iyon. Gusto ko lang malaman ang lahat at ang katotohanan. Ang naisip ko lang ay...sakyan na lamang ang mga palabas ng sarili kong ina at kahit sa paraan na iyon ay si Quinna ang masasaktan. Wait for me,Quinna. Aayusin ko ito... Ako ang mag-a-attendance ng gulong ito. Babalikan kita... Babalikan pa rin kita kaya hintayin mo ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD